∞5; SCANDAL

4.8K 63 45
                                    

Enjoy the update! *smile emoticon*
Don't forget to vote and comments! *wink*

-

Ana's POV

Habang hawak hawak pa rin ni Matheo ang pulsuhan ko. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya. Yung mukha nyang naiinis at naiirita, dahil ba kay Mona kaya sya ganyan? May nararamdaman pa rin kaya sya kay Mona? Gusto ko malaman ang nakaraan nilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko talagang malaman. Parang apektado pa rin sya sa pinapakita nya. Gaano nya ba kamahal si Mona, noon? Gaano ba ito kahalaga sa buhay nya, noon? Sighed. Ang dami kong tanong sa sarili ko, pero di ko alam kung saan ako kukuha ng sagot. Paano kaya kung tanungin ko sya tungkol sa kanila ni Mona? Kaso baka magalit sya or iwasan nya lang. Tsaka, ano ba talaga pakelam ko kung ganun sya dahil kay mona? Isang pekeng asawa lang naman ako, I'm nothing for him. Lahat ng mga sinabe nya sa akin ay para lang sa pagpapanggap. Kaya dapat hindi ako aasta na para bang isa akong mahalagang tao sa buhay nya..

"Firts, be my perfect wife.."

Oo, magpapaka-perfect wife lang ako sa kanya. Yun lang ang gagawin ko, ang magpakaperfect wife. Wala ng iba. Hay, buhay nga naman talaga. Napakadaya minsan, napakakomplikado minsan. Swerte minsan, malas minsan.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad ni Matheo, hindi ko na alam kung saan kami napadpad ng mga paa ni Matheo. Tanging sumunod lang ang mga paa ko sa kanyang bawat yapak, wala man lang akong kaalam alam kung saan kami tutungo. Sabi nya lang..

"Sa Paraiso.."

Eh? May paraiso ba dito? Wala namang paraiso dito eh. Pilipinas ito, at walang paraiso dito. Kahit nga siguro kastilyo wala eh. Pero hindi ko malaman o maisip kung anong klaseng paraiso ang aming pupuntahan. Hindi kaya... oh my!

"We're here.."

Hindi ko namalayan na huminto na pala kami sa paglalakad.. Nakatayo kami sa isang pintuan na napapaligiran ng mga bulaklak at halaman. Para bang isang hardin kung titignan ito ng mabuti, tinitigan ko ito at maganda ang pagkakahulma at pagkakagawa. T-teka.. Nasaan ba kami? At bakit dito kami pumunta? Eto ba ang paraisong sinasabe nya? Akala ko pa naman..

Ang halay ng isip mo, Ana!

Pero kasi diba? Minsan ang salita ngayon, double meaning na. Hindi ko naman alam na ang paraiso sa kanya ay ang hardin na 'to. Maya maya'y binitawan nya ang aking kamay. Ipinasok nya ang kanyang kamay sa kanyang bulsasa, at may dinukot sya sa loob noon. Maya maya'y isang susi ang hawak nya. At naglakad sya papunta sa pintuan..

"Come with me.." Oh my!

Sumunod naman ako sa kanya ng binuksan nya ang pinto. Ang ganda, wala akong masabe sa ganda. Wala akong masabe sa lawak ng lugar, sa ganda ng lugar. May isang fishpond na may bridge, at puro halaman. May isang kulungan ng mga kalapati at paru-paru.. Anong klaseng lugar ito? Napapaligiran ito ng mga halaman at bulaklak..

Nang maglakad sya ay agad nyang hinatak ang kamay ko..

Talagang mahilig sya sa hatakan ah!?

Naglakad lang kami ng mabilis.. Hanggang sa makarating kami sa isang pwesto na may dalawang upuan na nakikita doon. Dalawang upuan na para bang galing sa kaharian dahil sa pagkakadisenyo nito.

"This is all mine.." Sabi nya habang nakatingin sya sa upuan na nasa harapan namin.

"This is part of my plan.." Sabi nya ulit. Hindi ko sya maintindihan, pero.para syang nagkekwento sa buhay nya. Nanatili lang akong tahimik habang hinihintay pa ang mga susunod na kanyang sasabihin..

DUNGEON of LOVE (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon