Chapter 12

2.7K 91 2
                                    

                         Bonding

ISANG malapad at matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Xylona nang makita ang kabuuan ng tabing-dagat na kanilang pinuntahan. Masarap ang simoy ng hangin na humahampas sa kanyang balat. Maganda ang lugar at tanawin sa buong quartel beach. Maraming mga tao ang naliligo sa dagat kahit masakit na ang init sa balat.

"Hindi ka ba magpapalit ng susuotin?" tanong ni Zabetha kay Xylona.

Hindi mahilig mag two piece si Xylona lalo na't irarampa niya ang katawan sa maraming tao. Kahit noon pa man ay dadalhin siya sa ina nito sa mga beach ay ayaw na ayaw niya talaga magsuot ng bikini. Binalingan niya ng tingin ang kaibigan na ngayon ay naka two piece na. Namangha si Xylona sa kagandahan ng kanyang kaibigan. Ngayon niya lang nakita ang kaibigan na magsusuot ng bikini.

"Ang ganda mo, Zabetha Zoee."

Matamis na ngiti ang binigay niya sa akin saka hinila ako sa kanyang cottage. Kunot-noo niyang tiningnan ang kaibigan matapos i-lock ang pinto ng cottage nito.

"What the hell are you doing, Zoee?" tanong niya sa kaibigan na animo'y may hinahanap sa bag nito.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Zabetha Zoee saka ipinakita nito ang pulang bikini sa kanya.

"Ano ang gagawin mo riyan? Magpapalit ka na nam—"

"Tanga! Para sa iyo ito. Daliii!!"

Agad siyang kinaladkad ng kaibigan patungo sa banyo sabay bigay sa kanya ng two piece. Tatanggi na sana siya ng biglang isinara ng kaibigan ang pinto. Napabuntong-hininga na lamang siya saka itinaas ang pulang bikini na hawak. Kung susuutin niya ito sigurado siyang lilitaw talaga ang hubog niyang katawan na matagal na niyang tinatago.

Kung hindi niya naman ito susuotin sigurado talaga siyang magtatampo ang kaibigan. Humarap siya sa salamin saka iniisa-isang hinubad ang suot niyang summer dress.

Matapos niyang maisuot ang bikini ay humarap ulit siya sa salamin sabay ngiti ng peke. Tumawag niya pa ang kaibigan para ipakita dito ang suot na bikini, nang hindi sumagot ang kaibigan ay lumabas siya ng banyo.

"Za—" ganun nalang ang gulat niya ng makita si Hendrix na nakatayo sa gilid ng pintuan—napaawang ang labing tumingin sa kanya.

"Your so hot with that red bikini of yours."

Gusto niyang pumasok sa loob ng banyo at ikulong ang sarili o di kaya sana bumuka nalang ang lupa at ilibing siyang buhay.

"O my!! Is that you my best friend. Your so fuck—ahhh!"

"Saan ka ba natutu ng mga ganung salita, ha?"

Inirapan lang siya ng kaibigan sabay hila niya palabas ng banyo.

"Ano ba Zabetha? Nakakahiya"

Hindi naman kasi siyang sanay magsuot ng mga bikini lalo na't may mga lalaking tumitingin dito. Narinig niya ang mahinang tawa ni Hendrix na ikinahiya niya lalo.

"Hindi kaba sanay magsuot ng mga ganyan? If your not comfortable with that swimsuit, you can change or put on the cover dress so that mens won't see your sexy body." ani naman ni Hendrix na inirapan naman ni Zabetha Zoee—hindi sining-ayunan ang suhestisyon nito.

"Zabie, you should proud that you have a sexy, curve body that God gave you. Ano ba ang ikinahiya mo, eh wala ka namang mga peklat sa katawan. Look your mala goddess body best friend. Be proud at irampa na yan!" sigaw ni Zoee sabay taas sa kanyang kamay.

HINDI maiwasan ni Xylona ang mailang lalo na't halos lahat ng mga lalaki nasa quartel beach ay tumitingin sa gawi nila—niya pala.

Isang hakbang nalang ang pagitan ng kubo kung saan ang Tita, Tito at ang iba pang kasama niya, nang may kamay na humawak sa kanyang braso  at hinila siya sa kung saan.

Chapter 13 still processing...

______________________________________________________

A/N: Follow on my Facebook account: Meixessa WP

[Dedicated to epirixx ❤️]

HEARTLESS HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon