"Oh my god!" Napahalakhak agad ako sa paraan ng pagtili ng bestfriend ko sa aking tabi habang naglalakad. "Two days more and we're finally free again! Shuta ba!? Sana hindi nalang kita sinundan sa course mo! Ang hirap gago" natatawa niyang saad bago ikinawit ang braso niya sa bakante kong braso.
Napasang ayon ako sa sinabi niya. Mahirap nga naman ang accountancy, nakakapudpud ng utak, that's not even the course I want. I just don't have a choice.
Naglalakad kami ngayon papunta sa department namin. Nag fa-finalize nalang kami ng papers at pagkatapos non ay makaka-alis na kami ng 1st year collage.
Sobrang sakit rin ng katawan ko kapupuyat para mag review, kailangang pumasa e. "That's love Shantelle! Eneve, etegel me yen" umakto akong parang nakikilig sabay angat ng kamay papunta sa tenga ko na parang kinakawit ang takas kong buhok.
Agad siyang humarap sakin at binigyan ako ng nadidisgustong reaksyon. Pinigilan kong humalakhak para mabigyan siya ng flying kiss. "Serafeena Zissel Guazon! that's cringe ews!" She screamed at my face the reason why I laughed loudly. Pinanatili niyang naka awang ang labi niya kaya agad ko iyong sinapak.
"Chill babe" I chuckled. Hinawakan ko siya sa kamay at agad hinila upang makapasok na kami sa aming silid aralan.
Putak ng putak si Shantelle sa tabi ko habang ginagawa namin ang huling requirement ng prof namin sa Business Statistics. Kami ang unang makakatapos sa lahat ng requirements namin kung matatapos namin ito mamayang alas kwatro.
The whole section is busy, hindi tulad noong mga nakaraang araw na puro lang sila cellphone at paglalaro ng online games. Kunti lang din ang pumapasok dahil inuuna nila ang pagbubulakbol. Sayang, hindi nila kinukuha ang pagkakataong iyon para mag aral ng mabuti. They should thank their parents for giving them an opportunity to study, hindi tulad ng iba jan na sila pa ang humahanap ng paraan upang makapag aral.
Sumapit ang alas tres ay muling nagdadaldal si Shantelle na agad sinaway ng mga kaklase namin. Some would give her a sharp look and curse her silently.
Inayos ko na agad ang mga gamit ko bago inanyayahan si Shantelle na ngumunguya na ngayon ng bubble gum. Nai-uwi na rin namin ang aming mga gamit sa locker kahapon. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papalabas. Tinanaw ko muna ang mga classmates ko bago kami ng pa alam. Sinadya pang mag flying kiss ni Shantelle bago ngumisi na ikina irita ng mga boys sa gilid. Lakas mantrip ampota.
Saktong alas kwatro ng makapasa kami at sinabihang pwede na kaming magbakasyon. We are both grinning like we know what to do next. Sabay kaming humalakhak at naghabulan pa papunta sa department ng criminology.
We are both laughing to death when we reached Iscah's department. "I hope she's done with her requirements" saad ni Shantelle habang tinatahak namin ang second floor papunta sa classroom ni Iscah. "By the way, did you remind her?" She ask still catching her breath and so I am.
I grinned at her. "Of course! Ako pa!"
"Ang bad influence mo talaga! Mayor pa naman ang tatay mo" she laughed afterwards.
Umirap ako sakanya at ngumisi. "Tatay mo lang"
"Hoy! Hoy! Kelan ka pa naging bastos!?" She acted like an angry mother in front of me. I rolled my eyes at her. " That's my girl" she was about to give me a kiss on my cheek but I cringed and run away from her. Ews.
Nasa tapat na ako ng pinto nila Iscah ng naabutan kong sinesermonan sila ng hindi pamilyar sakin na prof. Hindi naman ako masyado nakita ng prof nila pero nakita ako na Iscah na nanlalaki na ang mata ngayon. Sinenyasan niya akong umatras, pero bago yon naka isip muna ako ng kalokohan.
YOU ARE READING
First West Love (Spain Series#1)
RomanceHave you ever felt being betrayed by the people you supposed to trust to? Well, if yes you can relate from this story. A girl who used to be well mannered and can respect everyone changed after that one night where her soft heart hugged by anger and...