Chapter 4
Lahat ng gamit ko ngayong fourth year ako ay blue. From my bag to my notebooks and pen.
Kadalasang favorite color ng isang tao ay RED dahil parating bida ang RED sa mga palabas.
* Leader sa Power Rangers ay si Red Ranger
* Si blossom ng Power Puff Girls ang tumatayong leader.
* Red lipsticks ang kadalasang gamit ng girls.
Maganda naman talaga ang color RED. Favorite color ko nga ito...
...dati
Nagbago nalang ang favorite color ko from RED to BLUE dahil sa isang maling akala...
Sophomore Year:
"Gwaaaapppppooooooooooo talaga si RED", sigaw ni Princess. Ako naman, a very good bestfriend, nakinig kahit asar na asar na ako. Pinakinggan ko lahat ng kwento niya about kay RED kahit masakit na.
Hahay Buhay, you're so unfair!!!
Ako 'tong nandito magmamahal pero iba ang nasa isip ng taong minamahal ko. Haist... Asar!!! Well, that's life, sometimes nasa itaas sometimes nasa ibaba... Anong connect??? Nababaliw na yata ako sa pag-ibig. Acheche!!!
Well sino ba si RED???
RED- Code name ni Princess sa crush niya na hindi ko kilala.
Pinag isipan ko nang maigi. Sino kaya si Red???
Wait, my favorite color is red!!!
Hindi kaya.... OH GOODNESS!!! Ako kaya si Red???
Ok, mayabang na kung mayabang pero hindi naman bawal mangarap diba???
.
.
.
.
Paano kung ako talaga si RED??? Edi happy ending na. Please Lord, let it be.
Madalas akong jinojoke ni Princess na ako si RED dahil akala niya joke rin iyon para saakin. Hindi niya alam na sinisiryoso ko na.
Yes, I know.. kasalanan ko.
Kasalanan ko na nagkaroon ako ng false belief na ako talaga si RED pero akala ko talga eh. May magagawa ka?!
One time... nagkaroon kami ng masinsinang usapan. Tinanong ko siya kung sino ba talaga si RED. Hindi niya sinabi kung sino si RED pero dinescribe niya.
*Mabait: check
*Matalino: Check
*Gwapo: Check nalang... wala nang babara!!!
*Hindi ko classmate: Biglang gumuho ang mundo ko nang sinabi niya ito.
Dahil sa sinabi niyang ito, para bang naging balakid ang Red sa pagmamahal ko kay Princess....
Dahil sa sinabi niyang ito... binago ko ang favorite color ko...
Kung hindi niya classmate ibig sabihin hindi ako si Red. Kung hindi ako si Red, sino???
Pinahulaan niya saakin kung sino si RED so nag guess naman ako.
First guess: Rick : Crush ng Campus.
"Hindi ah, Never. hindi Talaga. no." biglang tanggi niya na pasigaw.
Nag-guess pa ako ng ibang mga pangalan nang bigla siyang nagsalita with a very low voice na halos puwet lang niya ang ang nakarinig.
"Nasabi mo na kung sino si RED".
"Huh???"
"Siya ang unang guess mo"

BINABASA MO ANG
The Revelation of My First Heartbreak
RomanceINTRODUCTION: I admit masarap ma-inlove. Masarap yung feeling na isang tingin mo lang sa taong mahal mo ay makokompleto na ang araw mo.Yes, masarap talaga ang nararamdaman ng mga inlove, but let me remind you na kaya ka ring saktan ng love. Lov...