5- Reunion?

18 3 0
                                    

Renzo's POV

@ school

Habang nasa klase, napansin ko na may mga konting sugat si Andrea sa mukha tapos ang haggard haggard pa! Perang hindi natulog ng 5 araw! Pero maganda pa rin sya! Hahaha! Pero totoo... Maganda pa rin sya. Litaw na litaw pa rin ang ganda.

Nilapitan ko sya paratanungin kung anong nangyari.

"Bakit ang dami mong pasa? Tapos laki laki na ng eyebags mo? Nakatulog ka ba kagabi?!" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Anong pake mo!?" Sabi nya ng pasungit.

Hala! Nagsungit! First time ko syang nakitang ganito. Wait lang... Bakit parang dumadami yung first time ko simula nung magkagusto ako sa babaeng to? Aish! Ano ano na naman iniisip ko!!

"Sorry... Masakit lang talaga ulo ko..." Sabi nya ng pahinhin.

Bipolar lang? Kanina naiinis ngayon paamo effect?

"Okay lang..... Pero ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ko ulit.

Andrea's POV

Bwisit! Kung di pa naman pakialamero tong gagong to! Kung makapagtanong! Mas wagas pa sa mommy ko.... Shit! Naaalala ko na naman si mommy....... Aish!! Erase! Erase!

Tapos na slide pa ako! Nasungitan ko pa si gago! Kulit kulit kasi!

"Ano.... Wala. Pagod lang talaga ako... Kulang sa tulog." Sagot ko.

"Bakit ka nagpuyat? Ano ba ang ginawa mo?" Sunod sunod nyang tanong.

Teka lang... Pulis ba to? Kung makapagtanong wagas eh!!

Hindi na lang ako umimik. Kakapagod makipagusap sa gagong to! Dami daming tanong!!

"Huy?" Pangungulit nya.

"Ano?" Bored kong tanong sa kanya.

"I'm Renzo Sargera. Sana naman at least maging magkaibigan tayo!" Sabi nya sabay abot ng kamay nya para makipag shake hands. Wow lang ha! Ngayon pa sya nagpakilala!! Galing nito! Sa lahat ng pagkakataon ngayon pa sya nagpakilala ng pormal? Wow lang talaga! Author! Bigyan mo to ng reward!!

(A/n: kailangan pa ba yun? Para dun lang? Pero hoy gaga!! Tanggapin mo na yang kamay nya! Para syang timang dyan na nag aantay sa pagtanggap mo sa kamay nya!!)

Paki ko? Mag antay sya dyan! Usap muna tayo! Kung hindi babarilin kitang gago ka!

(A/n: like hell you could! Pag ginawa mo yun... Mamamatay ka din!! Gaga!! Hina mo talaga! Sige na! Tanggapin mo na yan oh! Para na syang timang na tanga na bobo na gago!)

Oo na sige na sabi mo eh! So ayun.... Tinanggap ko! Pag hawak ko sa kamay nya... Wow lang... Kamay pang mayaman talaga! Ang smooth! Baby skin lang ang peg! Pero totoo. Ang lambot talaga ng kamay ni... Renzo? Renzo ba yun? Oo siguro Renzo nga yun! Nagiging makalimutin na ako ah? Masyado lang sigurong occupied ang utak ko.

Tapos nun ay para syang timang na nakatitig lang sa akin. Hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko.

"Uhh... Renzo? Bitaw na sa kamay ko. Uso yun ngayon! Pramis!" Sabi ko pero hindi pa rin sya natitinag. Hehehe... Mapagtripan nga!

"Huy! Alam ko naman na maganda ako.. Pero please? Bitaw na pwede? Hehehehe? Sabi ko nga kanina na uso bitawan ang kamay ko no?" Sabi ko tapos nag fake laugh. Hinablot ko yung kamay ko at saka lang sya natauhan. Ay? Anyare?

"Sorry" sabi nya.

Umiwas sya ng tingin sa akin. Ay gago pa rin pala to! Sya yung nakipagkaibigan tapos sya tong unang mag aasal na parang strangers uli kami? Gago talaga sya! Minsan na nga lang ako makipag kaibigan epic fail pa. At hindi pa ako ang unang hindi mamansin. Sya pa!! SYA PA TALAGA!! WOW LANG!

I'm In Love With A CriminalTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang