Chapter Three

4 0 0
                                    



After nung pambabara ni Stephantot sa mga bagong classmate namin ay bigla nalang dumating yung adviser namin.

"Wait is that my tita ? "

Pagkasabi ko nun ay biglang naglingunan sakin lahat ng mga student including our adviser, my tita .

"Yes my dear I'm your adviser here in our school and I'm your tita in our house"

Shete lagot na si Tita nga , at Tama kayo ng dinig niyo our school dahil pag aari ito nila Lolo at Lola pero di alam yun ng ibang student except kay Stephantot pero ngayon ay mukhang alam nila dahil sa mga narinig nila.

"Is it True na Tita niya yun ? "
"OhMyGee so it means apo siya ng may ari ng school ? "
"Pero kahit apo siya ng may ari ng school hindi niya yun pinagmamayabang"
"Pero kaya din kaya siya laging 2nd Honor dahil dun"

Takte sabi na nga ba yan yung sasabihin nila sakin eh kaya ayokong may nakakaalam na apo ko ng may ari ng school eh.

"Okay class, Let me clear lahat ng sinasabi niyo kay Lexi. Una hindi dahil sa apo siya ng may ari kaya siya laging 2nd Honor, dahil kitang kita naman natin na nag aaral siyang mabuti. Pangalawa, Oo tita niya ko, kapatid ko ang Mommy niya at anak ako ng May ari ng School na to. Pangatlo, Tama kayo ayaw niyang ipagmayabang na apo siya ng may ari ng school dahil ayaw niya magkaroon ng special treatment kapag nandito siya, gusto niya kasi maging normal na students so stop talking about her."

Hay nako si tita talaga sinabi pa lahat ng yun at infairness nasa akin lahat ng attention nila at nakakairita yun.

"By the way class may bago tayong lipat na student galing sa St. Claire National High School, Mr. Cepeda please come in and introduce yourself"

Agad naman may pumasok na lalaki sa loob ng room namin, malamang kasi pinapasok siya ni tita ay este ni Ms.Estrella.

"Hi My name is Zhayne Kendrick Cepeda, transferree from St. Claire National High School"

"Okay class bago kayo maging bubuyog at magbulong bulungan nanaman , Mr. Cepeda you may take your sit now beside Ms. Lexie's chair"

Ano daw sakin ? teka bakante ba yung nasa tabi ko ?
Tumingin ako sa kanan ko nandun si Stephan tapos tumingin ako sa kaliwa at ayun bakante nga kaya agad siyang naupo dun.

"Okay class let's start, please get a piece of paper and right your name, year and section"

Pagkasabi nun ni Ms. Estrella ay lahat kami kumuha na ng paper maliban kay zhayne dahil mukha siyang walang papel na dala at tanging pilas lang ng notebook ang kinukuha niya.

"Ganyan lang ba paper sa public?"

"Grabe ang poor niya pala"

Nakita kong napalingon si zhayne sa mga babae na nagbubulungan at as usual kung sino yun ay yung mga babae nanaman na galing sa lower section. Nilingon ko ang mga babae na nagsasalita

"Can you shut your mouth kung ayaw niyong mapabalik sa lower section"

Natahimik naman sila sa sinabi ko kaya nilingon ko na si zhayne at binigay sa kanya yung isang buong pad paper ko at kumuha ng bago sa bag. Lagi kasi kong nagdadala ng extra pad paper para kung may emergency di ako maubusan.

"Thank you. Piece of paper lang naman daw bakit isang pad to?"

"Kakailanganin pa kasi ng papel hanggang mamaya kaya sayo na yan"

Ngumiti lang siya sakin habang umiiling. Ano namang iniiling niya eh binigyan ko na nga siya ng papel.

Ginawa na namin ang pinapagawa ng tita ko. Tatayo na sana ko para ibigay yun kay Ms. Estrella ng bigla itong kinuha ni stephan

"Ako na magpapasa" sabay punta niya sa teacher namin

Pagkatapos ng pinagawa samin ay lumabas na ang teacher namin kaya nagmadali din akong lumabas para makausap siya.

"Tita what are you doing? Bakit ikaw ang teacher namin? Is it because of Mom. Alam mo namang di ko matatalo si Stephan right? At saka magkaibigan kami ayokong ituring siyang kalaban sa lahat ng bagay dito sa school" sunod sunod na tanong ko kay tita

"Sweety nandito ko para magturo hindi para bantayan ka. Don't worry hindi kita isusumbong kay ate sa lahat ng ginagawa mo"

Napangiti ako sa sinabi ni tita kaya niyakap ko siya agad at nagpaalam na ko na babalik na ko sa klase ko.

I know my mom at alam kong siya ang may dahilan kung bakit naging teacher ko ngayon si tita. Inaalam niya siguro kung bakit di ko matalo talo si stephan.

Bumalik na ko sa room namin para maghintay sa ibang teacher namin. Kagaya ng laging nangyayari walang masyadong ginagawa kapag first day of school kaya maaga din natapos ang klase namin.

Kasalukuyan akong nag aayos ng gamit ng mapansin kong kanina pa tumitingin sakin si Cepeda. Anong problema nito sakin?

"Anong problena mo Cepeda? Bat kanina kapa nakatingin?" agad kong tanong sa kanya

"Ibabalik ko lang sana yung papel mo, Hindi ka dapat nagsasayang nito" sagot naman niya sakin. Ako nagsasayang ng papel? Siraulo ba to?

"Hindi naman yan masasayang kasi gagamitin mo naman di ba? Saka madami ko niyan sa bahay namin kaya sayo na yan"

"Salamat pero sa susunod kapag mamimigay ka ng papel isang piraso lang hindi isang pad, kaya ko pa naman bumili nito" pagkasabi niya nun ay iniwan na niya ko. Mali ba yung ginawa ko? Nagmagandang loob lang naman ako ahh. Baliw ba yun?

Agad nawala ang mga iniisip ko ng nay gumulo sa buhok ko at nagsalita

"Hayaan mo na yun, akala niya siguro mas lalo mo lang siyang pinagmukhang kawawa kanina. Mag mall nalang tayo, first day of school ngayon di ba?"

"Am i bad for that stephan? Gusto ko lang naman siya tulungan"

Tinawanan lang ako ni stephan at hinila na palabas ng room. Nakagawian namin na mag mall every first day of school at after exam para mag enjoy dahil kadalasan yun lang ang free time namin.

Halos abutin na kami ng sarado ng mall sa dami naming ginawa sa mall. Nanuod kami ng movie, kumain, naglaro sa quantum at namili ng ilang books na hilig namin gawin kapag free time sa school. Gabi na ng hinatid ako ni stephan sa bahay dahil pinauna ko ng umuwi ang driver namin kanina at iisang sasakyan lang dala namin ni stephan kasi magkapit bahay lang naman talaga kami.

Pagdating sa bahay ay umakyat na ko agad sa kwarto ko at nagpalit ng damit para matulog.

-xoxo-

The Real Meaning Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon