CHAPTER 3

156 9 3
                                    

"Chad!"
Umalingawngaw ang boses niya sa bakuran ng bang house nilang magkakaibigan. Gulat na gulat siya nang silipin sa loob kung sino ang tinutukoy nitong nagtatrabaho.

"Hey, ma' friend!"

"I'll f*cking kill you. How can you do this to me?"

"What?" inosenteng tanong nito habang patuloy sa pagpapaypay nang niluluto nitong barbecue.

"Wag' mo akong watwatin! I told you everything  because I trusted you moron!"

"Whoahh! Relax!" Nagawa pa nitong tumawa sa nangyayari sa kanya. He's freaking mad! Hindi lang nito alam ang gulat niya nang makita si Halsey sa loob ng isa sa mga silid. "I didn't say anything to the gang."

"But you did worst", nanggagalaiting wika niya. Kulang na lang pilipitin niya ito sa leeg. "I know what you're up to. You get rid of this girl right now and find another one."

"That's not so easy buddy!" Reklamo nito. "Maayos akong nakiusap sa kanya. At nakakahiya kung papaalisin  natin siya dahil lang sa hindi mo siya gusto dito."

"I didn't say anything like that", mabilis na sagot niya.

"Yeah? You didn't say anything but your reaction says louder . Look, you don't have to deal with her. I'll deal with her, since ako naman ang naghire sa kanya. And in fact, hindi basta-basta na lang yan mapapaalis because we both sign a contract."

"A contract?" Salubong ang kilay niyang tanong .

"Yeah, a contract. Employer and employee contract."

"Damn you! You're really trying to piss me off."

Malakas na tawa lang ang isinagot nito. Kung hindi lang siya nakasapatos, kanina niya pa ito binato ng sapin sa paa. Nang-aasar ang gago.

"You're hopeless doctor!"

"F*ck you!"

"Hey, what's up men?" Si Cedric.

May pagbabalang tinapunan niya ng tingin si Chad. Wag' lang itong magkakamaling magsalita at baka makakasakal na talaga siya ng kaibigan sa unang pagkakataon. He's making fun of him.

_____

Sa lapad ng dingding nang kwartong iyon ay aabutin siya ng isang buwan sa isang silid lamang. At anim na silid ang pipintahan niya. Kaya pala gumawa ng kontarata si Chad. Just imagine, each wall she will paint an owner's image. Anim na tao ang pipintahin niya. Lima pa lamang ang nasa kamay niya at inuna niya ang silid ni Chad.
Dalawang linggo na siyang naroon at palagay niya hindi pa siya nangangalahati. Paanong hindi siya tatagal. Ang pinapinta nito sa kanya na larawan nito ay nakahiga pa sa kamasutra.

Tiningnan niya ang oras. Malapit nang magtanghalian. Hindi man lang niya naramdaman ang oras. Maaga siyang nagsimula kanina at ngayon lang siya nakaramdam ng pangangalay ng balikat.
Naisipan niyang tumigil muna. Tinungo ang silid na pinaokupa sa kanya ni Chad. Napangiti na lang siya sa pagiging thoughtful nito. Alam nitong malayo ang kanyang uuwian kaya pinagamit sa kanya ang bakanteng silid na iyon.  Ayon dito, hindi na nagagawi roon ang isang kaibigan nito. Simula nang makapag-umpisa siyang magpinta ay doon na rin siya natutulog.

Dere-deretso siya sa banyo nang makapasok sa silid. Kanina pa siya nakakaramdam ng panunubig. Walang prenong tinulak niya ang pinto para lang mapatili ng malakas.

There's a naked man taking a shower!
Oh God!

"Shit!" Dinig niyang sambit nito. Mabilis ang hakbang niyang tumalikod at lumabas ng banyo. Sapo ang dibdib na napaupo siya sa kama. Bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa niyon ang lalaking pinakahuling gusto niyang makita.  Nakatapis lang ito ng tuwalya.

The Bachelor's Series III- CRAIG (Man Of My Dreams) Where stories live. Discover now