Chapter22 : The Over-Protective Brother

57 1 0
                                    

Marlo's POV

Inaalalayan kong pababa ng sasakyan namin ang aming prinsesa nang mapansin ko na napatingin siya dun sa kabilang sasakyan, at specifically dun sa nakasabay niyang bumaba. Dahan dahan kong inilipat ang tingin dun sa tinitiganan niya. At nang makita ko kung sino yun, parang naka ramdam na naman ako na kailangan kong maglagay nang malaking harang sa kanilang dalawa. Gusto niyo malaman kung sino? Walang iba kung hindi ang idol niyo na si DANIEL JOHN FORD PADILLA lang naman po! At terno pa sila! Nag-usap ba sila? Nako naman!

Napansin din pala nila Mama, Papa at nila kuya na pareho sila nang suot.

"Wow naman terno pa kayo bunso!" Sabi ni Kuya Enchong. Nakita ko namang napangiti din nang nakakaloko sila Papa at Kuya Jon. -___-"

"Amiga! Karla! Sisimba din ba kayo?" Bati ni Mama kay Tita Karla. Ay nako Ma, hindi po sila sisimba magpaparty po sila sa loob ng simbahan. -___-" malamang magsisimba.

"Ah oo, kasama mo pala buong pamilya mo. Haha! Kasama ko din sila Daniel. Oh eto na pala si Dj, eh."

"Hi po Tita!" Sabay beso ni Daniel.

"Oh ijo, hi din sayo, eto na pala si Kath eh."

"Chandria, halika na." At nginitian ko ang aming mahal na prinsesa. Ako lang naman ang natawag sa kanya ng Chandria sa amin eh. Yun din ang bilin ko sa kanya na ako lang pwedeng tumawag sa kanya nun para pagtinawag ko siya alam niyang ako yung tumawag sa kanya.

"Kathryn, anak, halika dito at nandito ang Tita Karla mo." Tawag ni Mama kay Kath.

Agad namang lumapit si Chandria kanila Mama, Tita Karla, at Daniel.

"Hi po Tita!" Bati ni Chandria sabay beso kay Tita Karla.

"Ija, hello! Aba't terno pala kayo nang kulay ng suot nitong si Dj. Nag-usap ba kayo kagabi nang susuotin?"

"Nako, hindi po Tita. Hindi ko nga po alam na marunong magsuot nang ibang kulay ng damit yang si Dj, bukod sa itim at puti. Haha!"

"Oonga. Hahahaha!"

"Grabe naman kayo. Nagsususot naman ako ng ibang kulay. Sadyang hindi lang ako maarte tulad ninyo." Defensive na sagot naman ni Daniel.

"Oh siya, siya, halina't pumasok na tayo sa loob at magsisimula na ang misa." Aya naman ni Mama.

Pumasok na kami sa simbahan at nagtabi-tabi na din kami ng upuan. Dalawang row ng upuan ang sinakop naming mauupuan. Dalawang pamilya kami remember?

Sa unang row sila;

Tito Rommel-Tita Karla-Carmela-Magui-Mama-Papa

Sa sususnod naman kami;

Kuya Enchong-Kuya Jon-Ako-Chandria-Daniel-Jc

Nagstart na ang misa at lahat kami ay nakinig na maigi sa misa. Hanggang sa may narinig akong naghahagikhikan. Tinignana ko sa unahan, baka kasi may nagchichismisan lang, pero hindi. Sa kaliwa baka kasi sila kuya, pero hindi talaga eh. Bahagya din akong lumingon sa likod baka kasi may nagpapantasiya lang sa amin dito. Eh ikaw ba naman hainan nang apat na matitipuno at makikisig na lalaki eh hindi ka hahagikhik? Oh sige na, lima na isama na natin yang manliligaw ni Chandria. -___-" pero hindi talaga eh. Sa kaliwa, wala, sa harap, wala, sa likod wala rin. O.O hindi kaya sila Chandria?

Unti-unti akong napalingon sa aking kanan. Aba't nakita ko yung dalawa na nagpipigil nang tawa! Nako nako naman!

"Pst!" Aba't sinitsitan ko na nga hindi parin ako pinansin. Hagikhikan parin eh.

It Was You All AlongOnde histórias criam vida. Descubra agora