Chapter 2

345 14 3
                                    

Chapter 2

Yuan's POV

"Pre! Bakit ang tagal mo pumunta dito?! Kanina ka pa namin hinihintay eh!" sabi ni Stephen sa akin.

"Oo nga pre! Bakit ang tagal mo? Siguro may bagong nabingwit ka na naman noh?" sabi ni Cloud sa akin

Psh. Kung alam niyo lang ang nangyari sa akin. -_____-

"Mga gag*! Kunuha ko pa yung Kotse ko sa bar! At bakit nyo ako iniwan kagabi sa bar?!" sabi ko sa kanilang dalawa

"Tol, chill lang! Di ka na namin hinanap kasi may bago kaming nabingwit eh. Diba Stephen?"

"Yea"

"Mga siraulo talaga kayo! Teka, ano ba yung pag uusapan natin?" tanong ko sa kanila

"Tumawag ang mommy mo sa akin kanina. Sabi niya i-meet mo daw yung bagong tutor ng kapatid mo na si Joshua. Sa Starbucks daw kayo mag kita. Mga 4:00 ng hapon daw kayo mag kita." sabi sa akin ni Cloud

"Sino daw yung bagong tutor ni Joshua?" tanong ko sa kanya

"Ewan ko. Oh Ito yung number ng bagong tutor ni Joshua"

Binato niya sa akin yung kanyang cellphone. Agad ko naman kinuha yung number ng bagong tutor ni Joshua.

"Oh sige. Alis na ako." pagpapaalam ko sa kanila.

Hay nako! Ang kulit talaga ni mommy na wag nang kumuha ng bagong tutor para kay Joshua. Naka Ilang beses na din kasi kumuha si mommy ng tutor para kay Joshua. Eh sa sobrang kulit ng kapatid ko, ayun, iniiwan siya ng mga tutor niya.

Sumakay na ako ng aking kotse at pumunta na sa Starbucks dahil mag fo-four o'clock na din

•STARBUCKS•

Pumasok na ako sa Starbucks at nag order ako ng aking maiinom para may magawa ako habang hinihintay ko ang bagong tutor ni Joshua.

Nang umorder na ako, napansin kong wala nang bakanteng upuan. Pero habang naghahanap ako ng bakanteng upuan, nakita ko si waitress. Ano kaya ginagawa niya dito?

Dahil sa ngalay na ang aking paa. Pumunta na ako kay waitress.

"Oy! Pa upo" sabi ko sa kanya

"Ah. Okay" ^____^ sabi sa akin ni waitress

Umupo na ako sa kanyang tapat.

"Bakit ka umalis kanina? Pati di mo kinain yung luto ko para sayo?" di ko na siya pinansin dahil busy ako sa kakatext sa tutor ni Joshua. Tinanong ko Kung anong kulay ng kanyang damit.

"Alam mo, sorry ha. Una, dahil din sa pag tapon ng juice sa inyo. Panglawa, sorry sa--"

"Can you please shut up?!"

Bigla siyang napatahimik. Eh, ang ingay ingay niya. Kita mong may ginagawa ako eh.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito, at nakita kong nag text na yung bagong tutor ni Joshua.

-

To: Bagong tutor ni Joshua

Naka pink akong t-shirt at naka maong ako.

-

Nilingon ko na ang buong paligid. Pero isa lang ang nakikita kong nakasuot na pink na t-shirt kundi si waitress.

"May hinihintay ka ba dito?" tanong ko sa kanya

"Ah. Oo. Yung anak ni Mrs. Trinidad. Bakit?"

O___O

So ako yung tinutukoy niya.

"Tara na. Sumakay na tayo sa kotse ko" sabi ko sa kanya

"Ba-bakit? Eh, may hinihintay pa ako eh."

"Psh. Sumunod ka na lang" sabi ko sa kanya

--

TalkToYourHand

I love you until the Last Beat of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon