Katapusan ng unang buwan ng taon ay isinilang ang isang batang hindi pa kabuwanan. Isang batang lalaki na hindi lubos akalain kung mabubuhay ba ito o hindi dahil sa sobra nitong kaliitan. Ipinanganak na kasinliit ng isang kamao ang ulo nito. Ipinanganak na pitong buwan lamang sa sinapupunan ng kanyang ina.
Halinghing ng isang munting bata ang maririnig sa isang sulok ng parte ng bahay ng isang ordinaryong pamilya. Isinilang ang pangatlong anak.