In the middle of the program, I was able to change seats. Pinakiusapan ni Kashka mga kaklase niyang katabi niya sa row kaya nakapagpalit ako ng upuan pagkadating ko galing sa cr. Wala rin naman daw adviser nila kaya go lang ng go si Kashka. Hindi na rin ako umangal pa dahil no choice na rin.
"Hindi ko alam na tutugtog sila Kuya." I said, trying to fix my sitting position.
Kashka looked at me. "Hindi ba 'matic na 'yon? Wala na CV so sila na lang matitira.." She shrugged her shoulders and went back to face the stage. Totoo rin naman ang sinabi ni Kashka. Iba-ibang school na sila Sky kaya hindi na sila makakapagtugtog dahil iba-iba na rin ang mga schedule nila.
And since matagal nang pinagkakaguluhan ang CV at Alpas, sila Kuya naman na ngayon ang madalas na nagpeperform. I get a feeling that I'll be having headaches again, lalo na ngayong nakabalik na ulit ang kapatid ko dito sa GV.
Sobrang na-stress ako sa sa mga pinagagagawa niya at dahil doon ay nasuspend siya ng 1 month sa sobrang gulo. And it was all just because of breaking the hearts of girls; his fangirls.
"Wait," Napatingin ako kay Kashka nang bigla niyang kinapa ang bulsa ng pantalon ko. And by instinct, I almost hit her hand. Mabuti na lang at napigilan ko iyon. Napakagat ako ng labi at minura ang sarili ko ng paulit-ulit. I needed to remind myself that I shouldn't use taekwondo so suddenly at random times or whenever someone touches me.
"Phone mo?" Kinakapa niya pa rin ang mga bulsa ko nang magsalita siya. Nakamaong jacket din kasi ako dahil sa lamig kaya inisa-isa niya ang mga pockets ko. "There!" She shouted, finally finding the right pocket. I just let her take my phone and just laughed.
Buong performance ng kuya ko ang vinideohan niya. I don't get why she even used my phone. Pero imbes na magtanong ay hinayaan ko lang siya hindi dahil hindi ako curious, but it was because my attention went to Dons. His group was in the back stage but it was obvious na parang sinasadya nilang sumilip talaga sa labas.
Medyo malayo ang pwesto namin mula sa kinatatayuan nila pero nagulat pa rin ako nang napansin kong nakatingin siya sa direction namin. Napataas ako ng kilay nang naramdaman kong nagtama ang paningin namin. I even saw him smile at me.
"Huy." Kashka suddenly called me, making me break our eye contact. "Sino tinitignan mo?" She glanced at where Dons was and that's when she finally realized. Hinampas-hampas niya ulit ako sa braso. Pero ngayon ay mas napalakas siya dito.
"Gago, aray." Tanging nasabi ko kaya na-guilty din siya at tumigil din.
"Si Donny 'yan ah? He's a new student sa batch natin. Ang rinig ko raw siya pinakagwapo kaya marami na ngayong nakakakilala sa kanya kahit bago pa lang." She said, trying her hardest to tease me.
I rolled my eyes at her. Hinawakan ko ang mga kamay niya para patigilin siya; I don't want her getting her hopes up especially about that topic. "Kashka, hindi ako pumapatol sa mga lalaki ng GV." Seryoso kong sinabi sa kanya.
"Bigyan mo ako ng 1k ano.." Tinaas niya ang kanyang kilay. "If ever pumatol ka sa taga-GV?" Inirapan ko na lang siya at binalik na ang atensyon ko sa program.
BINABASA MO ANG
The Gravity Towards Him
Teen FictionOmegle Series #2 Omegle; A website where you can either video chat or chat a random stranger. "Even science can't explain the gravity of falling inlove. Maybe that's why I just can't resist the gravity towards him." -- Aira, a senior high student in...