∞6; The Caller

3.4K 63 5
                                    

I'm so really really happy na ang DOL ang may pinakamabilis na reads, now. 9K+ reads na ang DOL. Oh emji! This is my first story reached 9k+ reads. Thankyou for reading this story, and waiting my slow updates. Hahaha. I'm so really really happy! So, here's my new update. Enjoy the hot scene and drinks some cold! :p

Ps. Sorry for the typos/grammars. I will edit every chaps after this story.

SPG

....

Pinuntahan ako ni Matheo sa kwarto para kausapin ang kanyang Ate Sandi ang aking kinikilalang INA. Gusto daw akong kausapin, para linawin ang lahat. Bakit? Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ako sa kanya? Hindi nya ba ako anak? Itatakwil nya ba ako?

"Wife, kelangan nyong mag usap."

"Ayoko, kung may kailangan sya. Sya ang pumunta."

Wala akong nagawa kundi magmataas, dahil ilang taon nya kaming iniwan. Ilang taon kaming umasa na babalik sya. Ilang taon kaming umasa na babalikan nya kami. Pero, wala. Hindi sya dumating, wala kaming balita sa kanya. Ni miski, kamusta? Wala kaming narinig sa kanya. At ngayon, magpapakita sya sa akin? Na may dalang isang binatilyo na kaedaran ni Andrea? Kelan pa sya nabuntis? Kelan pa sya nagkaroon ng isang anak?

"Okay, I'll call her. Wait me, okay?" Hindi ko nalang pinansin si Matheo. Agad syang lumabas ng kwarto para tawagin ang Sandi na iyon.

Hindi ako ang kailangan lumapit sa kanya, sya ang nang iwan. Sya ang lumayo sa amin.

Nakalipas ang ilang oras ay dumating si Matheo kasama ang kinikilala kong INA.

"A-ana.." Tugon nito sa akin. Hindi ko sya pinansin, nilingon o tinignan. Oo, alam kong nakakabastos pero masakit sa akin, masakit sa pakiramdam na iwanan ka bigla at magpapakita nalang na parang wala lang.

Nilapitan nya ako, habang si Matheo naman ay nakaupo lang sa harapan namin.

"A-ana.." Pilit nyang inaabot ang aking kamay, ngunit kusa ko itong nilalayo para hindi nya mahawakan.

"Alam kong galit ka, pero.. please, let me explain."

Humarap ako sa kanya. Nagtatangis ang aking mga bagang, explain? Na ano? Puro kasinungalingan? Na, ano? Na hindi totoong iniwan nya kami, at hinanap nya kami pero hindi nya kami makita?

"Explain? Bakit pa? Alam mo, kinalimutan ka na namin. Sana hindi ka nalang nagpakita." Nakita ko naman ang kanyang pagyuko, oo! Kahihiyan iyon! Kahihiyan ang iwan ang kanyang sariling anak!

"Hindi kita, anak.." Bulong nito pero malinaw ang pagkakarinig ko. Malinaw na malinaw!

Tilang huminto ang pagtibok ng dibdib ko dahil sa kanyang mga sinabe..

"Hindi rin kayo, tunay na magkakapatid."

Pvtangina! Gusto kong magwala! Totoo ba? Totoo ba tong sinasabe nya!? Hindi ko kapatid sila Andrea at Ariana?! Pero.. bakit!? Bakit hindi nya sinabe agad!?

Binuwis ko ang buhay ko para mabuhay ang mga kapatid ko, ginawa ko lahat na halos pati katawan ko ay ibenta ko na. Halos nagpakapagod ako para maiahon sila at matustusan ang pangangailangan nila sa pag aaral. Pero.. hindi ko sila kapatid!

Umurong ang mga dila ko. Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala! Mahal ko ang mga kapatid ko, pero.. ang sakit isipin na.. hindi ko sila tunay na kapatid!

"Si Andrea at Ariana, napulot ko lang sila. Sanggol sila, ganun din ikaw. Ikaw ang nakita ko sa simbahan, sa simbahan kung saan tayo lagi nagsisimba. Si Ariana, ipinalabas ko lang na nasa probinsya sya, ganun din si Andrea. Kaya nung nagkita kita kayo, malalaki na. Natatandaan mo ba ang una kong pagluwas ng bansa? Yun ay, buntis ako. Si Franko ang anak ko. Hindi kita anak, Ana. Dahil.. step sister kita."

DUNGEON of LOVE (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon