Chapter 12

57 24 9
                                    

Chapter 12

Kinabukasan, alas diyes na ng umaga ako nagising. Hindi ko namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Pagkatapos kong makausap ang General, agad akong hinatid ni Commander dito sa barracks.

Akala ko’y anong importante ang pakay sa akin ni General Kapoor. He just welcomed my team from departing in Nepal and nothing more but his aura was something beyond his position. Mabilis akong umiling at agad na inialis sa aking isipan ang bagay na nangyari kagabi.

Kasalukuyan akong nasa loob ng kubeta’t naliligo. Pakiramdam ko’y ang daming nangyari. Ito ang pangalawang araw namin sa Nepal at sa araw na ito, magsisimula kami sa aming trabaho kasama ang Reporters Team.

Sa pagkakaalam ko’y nandito na sila sa Nepal. Siguro’y may mga inasikaso pang mga bagay. Tumawag din sa Bagmati Hotel ang headquarters na rito muna kami sa loob ng isang buwan.

Mabuti na lang at may dala akong extrang damit. Kung wala, ano kaya ang susuotin ko sa araw na ito.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, agad akong lumabas ng kubeta habang nakapulupot ang tuwalya sa basa kong buhok.

“How’s the progress?” Pagtatanong ko nang makita kong abala ang tatlo sa kanilang mga ginagawa. Lumapit ako kay Andy habang kaharap niya ang laptop, “Good. It’s great. Send that to the Company,” usal ko matapos tignan ang report na ginawa ni Andy tungkol sa headline na gaganapin ngayong araw.

Marahan kong tinapik ang kaniyang balikat bago lumingon kay Tin na nakaupo sa kama habang may hawak na ballpen at papel.

“Here, Madam. Hindi ko alam kung sapat na ba itong impormasyon para sa paunang salita ng Reporters Team,” wika ni Tin at agad na iniabot sa akin ang hawak niyang tatlong pirasong papel.

“Everything is good but needs polishing. Take a rest. Ako na ang bahalang mag explain sa Reporters Team mamaya.”

Pagkatapos ay maluwag ang hiningang humiga si Tin sa kama. Naglakad ako papunta kay Carter na nakaupo din sa harap ng monitor. Mabuti nalang ay nakahiram kami ng gamit sa loob ng Military unit.

“Did you get any data from the Lalitpur’s earthquake yesterday?” Pagtatanong ko nang makalapit sa likuran ni Carter. Umiling ito dahilan para mapatingin ako sa screen ng monitor; it has zero data.

“I don’t know why, Madam, but I can’t connect to the district’s server. Siguro dahil sa pinsalang natamo kaya pati mga impormasyon ay nawala. Kung meron man, we need someone who can breach the system. There are information from other Media coming from the City regarding to the earthquake yesterday but we need an official access to their site since they marked it as private. This is frustrating,” mahabang litanya ni Carter habang nanlulumo ang kaniyang boses.

Tinapik ko ang kaniyang likuran upang pakalmahin siya mula sa nabubuong pressure.

“Don’t stress yourself for something like that. Ang importante, gumawa ka ng paraan at hindi sumuko. It’s acceptable since the earthquake just happened yesterday. Kaya walang masiyadong pahayag tungkol sa nangyari at kung meron man, dapat magsimula ito sa atin. So guys, let’s do a great job today. It’s our second day for this big project. Don’t disappoint me so that we can give a full marks to the company.”

“Yes, Madam!” sabay na sabi nilang tatlo.

Pagkatapos kong ayusin ang mga ginawa nila’y lumabas na kami ng barracks habang bitbit sa aming likuran ang bag. Tapos narin naman kaming kumain dahil pagkagising ko’y may pagkain ng nakahanda. Ang sabi ng aking mga kasama, galing daw ito sa mess ng military unit.

Juan, My CommanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon