"So, napatay mo si Merlin?" tanong ni Mica kay Selena. tinapon ni Selena ang ulo ng ama ni Lance at may nilabas na triangular at may mata sa gitna at maraming hindi pamilyar na sulat ang nakalagay sa gilid."kinulong ko siya rito dahil hindi ko siya mapatay. Diyosa siya ng Oras kaya alam niya kung ano ang gagawin ko sa kanya dahil nakita na niya iyon kaya kinulong ko nalang at tsaka, immortal siya at walang katapusan ang buhay niya" sabi ni Selena at tinignan ang hugis triangular at ngumiti kay Mica.
"so, how's your plan? muntik nang masira kung hindi ako dumating sa tamang oras" sabi ni Selena sa kanya. inirapan siya ni Mica at umupo sa couch. tumingin siya sa secretary ng Dean na nakahandusay sa couch at hiwa-hiwalay ang kamay at paa at pati ang ulo niya.
"excuse me" sabi ni Mica at tinapon ang katawan sa ibaba.
"dahil nandito ka na Selena, mapapatay na natin si Oddete at wala ng hahadlang sa mga plano natin"
"wag kang magpakampante Mica, may kasama pa siya at iyon si Lucas pati si Louis, kailangan natin silang mapatay" sabi ni Selena sa kanya. napairap nalang si Mica at tinignan ang picture ni Lance na nasa gilid. nuong bata pa siya nun at naka-sakay siya sa kabayo.
parang may lumilipad na paru-paro sa kanyang tiyan at lumapit si Mica sa litrato at hinakawan ito at hinaplos at ngumiti
"hindi na ako makapag-hintay na maging akin ka na Lance nang walang humahadlang sa pag-mamahalan natin. hindi mo na maalala ang nangyari sa inyo ng walang hiyang Oddete na iyon, hinding hindi. your body and your soul, are now mine. Mine. Alone."
LANCE'S POV
hinanap ko si Mica dahil nagtataka ako kung bakit ang tagal niya na sa faculty. nagtanong ako sa Prof namin at nalaman kong pumunta siya sa Dean's Office.. sa opisina ng ama ko.
nasa harapan na ako ng Office ni Daddy at kakatok na sana ako sa pintuan nang nakarinig ako ng ingay.
"dahil nandito ka na Selena, mapapatay na natin si Oddete at wala ng hahadlang sa mga plano natin" narinig kong sabi ni Mica at nagtaka ako kung sinong selena ang tinutukoy niya nang may naalala ako na kasama niya minsan at tinatawag niya ito lagi na Selena.
nilagay ko ang tenga ko sa pintuan para pakinggan ang pinag-uusapan nila.
"wag kang magpakampante Mica, may kasama pa siya at iyon si Lucas pati si Louis, kailangan natin silang mapatay" nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa narinig ko. nakaramdam ako ng kaba at takot.
"Bakit nila papatayin ang kakambal ko pati narin ang pinsan ko"
nagtataka narin ako sa kinikilos ni Mica nuong nakaraan, konting banggit ko lang sa pangalan ni Oddete ay magagalit na siya at pinapainom niya lagi ako ng tubig.
"What if, yung tubig na iyon may Potion? Hinde. hindi ako papabayaan ni Mica, hinding-hindi niya ako gagamunin. mahal na mahal ko siya"
bigla kong naalala si Oddete, ang nangyari sa condo ko, pati narin ang ginawa niya kanina.
napahawak ako sa dibdib ko ng naramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. hindi ko alam kung bakit ganito lagi ang nararamdaman ko kay Oddete. kahit na nagagalit ako, kapag nakikita ko siya, natutunaw ang galit ko, nawawala bigla at napapalitan ng pag-mamahal.
"hindi na ako makapag-hintay na maging akin ka na Lance nang walang humahadlang sa pag-mamahalan natin. hindi mo na maalala ang nangyari sa inyo ng walang hiyang Oddete na iyon, hinding hindi. your body and your soul, are now mine. Mine. Alone."
"She's a psycho!"
"siya nga pala, ano pala akong gagawin mo sa katawan ng Ama ni Lance? kapag nalaman niyang ikaw ang pumatay neto hindi na matutuloy ang plano natin at pupunta siyang muli kay Oddete" narinig kong sabi ni Mica. kinuyom ko ang aking kamao at pinipilit ang sarili na wag sumugod kay Mica.
BINABASA MO ANG
365 Days With You: PBTP1392 PANGALAWA (COMPLETED✔)
FantasySiya si Neon Lancelot Rivas. Ang Ex Boyfriend ni Celine Odette Santiago pero, nakatanggap siya ng balita na namatay Ang kanyang minamahal na si Odette, Hindi na Alam ni Lancelot ang gagawin niya dahil Wala na Ang kanyang babaeng minamahal nang may d...