"Alam mo Halsey, hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako naniniwalang sa panaginip mo lang nakikita ang lalaking ito."
Napailing na lang si Halsey sa reaksyon ng kaibigang si Zia. Hindi lang ilang beses nitong sinabi ang mga salitang iyon tuwing may bago siyang natatapos na obra. Laging may pagkamangha ang titig nito sa malaking kwadradong nasa harap nila.
"Magsabi ka nga ng totoo. Maybe you met this guy in a secret. He looks like a model for goodness sake!"
"Tumigil ka nga Zia. Naalala mo bang may pinuntahan ako na hindi mo alam?" Sabay irap dito.
Saglit itong napaisip. Saka nagdududang tumingin sa kanya.
"Maybe you've been in a beach in a secret! Magsabi ka nga ng totoo Halsey, nagbakasyon ka bang hindi ko alam?"Napabuga na lang siya ng hangin. Wala ng pag asa ang kaibigan niya. Hindi niya alam kung ano pang dapat na pa liwanag ang gagawin niya para mapaniwala lang ito.
Hindi niya ito masisisi kung naging exaggerated man ang reaksyon nito. Her paintings are like for real. Kahit saan anggulong tingnan, masasabi mong nag eexist ang taong kanyang ipininta. Ang makisig na katawan nito na walang pang itaas habang nakahiga sa buhangin. The man in the painting is definitely a dayum hot. Walang mag aakalang naggaling lang iyon sa kanyang panaginip.But that's the truth. She never met this perfect man in reality. She only dreamed of him in countless time. Lahat ng napapanaginipan niya sa lalaki ay agad niyang ipinipinta. She even dreamed of him naked. She painted, yes. But she keep it. Ayaw niyang ibahagi ang nakikita ng kanyang mga mata. So she kept it for herself.
"Imbes na kulitin ako, tulungan mo na lang akong pumili ng maisusuot sa exhibition ng paintings ko", sa halip na wika niya.
May panghihinayang ang mga mata nitong bumaling sa kanya.
"Bakit?"
"Sayang naman kung isasali mo to lahat sa exhibit. I mean, they're so perfect. Siguro kung ako ang gumawa nito. I would keep it for myself."
"Zia, we need this money. Alam mo yan. The charity need us. Wala akong sariling pera para pantulong pero may paraan naman para makatulong tayo. Ang lahat ng perang makukuha ng paintings ko ay mapupunta sa charity. And please, do remember. This will be my first time. Wag mo naman ako i discourage. "
Isang taon pa lang ang nakaraan nang maging sponsor siya ng orphanage na iyon. An orphanage that helps homeless children. Nang umalis siya sa poder ng kanyang mga magulang ay doon niya ginugol ang kanyang panahon. Nag umpisa siyang maging pintor sa bahay ampunan. She painted the walls of every room. Ang paghihimagsik sa pamilya ay ibinuhos niya sa pagpipinta. She tried to earn money in that way even she's not use to it.
Hindi pa niya nasubukang sumali sa mga exhibit. Kumikita siya sa pagpipinta sa simbahan, paaralan at minsan sa mga selebrasyon gaya ng fiesta. Kapag linggo ng hapon, tinuturuan niya ang mga batang magpinta. Kahit papano, napupunan ang kahungkagang nararamdaman niya kapag kasama ang mga ito sa bahay ampunan.
Huminga ito ng malalim saka ibinalik ang tingin sa larawan.
"I have this one question that I've been keeping in my mind."
"Spill it out", mabilis niyang sagot.
"Have you ever dreamed him naked?"
Mabilis niyang iniwas ang tingin dito kasabay nang pag iinit ng kanyang magkabilang pisngi.
"Oh my God!", tili nito. Napatakip pa ito ng bibig. "Don't tell me...."
"Don't be silly Zia. Kung ano anong bagay ang naiisip mo", sabay iwas ng tingin dito. Nagkunwaring busy ang kamay para makaiwas sa intriga nito.
YOU ARE READING
The Bachelor's Series III- CRAIG (Man Of My Dreams)
Ficción GeneralWARNING ||MATURE CONTENT All her life she believed that the man she painted was just a part of all her dream. Tuwing napapanaginipan njya ang lalaking iyon ay ginuguhit niya ito kahit saan. She even joined her paintings in an exhibit for the first...