Chapter 2 : Be my Friend

47 0 0
                                    

Chapter 2

Mahahalikan ko na sana siya ng biglang may nagsalita...

"Sir...Sir...Sir"

Nagising ako mula sa imagination ko. Sabi ko na ngaba panaginip lang. ASAR!!! Sinabi nang ayaw ko nang magising. Ayyy, wait... para namang sinabi ko na gusto ko nang mamatay. Gusto ko nalang magising.

"Sir", pabirong tawag saakin ng classmate ni Princess. "Sir talaga?", pabiro ko ring tanong sakanya.

"Marami po talaga kaming natutunuan saiyo Sir", Na-flatter ako nang sinabi niya ito. :)Nagthank you naman ako at umalis na siya.

Hinanap ko si Princess pero unfortunately, wala na siya. Nakaalis na siya. Disturbance naman kasi yung... ay wag nalang, Nagcomplement panaman siya. >.<

Yung day na yun ang day kung kailan ko unang nakita si Princess and ito rin ang araw na nagdecide ako na I want to know more about her. <3<3<3

--------------------------------------------------------------------------------------

Nakaabot na ako sa bago kong classroom. Ngayon fourth year na ako at part na ako ng IV-St.Lorenzo. First lunch ko as fourth year ay kasabay ko ang mga bestfriends ko: Si Francis Yway, Melody Lim and syempre si Princess. Alam mo yung feeling na kaharap mo pero parang di ka nakikita? AWKWARD!!! Kumain kami nang hindi ako kumikibo. Grabe na ang pag-uusap nilang tatlo habang ako naman ay parang basang sisiw sa gilid. Ni hindi ko nga maiangat ang ulo ko eh. Hahay BUHAY...

Walang school days na hindi kami nagkita ni Princess pero wala ring araw na pinansin niya ako. Parati ko siyang kasabay mag luch pero parang wala lang ako. Parati kaming nagsasalubong pero I can see in her face na may inis parin siya saakin.

Alam niyo... totoo na bestfriend ko siya. Para saakin bestfriend ko parin siya kahit na alam ko na para sakanya isa nalang akong asar sa buhay niya. Hindi ko kasi makakalimutan ang pinagsamahan namin. Ang pagiging mag kaibigan namin since Second year ako. Yes, nung Sophomore year ko naging friend si Princess, you know how???

SOPHOMORE YEAR:

Since the day I first saw Princess, hindi na siya nawala sa isip ko. Parati kong pinagdadasal na makilala ko siya at makausap. Friendly naman ako pero pagdating sa kanya ay di ako makahanap ng tiyempo. Pagdating sa kanya para bang nawawala ang courage ko.

>ANG HIRAP TALAGANG MAGKAGUSTO FROM A DISTANCE<

Sobrang excited ako sa first day ko as a Sophomore. I'm excited because I miss my friends. I'm excited kasi gusto ko na talagang makita si Princess. <3

Excited rin ako kasi bago lahat ng gamit ko. From head to toe. Pati brief ko, bago.

Hindi ko alam kung saan matatagpuan ang II-St. Ma. Goretti kaya nilibot ko ang buong building. Natagalan akong mahanap ang bago kong section kasi nasa fourth floor pala. Akala ko ang mga second year ay nasa third floor lang, yun pala meron rin sa fourth floor.

Pagpasok ko sa bago kong room ay puro may bag na ang mga upuan sa likod kaya napunta ako sa front (pinaka-front >.<) Napansin ko na marami-rami rin pala akong classmates from first year na classmate ko parin ngayon, gaya ni Melody Lim at Chris Roda.

Let me describe Melody Lim:

She's chubby.

Matangos ang ilong.

Curly ang hair.

Maliit.

Mabait si Melody pag wala siyang dalaw (menstration). One thing for sure about her is that mayaman siya. $$$

The Revelation of My First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon