-PROLOGUE-
"Zinovia".
Napalingon ako ng marinig ang boses ni Kuya Blake. Ngumiti ako ng makita ito at kumaway.
"Kuya...." nakangiti kong bati sa kanya at nakipag beso.
Si Kuya Blake ay ang kuya ko, pangalawa sa aming mag kakapatid. Si Ate Chelsea naman ay ang panganay sa aming mag kakapatid na doctor na ngayon sa ibang bansa. Kami na lang talaga ni Kuya ang nandito sa Pilipinas kasama sila Mom at Dad na minsan lang umuwi dahil sa trabaho.
"Uuwi bukas sila Mom at Ate dito sa Probinsya, nag papasundo sila sa Airport balak mo bang sumama?" Tanong nito
Nasa hardin ako ng mansyon namin dahil bagot na ako sa loob ng bahay. Wala rin naman akong kaibigan dito kaya hindi ako makagala. Ayoko namang gumala mag isa dahil laging may bantay na kasama!
"Nope Kuya..... Bukas kasi ay aayusin ko na ang papeles para sa pag punta ko sa Manila". Sagot ko
Bukas na kasi ako luluwas ng Manila at doon titira na mag isa. Gusto ko namang maranasan na mamuhay ng mag isa na hindi bini-baby ng pamilya!
Alam ko na mahihirapan ako sa plano ko lalo na at sanay ako na mabili lahat ng gusto ko, Sanay ako na hindi nahihirapan mag hanap ng pera para mabili ang lahat ng luho ko kasi nandyan naman sila Mom at Dad at si Kuya at Ate na madalas din akong bilhan ng regalo kahit walang okasyon.
Spoiled brat talaga ako lalo na nung high school kaya nga wala rin akong kaibigan masyado dahil sa mayaman ang pamilya namin at nakaka-intimidate daw kami. Ang iba naman ay nakikipag kaibigan lang para makahingi lang sa akin ng pera. Pero syempre hindi naman ako ganon ka tanga para hayaang pag kaperahan nila ako. Hindi naman ako uhaw sa kaibigan lalo na kapag plastic lang naman ang mga ito.
Pag kaalis ni Kuya ay tinuloy ko na ang pag tatanim ng halaman. Nung isang linggo ko pa sinubukan mag tanim at may nabuhay naman kahit papaano, maliit pa nga lang ito dahil nung nakaraan ko lang naman tinanim.
"Miss Zin nakahanda na po ang mga gamit nyo". Saad ng isang kasambahay ng lapitan ako nito.
Tumango naman ako at pinagpag na ang kamay. Dumeretso ako sa likod bahay para mag hugas ng kamay at saka dumeretso sa kwarto ko sa taas.
Bukas ng umaga ay aayusin ko ang pangalan ko at status ko sa buhay at pag katapos ay didiretso na ako sa airport para lumuwas ng Manila.
"Sigurado ka na ba sa plano mo Hija? Hindi ka ba masyado pang bata para mag solo at sa syudad pa?" Nag aalalang tanong nito.
Naintindihan ko naman ang pag aalala ni Manang dahil halos sya na rin ang nag alaga sa akin buong kabataan ko. Pero kailangan ko ito, gusto ko ito.
Matagal ko nang pinag isipan ang planong ito bago ako nag lakas loob na gawin. Gusto ko talagang mamuhay sa sarili ko at hindi umaasa sa pera ng magulang. I want to learn things in my own.
"Madami namang skwelahan dito sa Cebu.... pwede ka namang mag condo na lang at mag trabaho sa company ng parents mo diba?"
Natawa ako ng mahina. Since the day na sinabi ko ang desisyon ay si Manang ang unang tutol. Masyado pa daw akong bata at baka hindi ko kayanin ang Maynila.
"Manang, legal age na po ako at isa pa gusto kong matutong tumayo sa sariling paa, mag trabaho sa isang fastfood chain, mag aral sa kolehiyo at mam-problema sa tuition. Gusto ko po maranasan ang nararansan ng simpleng mga mag aaral sa edad ko". Sagot ko at ngumiti ng sincere.
Ever since I was child I really want to be like my dad. Ang tumakbong politician. Pero para mas maunawaan ko ang mga masasakupan ay mas gusto ko na ilagay ang sarili sa sitwasyon na kung nasaan sila para malaman ang hirap na dinadanas nila ay hindi biro.
I want to be a great leader like my father. And living my life alone and being dependent will help me to mature more.
Sa dulo ay hindi rin ako na pigilan ni Manang dahil buo na talaga ang pasya ko. Isa pa nangako naman ako na dadalaw ako rito kada buwan o kung may oras man. Lagi rin ako makikipag video call para hindi ko masyadong ma-miss ang cebu.
Pero sana lang ay maging maayos ang stay ko sa Manila!
May alam naman na ako sa mga gawaing bahay at masipag naman ako kahit pa-paano.
Yeh! I can do this! You can do this Zinovia!
———
YOU ARE READING
To be alone (Publish under Ukiyoto Publishing Inc)
RomanceSi Zinovia Montecarlo ay ang bunsong anak ng mga Montecarlo na isa sa makapangyarihan sa kanilang bayan. At sa loob ng labing walong taon ay namuhay sya bilang prinsesa ng kanilang pamilya. Pero ayaw na nya ng ganon, ayaw nya na na laging nakasuport...