Kasalukuyan na kong nasa school na ko ngayon at nakaupo sa may sulok habang tinitingnan ko yung gift sakin ni Daddy na nakita ko sa bedside table ko.
"Aga mo namang wala sarili , First Day of School pa lang at lutang ka na"
Nagulat ako kung sino yung nagsalita na yun at pag lingon ko nakita ko ang BestFriend ko simula Pre-School. Galing no ? Simula Pre-School kasi magkaklase na kami ni Stephan, well actually ang buong name niya ay Edward Stephan Adriano , nakuha yung names niya sa isang palabas na The Vampire Diaries at Twilight. Fan kasi ang Mommy niya ng mga story about Vampires.
"Wow may new Phone ka nanaman Lexitot ?"
"Ikaw pala Stephantot, Oo Gift ni Daddy sakin dahil daw Second Honor nanaman ako"
"Wait yan yung Iphone X yan di ba ? Naks di ka talaga nahuhuli sa usong gadget Lexitot. Ano gift sayo ni Tita ? "
Tama kayo di ako nahuhuli sa lahat ng IN ngayon, mapaFashion, Gadget at kahit ano pa. Mayaman kami eh di nga lang sa pagmamahal ng magulang
"Nagsalita ang isa, eh di ba nga same lang naman tayo at for sure may Iphone X ka din. Si Mommy gift niya necklace pero as usual di pa din siya satisfied sa Award ko"
At kailangan ko na daw talunin ka this year. Siya kasi ang First Honor at Running for Valedictorian at ako Salutatorian. Since Pre-School laging ganyan ang sistema namin lagi kaming Running for Valedictorian and Salutatorian kaya nga lagi kaming magka competition sa mga extracurricular at academics sa school eh pero bestfriend pa din kami at di alam ng marami na tinuturuan namin ang isa't isa kapag kaming dalawa lang ang magkasama.
"Hahahaha kailan ba na satisfied ang Mommy mo ? saka kaya ka ba malungkot kanina pagdating ko dahil sa parents mo ?"
Oo nga naman kailan nga ba nasatisfied si Mommy eh wala naman ibang bukambibig yun kung di maging Valedictorian ako.
"Ano pa bang bago Stephantot ? Hayaan mo na nga picture nalang tayo ng magkaroon naman ng pakinabang to."
Hilig ko talaga mag picture kahit sa phone ni stephatot punong puno ng pictures naming dalawa , well actually buong kwarto ko halos mapuno ng picture at album.
After namin mag picture ay bigla nalang nag bell , it means na time na at kailangan na namin umayos ng upo.
Di na ko masyadong excited kasi kilala ko naman na lahat ng teacher at yung iba sa mga classmate ko eh.
Habang nakaupo na kami may narinig kami ni Stephan na mga babaeng nag uusap at mga classmate namin sila
"Balita ko bessy may transferree daw ngayon ahh, at dito din daw siya sa pilot section" -Girl 1
"Oo nga daw bessy , sabi sabi matalino daw yun kaya naging scholar dito sa school" -Girl 2
"Sa tingin mo bessy matatalo na niya si Lexi at Stephan ? " -Girl 3
"Sa tingin ko impossible yun eh parehas na matalino yung dalawang yun eh saka alam mo ba balita ko nililigawan daw ni Baby Stephan si Lexi ahh" -Girl 1
Hays mga chismosa talaga tong mga babae na to tsk. Pati kami pinagchichismisan at wait tinawag niyang baby si Stephantot hahaha Eeewww masyado ahh.
"Excuse me mga Miss ahh, Kung pag uusapan niyo lang kami ni Lexi pwede wag kayo sa likod namin ? At saka bago ba kayo dito sa section namin ? Bawal kasi mga chismosa dito eh"
Boom basag sila kay Stephantot hahahaha ang aga aga kasi eh kung ano ano pinag uusapan.
Pero na curious ako sa transferree na sinasabi nila . It means kailangan ko nanaman galingan this year para di mawala ang award ko.
Another Stress nanaman tsk tsk.
-xoxo-
BINABASA MO ANG
The Real Meaning Of Love
General FictionThis story is all about a person who is still searching for the real meaning of love