02|

11 7 0
                                    


"Walang job offering dito".

I made a face palm as I sit in the cold floor of mandaluyong. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito eh!

Isang linggo na ako dito sa Manila pero wala pa rin akong trabaho! Ang fifteen thousand ko ay seven thousand na lang dahil sa pag bili ko ng mga gamit ko sa apartment at sa pang araw-araw na pag kain na rin!

Buti nga at mabait si Aling Beth at minsan ay binibigyan ako ng ulam kapag marami syang luto! Nakakatipid ako kahit papaano!

"Marumi dyan, Miss".

Nag angat ako ng tingin sa lalaking huminto sa harap ko. May payong ito kaya nag karoon kami ng lilim. Nakakunot ang noo nito sa akin habang ako ay takang nakatingala sa kanya.

Sino ba sya?

"Kung gusto mo mag mukmok ay doon ka sa gilid, mamaya masagasaan ka pa dyan at isisi mo sa driver". Saad nito

Napatayo ako at hinarap sya. Grabe ang tangkad naman nya! Hanggang baba lang ako nito at kailangan ko pa talagang tumingala para mag pantay ang tingin namin.

"Excuse me, hindi ako nag mumukmok no! Masakit lang talaga ang paa ko kakalakad kaya napaupo na ako". Depensa ko sa sarili

"Bahala ka, basta sinasabi ko lang ay wag ka dyan sa tabing kalsada, madami na namatay dyan". He said

Nanlaki naman ang mata ko at napatingin sa paligid. "As in dito sa kinatatayuan ko ngayon?" I asked

He smile, look amuse in my reaction. "Yep, hindi mo ba alam?"

Agad akong umalis sa pwesto na yun. Grabe naman! Baka mamaya may sumpa pa ang pwesto na yan at masunod ako eh!

Hay nako madami pa akong pangarap sa buhay!

"You're so cute". Komento nito ng panoorin ako sa reaksyon ko.

My brows furrowed and stared at his coal black eyes. "Pinag tritripan mo ba ako? Yung sa pwesto na yan? Joke lang yun 'no!?" Bintang ko ng tumawa ito

Napailing ito at mas lalo pang lumakas ang tawa ng aluglugin ko ang balikat nya.

"Bwiset ka! Sinong may sabing mag biro ka ng ganon ha! Paano kung may mamatay nga dito-

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla itong sumeryoso. Napabitaw ako sa balikat nya at agad lumayo.

"Totoo yung may namatay na dyan". Saad nya

Muling nanlaki ang mata ko. "Seryoso nga?"

Tumango ito

"Weh? Parang tanga naman ay!" Tanong ko ulit

Napailing iling ito. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala, mauuna na ako sayo". He said and walk away

Hinabol ko ito. "Wait lang kuya!" I shouted

Napatingin sa amin ang ibang motorista at ibang nag lalakad pero hindi ko sila pinansin.

"Ano?" Huminto ito sa pag lalakad at hinarap ako. Tumakbo naman ako palapit sa pwesto nya.

Napalunok ako at kinapalan na ang muka para mag tanong. "May alam ka bang trabaho? Yung matino at pang desente ha! Ayoko ng night club!" Inunahan ko na sya in case na iyon ang i-recommend nya. Aba mahirap na!

Malay mo kasi may alam sya diba? Since mahilig naman yata syang manga-usap ng mga taong hindi naman nya kilala.

He chuckle. Bumali ang leeg nito pakanan at amuse akong tinignan. "Iba ka rin talaga, I like your personality ha". He commented

To be alone (Publish under Ukiyoto Publishing Inc)Where stories live. Discover now