Chapter 6

256 10 2
                                    

Chapter 6

Anjunnette's POV

*RIIIINNNGGGGG*

Yes! Uwian na! Kanina ko pang gustong umiwi kasi pano ba naman, natotorture na yung utak ko tuwing Algebra time. At take note, 2 hours pa yung Algebra namin.

"Gaaalsss! Sabay tayo umuwi ha?" sabi sa akin ni Heaven habang ako naman ay kasalukuyang nag aayos ng aking gamit.

"Oo na. Hintayin mo na lang ako sa labas" sabi ko kay Heaven.

Nang matapos ako sa pag aayos ko ng aking gamit, lumabas na ako ng room at lumapit kay Heaven. Napansin ko si Heaven na tila'y may tinitignan sa labas ng aming school. Kinalabit ko si Heaven sa kanyang balikat para makuha ko ang kanyang atensyon.

"Uy! Heaven! *poke* Heaven! *poke* HEAVEN! "

"Ano ba! Kita mong may tinitignan ako eh!" sabi sa akin ni Heaven ng pagalit.

"Ano ba tinitignan mo?" tanong ko kay Heaven

"Hayy~ Ang cute talaga ni Yuan pag nanapak ng tao. Hihihi."

O______O

Wait! Ano sinabi ni Heaven? Nananapak ng tao ngayon si Angelo? At ang cute daw ni Angelo pag nananapak? Aba! Lumalandi ngayon si Heaven ha.

Agad akong tumakbo papunta dun sa mga nagkukumpulang tao. Sumingit ako bigla para makita ko ang nangyayari. Nang nasa unahan na ako, nabigla ako sa nangyari dahil nagbubugbugan nga sila Angelo. Halos napanganga ako sa nakikita ko. Ang galing nga mambugbog ng tao si Angelo.Halos makikita mo sa kanyang mukha ang galit na expression.

Napatingin sa akin si Angelo at nakuha pang tumitig sa akin. Siguro nagtataka siya kung bakit ko pinapanood ang kanyang laban. Nang dahil don, nasuntok siya sa mukha at natumba. Kitang kita ko ang dugong namumuo sa kangyang labi.

Agad akong pumunta sa gitna at pinigilan ko sila.

" Tigilan niyo yan! Wag niyo siyang sasaktan!" sigaw ko sa mga kalaban nila Angelo

"Anong gina-ga-wa mo?" pabulong na sabi sa akin ni Angelo habang siya'y nakahiga.

"Wow! Yuan may girlfriend ka na pala! Di mo sinasabi sa amin ah! Pwede bang pahiram muna yang girlfriend mo at papasiyahin ko lang ang buhay ng girlfriend mo?" sabi ng isang lalaki. Siguro yun yung leader nila.

"Mga gag* kayo!" Nakita kong tumayo na si Angelo sa kanyang paghiga at tumakbo papalapit sa mga kaaway nila. Agad naman sinuntok ni Angelo ang kalaban nila.

Pagkatapos iyon, agad akong hinila ni Angelo papunta sa kanyang kotse. Pinaupo niya ako sa kanyang sasakyan at umupo na din siya sa tabi ko at pinaandar na ang kanyang kotse.

Tahimik namin tinahak ang kalsada. At napansin ko na ang bilis niya magpatakbo ng kotse. Uwaaaaaa! Ayoko pang mamatay. Madami pa akong Balak sa buhay. T________T

Nakarating na kami sa bahay nila. Sumunod naman ako sa kanya sa pagpasok sa kanilang bahay.

"Ano bang problema mo?! Bakit ka nakielam sa amin?! Di mo ba alam na mapapahamak ka don!"

Nabigla ako sa sinabi niya. Ngayon lang ako nakaranas na sigawan ng isang Tao. At higit sa lahat, ngayon ko lang siyang nakitang sumisigaw at nagagalit.

Napapaluha na ako dahil sa nangyayari sa Amin. Di ko na din mapigilan ang emosyon na dinadala ko kaya't napaiyak na ako ng di oras.

"Di *sob* ko naman *sob* sinasadya eh. Gusto *sob* lang naman *sob* kitang protektahan eh." sabi ko sa kanya

Nabigla na lang ako nang yakapin ako ni Angelo.

"Shhhhh. Tama na. Ayos lang naman sa akin na wag mo na akong tulungan don eh. Kaya ko naman sila eh. Shhh. Tama na. Sorry na din na singawan kita kanina." Habang sinasabi niya yon, hinahaplos niya din ang aking buhok. At hinihimas himas niya din ang aking likod.

Habang ginagawa niya yon sa akin, naramdaman ko ang aking mukha na namumula na.

Lub dub. Lub dub. Lub dub.

Lumakas ang tibok ng aking puso. Naramdaman ko din ang tibok ng kanyang puso habang yakap yakap niya ako.

Tinanggal niya na ang kanyang kamay sa pagkakayakap sa akin. At hinarap niya ako.

"Mauna na ako, Anjunnette" pagpapaalam sa akin ni Angelo.

Paalis na sana siya nang hilahin ko siya sa kanyang braso.

"Teka! Gagamutin ko lang ang iyong sugat. Wait! Kukuhanin ko lang yung first aid kit sa kwarto" sabi ko kay Angelo.

Yuan's POV

Kinuha na ni Anjunnette ang first aid kit sa kwarto. Nang makuha niya iyon, agad siyang bumaba ng hagdan at lumapit sa akin.

Umupo na ako sa sofa at tumabi ako sa kanya. Kumuha na siya ng bulak at nilagyan ng gamot. Sinimulan niya nang gamutin ang aking mukha.

Tinignan ko siya. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala.

Napatingin ako sa kanyang labi. Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin nang muntikan na siyang mahulog sa hagdan. Sa aking pagtingin sa kanyang labi, parang gusto ko ulit siyang halikan. Gusto ko ulit maramdaman ang kanyang labi sa aking labi.

Nang matapos na ang pag gamot sa aking mga sugat, nagpasalamat na ako sa kanya.

Umalis na ako ng bahay at sumakay na ako sa aking kotse. Nang nakaupo na ako, naramdaman ko ang aking cellphone na nag vi-vibrate. Nakita kong may tumatawag sa akin. Agad ko naman sinagot iyon.

"Hello" sabi ko sa aking kausap

(Hi Yuan! I miss you!)

"Hey! What's up?"

(I'm okay. I'm here in the Philippines!)

"Really? Great!"

(Yea. And by the way, meet me at ***** restaurant because I want to talk to you. And I want to see you cause I miss you so badly!)

"Okay. Pupunta ako dyan"

Pinindot ko na yung end button ng cellphone ko. At nagsimula na akong magdrive papunta sa ****** restaurant na sinasabi ng katawagan ko kanina. Psh. Ano kaya ang pag uusapan namin? -____-

---

Okay lang ba yung update ko ngayon? Sorry na nakaupdate ako ng sobrang tagal. HAHA.

Oy! Please support my another story entitled "IF I COULD"! Maganda yun! I- pupublish ko yun next month ata.

By the way, please support and read the stories of TeenageDramaQueen02!

V O T E

C O M M E N T

B E A FAN

TalkToYourHand

I love you until the Last Beat of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon