Chapter 5

300 14 3
                                    

Chapter 5

Anjunnette's POV

Its been 2 days na di ko pa nakikita si Angelo sa bahay nila. Si Joshua nga lang ang nakikita ko sa bahay nila. Tinatanong ko nga yung mga katulong nila kung nasaan si tita eh. And sabi daw nila nagbakasyon si tita sa Boracay kasama ang mga ka-officemate nya. Nakalimutan ko din itanong kung nasaan si Angelo pag nag pupunta ako sa bahay nila.

Tapos na ang aming klase. Nalaman ko din na classmate ko pala si Angelo. Kaso lang, minsan lang siya uma-attend ng klase.Ewan ko ba sa kanya kung bakit ayaw niya pumasok sa klase. -____-

"Gals! Hinahanap ka ni Mrs. Araneta." sabi ni Heaven sa akin

"Bakit daw?" tanong ko sa kanya. 

"Ewan ko. Basta, inutusan niya lang akong tawagin ka eh." 

"Okay. Pupunta na ako" sabi ko kay Heaven.

Hay nako. Kinakabahan ako kung bakit ako pinapatawag ni Mrs. Araneta. Baka naman sasabihin sa akin na bumagsak ako sa mga subjects ko! Uwaaaaaa! Wag naman sana! T.T  Or baka sasabihin sa akin na tanggal na ako sa pag ka scholar. Uwaaaaa! Ako na nga lang yung pag asa ng aking pamilya! 

"Uhm. Mrs. Araneta, pinapatawag niyo daw po ako?"  Ugh! Kinakabahan ako.

"Oo iha. Umupo ka muna."

Pagkaupo ko nag salita ulit si Mrs. Araneta

"May sasabihin ako sayo Anjunnette..."

Ughh! Di ko na kaya! Nanginginig na ang aking paa sa sobrang kaba. I cant take it anymore!  T.T

"Anjunnette, nakita ko sa iyong card na nag improve ka. And sasabihin ko sayo na ikaw ulit ang nag top sa klase. And besides, di ka matatanggal sa pagiging scholar. Gusto lang kitang i-congratulate sa iyong kasipagan sa pag aaral"

"Maam, thank you po"  

Yes! Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni maam sa akin. Pagkatapos akong kausapin ni Mrs. Araneta tungkol sa aking pag top sa klase, umalis na ako sa school at dumaretso na ako sa bahay nila Angelo. Pagkapasok ko pa lang, sinalubong ako ka agad ni tita.

"Hey Anjunnette, na miss kita" sabi sa akin ni tita ng punong puno ng kaligayahan

"Ako din po tita na miss kita. Kamusta po ang iyong vacation?" tanong ko kay tita

"Masaya naman. By the way, puntahan mo si Angelo sa ospital at ako na ang bahala kay Joshua"  nabigla ako sa sinabi ni tita sa akin

"Ano po ang nangyari kay Angelo?" tanong ko kay tita

"Ewan ko dun sa batang iyon. Basta, nabalitaan ko na lang na nasa ospital si Angelo." sabi sa akin ni tita

"Sige po. Pupuntahan ko po si Angelo. Ano pong number ang kanyang room?" Tanong ko ulit kay tita

"Room 376." sagot sa akin ni tita

"Sige po pupunta na po ako sa ospital."

Pumunta ako kaagad sa ospital na sinasabi ni tita. Ewan ko ba kung bakit ako nag aalala ng ganito. Pagkapasok ko sa ospital agad kong tinanong sa nurse kung saan ang Room 376. Agad niya naman sinabi sa akin kung saan ang room ni Angelo. Pumunta ka agad ako sa sinabing direksyon ng nurse at pumasok na ako sa room ni Angelo. Nakita ko si Angelo na mahimbing natutulog sa puting kama. Umupo ako sa gilid ng kamang tinutulugan niya at pinagmasdan ko ang kanyang sarili habang natutulog siya. Ang peaceful niya habang natutulog siya. Para siyang anghel na nagmula sa langit. 

I love you until the Last Beat of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon