CHAPTER-3 "Harana"

9 0 0
                                    

Anlamig...
Ang bilis ng panahon at december na...
At dahil sa malapit na ang foundation day ng school namin...
Napagdesisyunan ko na sumali sa singing contest...at ito ang 1st time ko...
Isa lng naman ang dahilan...gusto ko lng nmn na kantahan sya para ipadama sa kanya kung gaano ko sya kamahal...
Dahil sa nagtapat na din nmn ako sa kanya pero hindi pa sya naniniwala kaya ito ang naisip kong gawin...I hope it goes well...

Dumating na ang araw...
Kabado dahil sa baka pumalya ako...
Hindi rin kasi kagandahan ang boses ko...
4 kaming mga lalaki ang kasali sa contest...
Dahil sa ako ang kahulihan mas kinabahan ako...dahil sa magagaling ang aking mga katunggali...
Nang ako na ang sumalang sa entablado...nagsisigawan sila at naggugoodluck sa akin...at isang boses ang nagpalakas sa loob ko...ng sumigaw sya ng "Go LUCKY!!!"..
Ah...di ko pa pla nasasabi na LUCKY ang tawag nya sakin...
Para daw makamove on ako sa taong noo'y minahal ko...
Kaya un...
Kinanta ko ang kantang I won't give ni Jason Mraz...
At sa wakas ay nagawa ko ito ng maayos...
Hindi ko lang alam kung nagustuhan nya ang pagkanta ko...
At hindi ako nakatingin sa kanya habang nakanta sa sobrang kaba...
Pero sa di inaasahang pangyayari...
Nanalo ako...
Hindi ko rin iyon inakala...
Siguro hindi iyon mangyayari kung hindi dahil sa kanya...
At dahil dun...
Magkakaroon ako ng special number sa coronation night ng MR. and MS. TCI...
Bago rin dumaging ang araw na iyon...
Nagpabili ako ng 3 rose...isang puti at 2 pula...
Puti na sumisimbolo sa malinis na hangarin at tapat na pagmamahal ko sa kanya...
Pula naman sa pangakong hindi ako susuko kahit anong mangyari...
At nung gabing iyon...
At sa oras ng aking pagkanta...
Mas lumakas ang aking loob at nakuhang tumingin sa kanya habang kumakanta...
May kaba man sa aking dibdib...may tuwa nmn sa aking puso...
At ayun nga...natapos ang aking pagkanta...
Ngunit ng matapos ang event na iyon...
Hindi ko sa kanya naibigay ng harapan ang bulaklak dahil sa takot na hindi nya ito tanggapin kung kaya't pinabigay ko ito sa aking kaklase...
At tinanggap nmn nya iyon...
Nang ako'y nakauwi...
Nagtext ako sa kanya't nag goodnight na lamang sa kanya...

Pagsapit ng pasko...
Nagkatext kami...
Salamat pla sa mga bulaklak ^_^... sabi nya sa akin...
Ah...wala un.. sana nagustuhan mo...sagot ko sa kanya...
Hehehe....syempre nmn nagus2han ko..nahirapan lang ako magpalusot..^_^...sbi nya..
Bakit nmn ? Saan?... Sbi ko nmn...
Sa mama ko...about dun sa flowers...sgot nya sa akin..
Ah...hehehe pasensya kung kelangan mo pa magpalusot...wika ko sa knya...
Ah...ok lang un...ah may favor pla ako sayo...sbi nya..
Ah ...sige... ano ba un? Sagot ko...
Nang biglang nakaramdam ako ng kaba sa di malamang dahilan...
Ah...pede bang tigil ka muna sa panliligaw sa akin? Sagot nya...
Ha??ah?? Bakit nmn? Sagot ko nmn ...
Ah...kc di pa ako handa...
Nag aaral pa tayo at wala pa tayo sa wastong edad para pumasok sa isang relasyon...sbi nya...
Sige...kung hindi ka pa handa...ilang taon ba?
Handa nmn akong maghintay..=)...sagot ko ng may halong kaba...
Pagkatapos ko ng highschool...bale 5 yrs...sagot nya...
Ah...sige...pero di ko maipapangako...pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maintay ka...sagot ko nmn...

Hay...sana nga kayanin ko...
Dahil dun...madalas ko na sya maisip...
At minsan naisip ko din na tumigil na lng din dhil may makikilala pa ako dyang iba...pero naisip ko na nasimulan ko na kaya kelangan ko tapusin...

Kakayanin ko kya?

ONCE upon a TIME...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon