Gabi na naman (One Shot Story)

18 1 0
                                    

2014, alas-otso ng gabi..

"Hay.. Laging gabi nalang ako kung umuwi. Kailan kaya ako ulit makakatulog ng mas maaga-aga..?" lungkot-lungkutan kong bulong sa sarili ko.

"Uy, Tasya! Sabay kana sa'min." biglang bukas ng bintana ng driver seat nang toyota van sa gilid ko. Grabe aatakihin yata ako.

"Ay, peklat na kinabayo ka!" sigaw ko.

"Ahahaha. Anong klaseng expression yun? I bet, pati ikaw 'di mo yan gets! Ahahahahaha!" pang-iinis sa'kin ng mokong na si Rein. Dati ko siyang kaklase. Tsk. Dibdiban ko yata 'to, eh!

"HAHA- NAKAKATAWA."sarkastikong saad ko.
"Ano ka ba?! Ba't ka ba nanggugulat!?" nanggigigil ko pang dugtong sakanya.

"Eh, ayun nga. Sabay kana sa'min. Tutal dalawa nalang kami rito sa sasakyan, o. Mga sira tuktok kasi yung iba naming mga kaklase, eh. Hindi na nagsipagsabay umuwi. Van pa naman ni Daddy 'to. Eh, 'di ang ending aalog-alog pa tuloy kami rito. Tiyaka para may kasabay kana. Gabi na, o! Minsan nalang tayo mag-bonding. Kaya, tara na. Sabay kana!" pangungumbinsi niya sa'kin na akala naman niya effective.

"Ay, naku, ayaw ko! Alam mo namang uso salvage ngayon. Baka mapabilang pa 'ko. Bahala ka diyan! Ikaw nalang. Itim pa naman 'yang van na dala mo. Para kang goons. Ayaw." matigas kong iling sa kanya. Kakatakot kaya..

"Grabe ka talagang babae ka. Hinalintulad mo pa ako sa mga masasamang tao. Kasalanan ko ba na itim ang kulay na gusto ng tatay ko para sa sasakyan niya? Isip rin ng mabuti, ha? Tiyaka, kung papatayin kita, sana, matagal na kitang nilason. Sa pagkikinain mo palang ng mga PAGKAIN KO todas kana, 'no!? Kaya tara na! Bago pa magkatotoong matuluyan ka diyang i-salvage. Kung anu-ano pinag-iisip mo. Kolokoy na 'to!" mahabang litanya niya sa akin.

Hehe. Medyo, grabe siya sa'kin..
Dinamay pa pati pangungulembat ko ng food niya dati.

"O-oh, sige na nga! Grabe ka maka-conscience, ah. Dinadamay mo pa pati yung mga ibinigay mo na. Sumbatero. Eh, sino ba naman ako para umayaw 'di ba? Tiyaka, kasalanan ko ba na naaawa ako sa kanila dahil hindi mo na sila kinakain!?" ganting sigaw ko sa kanya. Nakakainis, eh. Mapanumbat!

"FYI, 'binibigay ko lang yung mga yun dahil gigil na gigil ka lagi sa mga pagkain ko, 'no!?" At,talaga namang-- Grr! Ginagalit talaga ako nitong butiki na 'to.

"Oo na. Tumahimik ka lang!Pinangangalandakan talagang hayok na hayok ako sa pagkain?"singhal ko.
Ay naku talaga! 'pag ako 'di makapagpigil.

"Ahahahaha! Ikaw kasi, eh. Nagmamalinis ka pa. O, pasok na. Quiet lang, ha? Tulog si Aaron. Nag-practice yan ng basketball kanina. Baka bambuhin tayong dalawa."

W-what?!!! Nandito si A-aaron?
Pagkabukas ko ng pintuan sa backseat ay bumungad nga sa akin ang nakasandal sa upuan at natutulog na si Aaron.
OMGGGGGGGGG! Nanditey nge si Aaroney! My golly-gooosh! Oops! Si-zip ko na yung lips ko. Baka nga magising. Kakahiya. Lagi nalang yung bibig kong barahubal yung naaabutan niya. Pasok na nga ako. I know this is a loooong way to go..

"So, how's your 3rd Year in college life so far, Tasya?" tanong sa akin ni Rein. Mokong yan pero lagi akong pinapalamon sa bahay nila nung high school kami. Hehe. May food business kasi sila kaya nilubos-lubos ko na rin. Sayang, eh.

"Hay.. As usual. Tough but knowledgeable. Konting kembot nalang rin naman. Kaya, pa." ngiti kong saad sa kanya. Puro kami kalokohan niyan pero 'pag aral, aral talaga.

Gabi na namanWhere stories live. Discover now