DINNER

5.7K 90 66
                                    

FOR OPEN MINDED READERS ONLY.
••

Trust before you love. Know before you judge. Commit before you promise. Forgive before you forget. Appreciate before you regret. ~

×××

SIMULA nung nakita kami ng magulang nya, agad nila akong kinausap. Wala akong magawa kundi magsinungaling sa kanila, at ayun nga. Ang magpretend na fiance nya ako, na soon to be wife nya ako.

Nang malaman naman yun ng mama nya, tuwang tuwa ito dahil ang tagal nyang pinangarap na magkaroon na ng pamilya ang nag iisang anak nila para mapalaki pa ang angkan nila.

Nakokonsensya ako!

Dahil simula nung makita ko ang mga ngiti sa labi ng mommy nya ay agad akong nakonsensya kasi isang kasinungalingan ang ginawa ko, ang ipinakita ko sa kanila. Bakit pa kasi ako napasabak sa ganitong sitwasyon, bakit pa kasi ako ang pinili ng lalaking 'to na maging kasandalan nya kuno.

Bwisit talaga!

Alam ko na din na kelangan nyang magpretend o magkunwari na nagtitino na sya, ang hirap naman ng layunin ko sa buhay nya at sa pamilya nila. Paano kung mabuking kami na hindi pala totoo ito? Edi nayari na ako? Sisisihin ako syempre, ano na ang tingin sa akin ng mga kapatid ko?

Speaking of.

Ang mga kapatid ko ay dito na titira sa amin, nasabi ko din kasi sa kanila ang buhay ko. Na wala na akong mga magulang at tanging kapatid na lang ang natitirang meron ako. Agad naman silang pumayag na dito sila patirahin, at alam din nila na nag aaral ang dalawa kong kapatid sa paaralan na hinahawakan nila.

Oo sila ang may ari.

Kaya naman lahat ng gastos ng mga kapatid ko ay sagot nila, kumbaga wala akong gastusin at ang kailangan lang nilang gawin ay ang mag aral ng mabuti. At iyon ang malaking tulong na ibinigay nila sa akin.

Nandito ako sa terrace, sa terrace ng kwarto ko.

Oo may sarili na akong kwarto!

Sabi nila sa akin, ang mga bahay daw dito ay walang nakatira. Tanging sila lang, dahil naghahanap pa sila ng mga taong kayang magtagal sa lupain na ito na punong puno ng pagmamahalan. Lahat daw kasi ng tumitira dito ay agad umaalis, dahil sa lungkot na nadadama nila at sa tahimik na halos hindi marinig.

"Hija, bakit hindi ka muna bumaba? Halika at magkape tayo." Sabi sa akin ni Donya Paula, nagulat nalang ako ng nakatayo na sya sa harapan ko.

"Alam mo, matagal kong ipinalangin na sana makahanap na si Matheo ng babaeng nakatakda para sa kanya. Dahil gusto ko na syang magkapamilya. Para naman ang lupain na ito ay mapunan ng mga San Jose." Sabi nya habang nakatingin ito sa malayo at nakangiti.

"At kung mangyayari iyon, tatawagin ko itong "Village of Love", ang gandang itawag diba?" Sabi nya sa akin at nilingon nya akong nakangiti. Tumango nalang ako sa sinabe nya bilang pag sang ayon.

"Mom." Napalingon kaming dalawa ni Donya Paula sa nagsalita, at sa dumating.

Si Matheo.

"Pwede po bang iwan nyo muna kami ni Ana?" Sabi nya sa mommy nya kaya naman ako ay napatingin lang sa kanya, gumawi din ako sa mommy nya na tilang nakangiti lang.

"Ofcourse, Son. Pagusapan nyo na ang tungkol sa—" Bigla itong naputol nung biglang nagsalita si Matheo.

Nambibitin!

DUNGEON of LOVE (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon