7- Temporarily Retired

7 2 0
                                    

Andrea's POV

May naalala lang ako..... Diba kayo nagtataka kung bakit iisa lang yung apelyido ng dalawa kong pangalan? Ang lame, inaamin ko... Pero hindi ko rin masisisi ang sarili ko dahil nung iniisip ko yung pangalawang pangalan ko.... Well... Parang hindi naman talaga yun pinagisipan. Ganito kasi yun...

Nung ka meet ko yung first client ko... Of course medyo nenenerbyos ako. Kaya naman ang nasabi ko ay Audrey... Yung pagsabi ko nyan... Perfect na sana pero ang nasabi kong surname ko ay Fernandez which is my real surname. And it sucks. Bigtime!

Anyways on the way na ako.... I mean kami ni Jake sa house ko dahil may sasabihin daw sila ate Hailey sa amin.

Nakarating kami sa bahay ng mga 5 pm since malayo layo din ang school sa bahay ko thats why nag car na kami. And take note, car ni Jake ang gamit namin. Dapat nga mga 6 or 7 pm kami nakarating dito. Pero dahil sa early dismissal.. Ayun! Mas maaga kaming nakarating. Bongga no?

Pagpasok namin sa bahay ay nadatnan namin sila ate Hailey, Harry at Richelle na seryosong nakikinig at nanonood sa balita. Since serious sila then the news must be that interesting.

"Ang CEO ng pinakamalaking kompanya sa Pilipinas ay na ambush dahil umano sa hindi malaman na rason." Sabi nung reporter. Ugh.. My mess again. Tsk!

"That's my mess, guys... Sorry kung nabahidan na naman ng kung ano ano ang pangalan ko... Natin... As a group. Sorry talaga...." Sabi ko habang nakayuko.

"Ano bang nangyari? Tell us everything now." Seryosong sabi ni Richelle. "Okay.. Pero promise na magkokontrol kayo ng galit okay??" Tumango silang lahat except kay Richelle.

"I wont promise but I will try. Go on." She said coldly. Patay...

So I told everything.. About how Christian ruined everything and how he butted into the action.

Pagkatapos kung magsalita ang nagwala silang lahat maliban kay Richelle. "Kung sino pa tong mga tumango tango kanina ay sila pa pala tong mga magwawala!!" I said sarcastically. Totoo naman diba?? I sighed.

Natigilan silang lahat.

"Kakalurkey talaga yang Christian na yan!! Kung kailan okay na ang lahat ay dyan pa magpapakita at maninira!!! Imbyerna!!!" Inis na inis na sabi ni Harry.

"Tama!!" Sabay na sabi ni Jake at ate Hailey.

"Okay I made up my mind. Dito na kami magsistay... Kaming lahat kasali ka Jake!" Sabi ni Richelle. Halata namang gulat si Jake pero wala na syang magagawa. Pag si Richelle na ang nagsalita ay wala na kaming magagawa kundi um-oo. Dahil sya naman kasi ang pianaka mature na mag isip sa amin.

"Tapos nun... Since kayo dalawa nalang din ang nagaaral..." Sabi ni Richelle habang tinuturo kami ni Jake. "You will have to temporarily retire bilang isang gun for hire. And kami na bahala sa gastusin nyo... Pati dito sa bahay... Is that clear??" Aangal sana si ate Hailey. Pero pinandilatan sya ng mata ni Richelle. Tapos nun wala na syang magawa kundi magsigh. Hahaha!!! Kahit talaga napaka bata pa nitong si Richelle ay napaka genius nga naman. Si Richelle kasi ay 14. Ako 17. Si Jake 18. Si Harry ay 24 or 25.. I forgot. Then si Ate Hailey ay 28.

"Para ito sa safety ng lahat. At least magkakasama pa tayo diba?" Tanong ni Richelle. Tumango naman kami.

Tapos nun ay umalis si Jake para kunin yung gamit nya sa condo unit nya. Since 3 lang ang kwarto sa bahay ay may magtatabing matulog. Si kaming dalawa ni Jake sa kwarto ko. Walang malisya okay!!?? Si Ate Hailey naman at si Richelle ang sa kabilang kwarto. Tapos si Harry naman sa isa pang kwarto. Since walang gustong tumabi sa kanya. Kasi daw baka i rape daw sila. Hahahaha!! Gago talaga sila!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm In Love With A CriminalWhere stories live. Discover now