May program kami ngayon: "Nutrition Month"
Umupo ako kasama ang classmates ko. Katabi si Aaron at Angelo.
"Good morning Heartbreak School Studeeeents", sigaw ng mga emcee.
Dalawa ang emcee. Parehong part ng first section. Ang isa ay lalaki at ang isa ay babae.
Ang babaeng emcee ay walang iba kundi si...
... Princess.
Umpisa palang sinabi ko na magaling siyang magsalita. Ngayon uulitin ko. MAGALING SIYA MAGSALITA.
The program is going on... pero parang wala ako sa sarili ko.
"Magaling talaga si Princess mag emcee, diba Lance?", biglang sabi ni Aaron saakin. Ewan ko kung bakit niya ito tinanong... parang nang-aasar lang.
"Magaling naman talaga si Princess.", sagot ko naman sa kanya.
"Ang ganda pala ni Princess", dagdag naman ni Angelo.
Oo naman, maganda talaga si Princess. Kaya ko nga siya nagustuhan.
The program is still going on nang biglang may naisip ako.
Naalala ko lang. Kami pala ni Princess ang dating partner sa mga programs... sympossiums and reports.
3rd YEAR:
"Lance and Princess", tawag ng teacher namin sa Mapeh.
Lumapit naman kami.
"Why sir?", tanong ko kay sir.
"Kayong dalawa ang magiging emcee ng MAKABAYAN DAY, OK???"
Tinanggap agad namin ang alok dahil those times ay wala pa kaming problema.
Excited na excited kaming dalawa.
Kampante kasi kmi sa isa't-isa.
But that was before.
Month of February:
Nung Makabayan day na ay hindi kami nakagawa ng script. Galit kasi siya saakin dahil sa isang pangyayari.
Come what may, parati naming sinasabi sa aming mga performance. It means na kung ano ang sa tingin naming makakaganda sa performance ay gawin agad.
Hahay. Gagamitin ko nanaman ang aking pagkacomedian.
"Good Morning", sigaw namin and then nag convo convo kami sa gitna then nag start nang program.
Maganda naman ang takbo ng program. Tumatawa ang lahat sa mga comment ko each performance.
One time may sumayaw ng Makarena. Naisipan kong gayahin sila after their performance. Sinabi ko kay Princess ang idea then nag agree siya. Medyo kinabahan ako kaya binawi ko nalang.
"Sumayaw ka na. Pag magsayaw ka, bati na tayo", sabi ni Princess kaya sumayaw ako.
Another pakatanga for love!!! >.<
After the Program ay nilapitan kami ng teacher namin sa TLE which is part ng MAKABAYAN. She hugged us. "Thank you for that fun prgram", sabi niya.
Napasmile nalang kami.
Nang pauwi na si Princess ay hinabol ko siya. "Princess, friend na tayo ulit ha!!!", sigaw ko at naplingon siya. Hindi na siya nagsalita o nagsmile man lang. Umalis na siya and from that alam ko na hindi parin kami friends.
Arghhh. Naloko ako!!!
Pagkabukas ay nilapitan kami ng teacher ko sa chemistry and congratulated us. "You two have chemistry".
Napasmile naman ako sa sinabi niya habang si Princess ay parang nangilabot.
LET US GO BACK.
Ayun. Nakaupo na ako with Aaron and Bryan. Nakatitig lang kay Princess. Halos maiyak na ako. Sobrang miss ko na kasi siya.
Shit naman. I need to MOVE ON.
Paano ba makalimutan ang taong halos araw araw.mong kaharap at kausap???
Papalapit na ang February, ang month na hindi ko malilimutan.

BINABASA MO ANG
The Revelation of My First Heartbreak
RomanceINTRODUCTION: I admit masarap ma-inlove. Masarap yung feeling na isang tingin mo lang sa taong mahal mo ay makokompleto na ang araw mo.Yes, masarap talaga ang nararamdaman ng mga inlove, but let me remind you na kaya ka ring saktan ng love. Lov...