6- The Terror 5

20 4 0
                                    

Sorry po kung ang daming dala-dalawa ang pangalan.... Pero I'll try na i-lessen ang ganung pangyayari sa characters... Hehehehe!!

Tapos maikli pa tong chapter na to!!! Sorry po ulit!!

Sige na! Basa na!!
--------

Andrea's POV

Nagluluto ako ngayon ng dinner ko. Hindi pa rin ako makapaniwala! Nagkita kami!! Hindi ko maiexplain ang nararamdaman ko ng makita ko si Jake! Si Jake ay isa sa mga taong kinokonsidera ko bilang pangalawang pamilya. Actually 4 sila. Pero hindi ko sila nagawang makita ng ilang buwan.... O siguro taon. Dahil katulad ko ay mga gun for hire din sila. May kanya kanya din kaming desisyon at misyon sa buhay so naghiwa hiwalay muna kami and pag natapos na ang gusto naming gawin ay nangako kami na magkikita kita kami muli. Bumuo kasi kami ng isang grupo. At yun ang Terror 5. We are widely known especially to those who have the money and the power.

Natapos na ako sa pagluluto at nilagay na ito sa plate. Its delicious smell filled the whole house. Hmmm.... Since mainit pa ay nag decide ako na maligo muna. Papaakyat na sana ako ng biglang tumunog ang doorbell. Sino naman kaya yun since I wasn't expecting any visitor? Hmmmm.... I better check it out.

Pag bukas ka nang pinto ay hindi ko iniexpect ang nakita ko.... Wala na akong nagawa kundi ay yakapin sila.

"Miss us?" Sabi ni Jake habang nakangisi pa. Leche tong lalakeng to!!

"Jake!!" Sabi ko habang yakap yakap pa rin sya.

"So sya lang ang namiss mo? Ay leche! Uwi nalang kami." Singit ni Ate Hailey. The Master of Disguise. Bukod kasi sa pagiging GFH ay supermodel ang gaga kaya sino ba naman ang maghihinala na killer sya diba? And not to mention magaling din sya sa mga make up transformation.

"Good idea yan!! Tayo na!! Magyakapan lang kayo jan hanggang sa madurog yang ribs nyo!!!" Galit na sabi ni Richelle. The Technomancer. Halos lahat nalang ng mga bagong techie pieces ay meron sya. And that helps her to hack and destroy any enemies na may connection sa technology.

"Wag nga kayo maging hard!! Grabe nyo lang! Pagbigyan nyo na! Matagal hindi nagkita ang magbestfriend!! Kakaloka kayo!!" Singit naman ni Harry. The Baklitang Womanizer. Oo. Sa maniwala kayo o sa hindi. Bakla sya kaya naman walang kahirap hirap sa kanya na hindi ma fall sa mga babaeng kailangan nyang i seduce....

"So ano?? Tatayo nalang kami dito habang kayo naglalandian?? Wow ha?" Sabi ni Richelle.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Jake. "Ang aarte nyo! Sige na nga! Pasok na! Kahit labag sa kalooban ko. Hmmp!!" Sabi ko ng may halong pangiinis.

"Aahh... Ganun? Sige alis na kami baka naman nakakadistorbo kami sayo!! Sige ha! Wag kang mag alala, hinding hindi na kami babalik! Tayo na!!" Sabi ni Harry sabay hila sa kanila.

"Anong tayo? Hoy! Papasok kami! Kung gusto mong umuwi, umuwi ka mag isa mo! Baklang ito talaga! Bahala ka nga! Wag mo na nga yang papasukin dito, Drey!" Sabi sa akin ni Ate Hailey.

"So ganun? Hindi nyo ako susuportahan! Sige! Feel ne feel ko pagmamahal nyo sa akin!! PROMISE!!!" Sabi ni Harry sabay irap.

Napailing nalang ako. "Sus! Itong baklang ito talaga!! Hali na kayo! Pasok! Tamang tama! Nagluto ako ng ulam... Kaso nga lang ay walang kanin.. Nakalimutan ko kasing bumili kanina." Pageexplain ko.

"Naghihirap ka na ba, Andrey? Eto o! Baka sakaling makatulong..." Sabi sa akin ni Jake sabay abot ng 1000.

"Gago! Nakalimutan ko nga lang!! Bwisit ka talaga, Jake!!!" Sabay hampas-hampas sa kanya sa dibdib. "Ikaw nalang bumili doon sa tindahan. Tutal ikaw naman ang pinaka mayaman sa amin...." Sabi ko kay Jake habang ineemphasize ang word na mayaman.

I'm In Love With A CriminalМесто, где живут истории. Откройте их для себя