Maine's POVIto ang unang araw ni Shania sa school. Grade 1 na sya,malaki na ang baby ko. Hayss di pa rin ako makapaniwala... Basta masaya ako. Btw,nagluluto nako ng almusal namin,nasa taas pa si Alden kasi naliligo ata dahil may trabaho sya ngayon. Si shania naman,tulog pa. Maaga pa naman kasi,5:45 lang. Pero maya-maya ay gigisingin ko na din sya kase baka mahuli kami,tinatapos ko lang tong pini-prito ko.
..
Natapos rin ako magluto kaya umakyat na'ko para gisingin si Shania. Pagbukas ko ng pinto kita kong tulog na tulog pa sya..Kaya dahan-dahan akong lumapit at umupo sa kama. Pinagmasdan ko muna ang muka ng anak ko,kahawig namin sya ni Alden. Yung ilong nya,sakin nakakuha,yung labi,kay Alden,yung mata nya,lahok ng sakin at kay Alden,yung kilay at kutis nya,saakin rin. Dahan dahan ko syang tinabihan at ginising."Baby,wake up na...we will go to school na." saad ko
"Hmm m-mommy" ungot nya na halatang inaantok pa
"Yes baby,this is mommy. Let's go downstairs na,daddy is waiting.."Dahan-dahan syang umupo at nginitian ako. Kaya nginitian ko rin sya pabalik.
"Good morning mommy!" bati niya
"Good morning baby. Hug mo muna si mommy..."Kaya lumapit sya saakin at niyakap ako.
"Sarap naman nun,let's go??" aya ko sa kanya at agad naman syang sumama.
Alden's POV
Kakababa ko lang at dumeretso ako sa kusina. Pero wala dun si Maine. Kaya inantay ko na lang syang bumaba kasi baka ginigising pa nya si Shania,first day of school nya kasi ngayon,grade 1 na ang baby namin. Maya-maya ay may narinig na'kong tunog na pababa mula sa hagdan and im sure na sila na yun,at di nga ako nagkamali dahil sila nga. Agad akong lumapit kay Maine at hinalikan sya sa noo,at ganoon din kay shania."Goodmorning love" saad ko rito
"Good morning,may pasok ka ba ngayon?" tanong nya saakin
"Oo kase ang dami pang paperworks na naiwan dun e" sagot ko naman
"Ah sige,ako na lang maghahatid ka shania.." sagot nya
"De,ano ayos lang. Sasama ako. First day nya ngayon kaya di ako pedeng mawala dun..Hatid na lang natin sya sa school tas tsaka na'ko papasok." saad ko
"Ahm,sige pede naman.. Tara kain na tayo." sagot nya
Umupo na kami at iniupo naman niya si Shania sa gitna namin.
"Mommy,daddy are you going to school with me? Daddy,are you joining us?" biglang singit ni Shania
"Yes baby😊" sagot namin at kumain na.
*At the school*
"Bye baby!" paalam namin sakanya
"Bye mommy and daddy!" sabay kiss saamin.
"Goodluck baby! galingan mo ah.." saad ni Maine sakanya
"Yes po mommy! babye! mwuah! Bye daddy!🥰"
Paalam nya at tsaka pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love: Book 2
FanficMakalipas ang mga taon,nananatiling matatag ang pamilya nina Maine at Alden?