FRIENDZONED

16 2 0
                                    

 

 

Dear Bestfriend,

First day of school noong nakilala kita. 4th tayo noon. Naka pink na T-shirt ka nga noon. Nung araw na iyon, nakatabi kita. Unang tingin pa lamang nagwapuhan na ako sayo. Yung mata mo, nakaka-akit. Love at First Sight ang naramdaman ko nung nakita kita. Wala akong kakilala dahil transferee ako at ikaw, tulad ko, transferee din kaya tayong dalawa ang unang nagkakilala. Madami tayong pinagkwentuhan nun. Nalaman ko din na magkalapit lang ang bahay natin. Simula nang araw nay un, lagi na tayong magkasama. Naging magbestfriends tayo. Lagi mo akong sinusundo sa bahay at sabay tayong lalakad papunta sa school. Lagi mo akong nililibre sa lunch. Minsan nga niloloko na tayo kasi para daw tayong mag Shota pero di mo na inintindi yun dahil di naman yun totoo. Minsan nga naitanong ko na sayo kung may mahal ka.

“Meron, ikaw” napatingin ako sayo. “… Kase bestfriend kita di ba?” Nawala ang tuwa ko dahil dun.

Hindi na ako aasa na mamahalin mo ako bilang babaeng magiging sayo habambuhay. At least, alam ko na may care ka. KAhit special friend lang ang tingin mo sa akin ayos nay un. Lumipas ang araw. Nanghingi ka ng favor sa akin. Sabi mo tulungan kita sa panliligaw sa muse natin. Pumayag naman ako kase kung saan ka Masaya, dun na rin ako masaya. Mga ilang lingo mo pa lamang siyang nililigawa ay sinagot ka na niya. Lagi na kayong magkasama mula ng araw na iyon. Wala ka nang time para sa akin. Nakalaan lagi para sa kanya. Tapos isang araw, nadatnan kita sa bahay namin, umiiyak. Sinabi mo sa akin break na kayo dahil nalaman mong niloloko ka lamang niya. Simula nun lagi kang nasa bar, umiinom. Minsan sa bahay niyo nadatnan kita.

“Tama na yan!” saway ko sa kanya

“Bakit Ba! Tumigil ka nga! Ano ba kita?!”

“Ano mo ako?! Kaibigan nga lang naman nga pala ako? Pero nandito ako lagi sayo kahit masakit sa akin dahil mahal kita!” sigaw ko sabay walk out.

Mula ng araw na yun, iniwasan na kita. Natapos ang school year di pa din tayo nagpapansinan. Nung 1st year College, nalaman ko na lamang na nagpunta ka na sa America. Hindi Kaman lamang nagpaalam sa akin. 3 years ang nakalipas at nung gagraduate na ako ng college, nakita kita.

“Kamusta? :)” tanong mo sa akin.

“A-ayos lang, I-ikaw?”

“Eto, gwapo pa din. Sorry ha? Di ako nakapagpaalam kase biglaan eh. Sorry talaga.”

“Okay lang yun! Ano ka ba?”

“Yung tungkol pala dati. 3 years ago. Sorry talaga kase hindi ko masusuklian ang pag ibig mo sa akin. May mahal na ako at mahal ko din. Kami na. Nakilala ko siya sa America. Sorry talaga! Friends?”

“Friends!”

Ayos lang naman na kahit di mo masuklian yun. At least kahit kaunti nakapagmove on na ako. Thank you talaga best!

Love,

Bestfriend

Alamin muna natin kung saan talaga tayo pupwesto para sa huli, di tayo umaasa. Pero marami pang lalaki diyan na pwede pa. Baka sadyang hindi lang si Bestfriend ang nakalaan para sa akin. Isa lang naman siguro siyang pagsubok na ibinigay ni God. Kaya kung may mahal kayo, tanungin niyo kung ano ang tingin nila sa inyo para hindi tayo masaktan.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendzoned [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon