07|

14 7 0
                                    


"Pero paano kung magalit sya sa akin?" Tanong ko

Ilang araw na rin ako dito sa Cebu. Mamaya ay pasko  na pero ang huling pag uusap namin ni Kenji ay noong nasa Manila pa ako.

Hindi ko alam kung paano sya sasagutin noon. Natatakot ako na all this time kilala nya ako pero nakisabay lang sya sa kalokohan ko.

"Bakit naman sya magagalit sayo?" Tanong ni Manang

Nag hihiwa sya ngayon ng sangkap para sa pag luluto mamaya. Maaga pa naman kaya ito ako at nakikipag kwentuhan.

Napabuntong hininga ako habang inaalala ang mga panahon na mag kasama kami. Mga panahon na nag tatanong sya tungkol sa akin at sa kung paano ako na padpad sa Manila.

"Ikaw? Bakit mas pinili mo dito sa Manila? Malaki naman ang Cebu ah". Tanong nito habang nasa coffee shop kami.

Dito na ang madalas naming tambayan. Dito kami nag kikita dahil ito ang laging malapit na lugar sa amin.

Ito na nga ang laging meet up-an namin eh. Basta chat mo lang sya ng usual alam na nya agad na sa coffee shop iyon.

"Uhmm.... may scholar kasi na binigay dito yung Gov ng Cebu, at saka dito makakahanap ako ng magandang oportunidad diba?" Saad ko na ang tingin ay nasa kape at hinahalo lang ito.

I can't really look at person eyes when I'm lying. I easily got intimidated and at the same time terrified that he can catch me lying.

"Ahh, buti pumayag ang parents mo? Kung si mom yan at papa ay malamang ay tinali ka na nila sa bewang nila". Natatawa nyang saad

I smile a little. Ganon din sa akin sila Mommy lalo na si Kuya. Ayaw nila na nalalayo ako sa kanila, Ayaw nila na nahihirapan ako. Pero nang ako ang mag desisyon sa buhay ko ay pumayag sila para sa akin. Dahil para sa kanila ay ayaw nilang dinidiktihan ang kanilang anak. Kung gusto nitong gumala okay lang basta may curfew at may rules. Kung ang gusto nilang kurso ay hindi katulad ng natapos nila, okay lang as long as nag e-enjoy ka.

Kaya nga para sa akin ay best parents sila. Oo at medyo spoil ako pero kahit ganon ay ipinaunawa nila sa akin na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko.

Maybe we're rich and spoil but they make us understand the life in this country.

"Yep, They give me their trust and support to continue my dream here, besides isa ito sa mga gusto ko..... ang masubukang mag boarding at mag trabaho". I said, truly

But I don't want to give him a hint so I continue. "Isa din kasing malaking opportunity para sa kanila ang makapag tapos ako ng pag aaral at umahon kami sa hirap.... kaya pumayag na rin sila.... n-na mag aral ako para may kinabukasan naman ako". I lied

I know lying is bad. Pero hindi nya pwedeng malaman ang estado ko sa buhay.

Hindi pa ako handa ipakilala ang totoong ako na hindi sanay sa hirap at matinding pag a-adjust ang kailangan para tumagal dito ng mag isa.

"Ganon ba..... malamang ay proud sayo ang magulang mo ngayon, masipag ka sa pag aaral at nag tra-trabaho pa at the same time....." tumango ito at ngumiti.


Napatampal na lang ako sa noo. Ngayon paano ko sasabihin sa kanya na ang hindi naman talaga mahirap ang pamilya ko? Paano ko sasabihin sa kanya na nakapag tapos naman talaga ng pag aaral ang parents ko? Arghh!

Kasi naman eh!

"Kung ganon ay ipaliwanag mo sa kanya ang dahilan, maiintindihan ka naman siguro". Saad ni Manang

I nodded unsurely. "Ewan ko ba Manang! Pag dating sa kanya ay kinakabahan ako! Sa mga blockmate ko ay wala naman akong problema kung malaman nila na mayaman naman talaga ako dahil wala naman akong sinasabi sa kanila na mahirap ako! Pero manang sya yun eh! When it comes to him po kasi ay parang ang hirap". Paliwanag ko

To be alone (Publish under Ukiyoto Publishing Inc)Where stories live. Discover now