-
Hys! 4th year college na buhay! 3years konang pinag aaralan ang pag aabogasya pero ni isa ay wala akong natutunan. Nagugulat nalang nga ako na nasa dean's lister ako! Ay bakit ba ako nagugulat?! kalandian ko pala ang isang professor dito na nakaantabay sa mga nasa dean's lister.
"Bye, babe!" Hinalikan ko muna si sir. mark. Hindi ko naman talaga sya gusto! kadire kaya pero ginagawa ko to para sa magandang tingin ng pamilya ko saakin.
Madami na akong nakalandian simula 1st year college syempre for school purposes only, hindi naman ako nahihirapan dahil sa angking ganda at balingkinitan kong katawan.
Minsan napapaisip ako na bakit kaya hindi nalang ako naging anak ni tita Nerissa? samantalang mas deserve ng ganda ko ang pag aartista keysa sa pag aabogasya!
Ngayong unang pasukan ay wala namang nagbago sakin, si mark padin ang secret jowa ko habang may iba pa akong kalandian.
Wala akong balak magseryoso dahil ang pag ibig para saakin ay lason, kapag ika'y umibig ay mamatay ka!
motto in life ko yan, hinding hindi ako maiinlove. kadire kaya! Naiisip ko palang na maiinlove ako tangina yoc!Si Nash Shakira Cruz maiinlove?! never!
Andito na nga ako ngayon nakaupo sa room, sa may dulo malapit sa bintana.
Lahat ng matatalino sa iba't ibang subject ay kalandian ko!Habang wala ang unang professor namin ay nagbukas muna ako ng messenger. Hindi na naman ako nagugulat kapag mayroong sampong mensahe ang naroon dahil kalandian ko ang lahat ng nagpadala ng mensahe roon.
Isa isa ko silang nireplyan, may kalandian nga ako dito sa room e si jorosh. Sya ang gumagawa ng activities ko sa isang major subject namin.
Hindi ako malandi kasi sila naman ang lumalapit saakin, hindi ko sila nilalandi pabalik kapag alam kong wala naman silang maitutulong saakin tsaka never pa akong lumapit sa isang lalaki para manlandi no! never din akong lumapit sa isang lalaki para magpatulong sa activities na meron kami. Sila talaga ang lumalapit at nag ooffer sakin non, malaking bagay na din kasi wala talaga akong ginagawa.Lumapit si Jorosh sakin, hinalikan ako sa pisnge. Pilit akong ngumiti sakanya. Walang nakakaalam na kalandian ko ito dahil sinabi ko sakanyang sikreto lang namin iyon dahil kapag nalaman ng pamilya ko iyon ay ikakamatay nya. Eme lang yon ayoko ngang malaman ng iba na may kalandian akong panget!
Pangit talaga sya ni hindi nga makita ang dalawang kilay nya, pango din makapal ang nguso, madaming tigyawat, magulo ang buhok at higit sa lahat hindi maayos sa sarili. Pumapasok nga atang hindi sya naliligo dahil minsan ay amoy higaan pa sya. Kilala kona sya dahil 1st year palang ay kaklase kona sya well parehas kaming law student of course. alam ko ang amoy higaan dahil lumaki ako sa kalye kahit mayaman kami. Tumatakas ako sa mansyon nila tita nerissa para pumunta sa isang squatter area para makipaglaro at maranasan ang totoong pagkabata. Tinatanong nyoba kung bakit naging nakalandian ko si Jorosh? well dahil matalino.
Pumasok ang adviser ng room namin.
"Uhm guys! We have our new student" Tamad akong tumingin kay maam.
Pumasok ang isang lalaki na mas matangkad siguro saakin. Matangkad ako pero mas matangkad sya.
Nakatayo na sya ngayon sa tabi ni ma'am.Andami nyang tigyawat sa mukha pero makikita ang magandang mukha nito. Manipis na labi, medyo makapal na kilay at medyo bilugang mata. Makapal din ang eye glasses nya na kulay itim, may grado iyon malamang.
"Introduce yourself Mr." Ngumiti si ma'am sakanya. Nakakawalang gana naman yan, hindi sya pasok sa taste ko pero mukhang matalino huh.
Tumikhim muna sya at inayos ang salamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/284539112-288-k382847.jpg)