Paunang Basa

6 0 1
                                    

"Samantha!" tawag ni Jebrille kaibigan ko.
Palabas na kasi ako ng school at humabol lang siya sa akin dahil naiwan siya sa room.

"Alam ko na ang sasabihin mo Jeb, at Alam mo namang ayoko, kayo nalang naghihintay si mama sa akin sa bahay." Tugon ko. Kinukulit niya kasi akong sumama sa party nila.

"Sam Naman! puro ka bahay, mag aliw ka naman minsan, konti nalang talaga iisipin kong robot ka!" Hirit niya pa

"Hindi tlaga Jeb, pasensya na. Sa susunod nalang." talaga namang wala akong mapapala pag sumama ako tsaka may quiz kami bukas importante yun.

"Hayss Sam, Alam mo ang higpit mo sa sarili mo, NBSB pa, kalahati nang buhay mo puro aral kalahati bahay" nakabusangot niyang saad sakin.

I just chuckled at her remarks.

Napapailing siya habang tinitingnan ako tinatantiya kong mapapa sama ba ako sa kanya.

" Alam mo Sam, ang ganda mo, minsan Natotomboy ako sayo pero minsan naiisip ko din robot ka!" She said exaggeratedly.

Umiling ako nang isang beses. " Alis kana Jeb ma late kana sa party niyo". Sabi ko ng malumanay.

"Ewan ko sayo! Aalis nako ah! Pag mag bago isip mo, tawagan mo ko". She winked and waved before she left me.

Napaisip ako sa sinabi niya, am I too hard on myself? Pero may panahon para magliwaliw pag alam mong tapos na ang trabaho mo at wala ka nang gagawin pwede na, pero ngayun? na nag aaral pa at maraming gawain sa bahay, ni hindi sumagi sa isip ko ang pag sasaya nang ganun.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi, Mabuti nalang at malapit lang ang munting bahay namin kaya malalakad ko lang pauwi at papunta sa school. Makakatipid na, excercise pa.

Nang liliko na sana ako, may nakita akong lalaki. Ewan ko kung bakit pero napahinto ako at napatitig sa kanya. Naka upo sa waiting shed. Busy siya habang nagbabasa, malapit lang siya sa akin kaya malaya kong natititigan ang mukha niya.

Ang perpektong studyante ng Contros High University si Savien.

Mapupulang labi na akala mo nag li-lipstick, ang makinis niyang mukha na mahihiya ang mga pimples at pores na manirahan. Mga brasong gustong gusto hawakan ng halos lahat ng kababaihan sa school. Ang matipunong kantawan na maihahalintulad sa mga modelong kayang makipag bakbakan. Hindi siya ganun kaputi hindi din maitim. Tamang tama lang ang kulay Niya na para bang pinag isipan talaga bago gawin. Dark blue ang mata niya, at napaka tangkad niya. Habang tinitigan ko siya

Bigla napalingon siya sakin. Akala ko hindi Niya ako papansinin. Kasi sanay  naman na siyang tinitingnan ng lahat pag nasa school at wala naman siyang ginagawa.

Ngumiti siya. He waved at me, tinitigan niya ako.

At sa hindi ko inaasahan doon nagsimula ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Another StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon