Author’s Note: I want to remind all of you that this story was written in the current year of 2021 but yet, I’m making this original story wherein the pandemic COVID-19 doesn’t exist. Gusto ko itong alisin sa aking akda para naman kahit papaano’y mabawasan ang mga kinakaharap na problema ng ating Mundo, lalo na ang ating kalikasang unti-unti nang naghihiganti. Also, remind yourself that this includes disturbances of disasters and terrorism of the mentioned countries. Some of them didn’t really happened in reality. Enjoy reading! Please beware on the first phase of this story. Yung disclaimer, pakibasa po baka may mag react diyan. Thank you. <3
Chapter 1
Nagising ako sa tunog ng alarm clock na nakapatong sa mesang katabi ng aking kama. Mabilis akong napaahon mula sa kama ng makita kung anong oras na.
“Ay, shit!” Dali-dali akong nagbihis ng damit at walang pag-aalinlangang lumabas ng apartment habang bitbit ang isang maliit na maleta. Mabuti nalang at noong isang araw ko pang naihanda ang lahat ng aking gamit.
Aguy! Bahala ng walang ligo, at least hindi ma late!
Sapo ko ang aking noo habang hawak ang selpon at naglalakad papunta sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng taxi. Why do I need to overslept at the most important day? Jusko! Nakakahiya’t team leader pa naman ako.
Ngayon ang araw ng aming pag-alis papuntang Nepal.
Nang makarating ako sa gilid ng kalsada, mabuti na lang at may taxi agad na pumara sa aking harapan. Thank God! I’m still fortunate.
Pagkapasok at pagkaupo ko sa loob ng taxi ay saktong tumunog ang selpon na aking hawak.
“Hello, Carter? Nasaan na kayo?” Pagtatanong ko matapos sagutin ang tawag. Si Carter, isa sa miyembro ng Media Writers. They are under my care but look at me, being irresponsible leader!
“Kanina pa kami nandito sa Airport Madam. Nandito na din ang mga sundalong magbabantay sa atin sa Nepal. Ikaw na lang ang kulang,” napakagat labi ako dahil sa nararamdamang hiya.
“Sige, sige. Papunta na ako diyan.”
“Sige, Madam. Mag-iingat ka.”
Pinatay ko na ang tawag at agad na tumingin sa driver, “Sa airport po at pakibilisan Manong.”
Tumango naman ang driver at agad na binilisan ang pagmamaneho. Sana nga lang ay walang traffic para maka-diretso agad itong sasakyan papunta sa airport. Napatitig ako sa hawak na selpon at sa orasan. Alas diyes na’t trenta’y minutos na lang para sa schedule ng flight namin.
Umay! Wala na ngang ligo, late pa!
I was restless. My heart was skipping its beat. Hays. Bakit kailangang ngayon pa ako ginanahan sa pagtulog. Noong mga nakaraang araw, ang aga kong magising. Pakiramdam ko’y pinaglalaruan ako ng tadhana.
After twenty minutes, we arrived at the airport. Pagkatapos kong magbayad sa taxi ay mabilis kong hinila ang aking katawan palabas habang bitbit ang maleta. Pumasok ako sa loob ng airport. Madaming tao ngunit hindi nagtagal ay nakita ko ang aking grupo.
Nang makalapit ako sa kanila’y natigil ako ng mamataang hindi lang pala sila ang nandito. Damn. Mabilis kong inayos ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
Juan, My Commander
General FictionEmbark on a captivating journey where destiny weaves the lives of Anita Javier, a talented media writer, and Gajuan Shamer, a battle-hardened soldier. As they find themselves united by a fateful mission in Nepal, their divergent paths converge in an...