Chapter Two- The Confrontation

992 13 1
                                    

I wear the most elegant dress that I have. Sulutan ang mangyayari kaya kailangan ko talagang um-outfit. Kadarating ko palang ngiti na nang mga kaibigan ko ang sumalubong sakin.

"Seems you're ready"- Agot

Hmm.. actually hindi ko alam kung tama ang instinct ko, pero parang may mali.

"Parang may naamoy yata akong kakaiba sayo"- Ako

Ngiti lang ang isinagot nya subalit nang may sumigaw at bumusinang sasakyan na nagmumula sa labas ng shop.

"OMG girl! Ang gwapo ng sundoooo mo!!"- Julia

Tatakbo si Julia na lumapit sa amin. Sundo?! Nagpapasundo na ang bruhang ito?!

"Huwag mong sabihing tumiklop ka na sa pagiging bitter!"

"Nah. Never! This is just a flavor of the month sweety"

Her phone suddenly rang at ang pakialamera kong kaibigan ang sumagot nun.

"Oh Agot. Albert is calling"

"Sinong Albert?"

Napadako ang paningin ko sa labas at dun ko nakita ang lalaking naghihintay sa kanya na may telepono sa tenga. So the boy outside is Albert, yung date nya? at hindi nya kilala?! Oh c'mon napakapalengkera naman ata nito?

"I have to go baka kasi naghihintay na yung date ko. But before of all things GALIJNGAN MO! Ipakita mo sa kanila kung ano ang kayang gawin ng isang taong NAGMAMAHAL. You should wear your most SEDUCTIVE DRESS. Wag kang gagaya samin na dahil dyan sa LINTEK na PAG-IBIG NA YAN Kulang na lang ipagbenta namin ang sarili namin para lamang makaganti!"

Pero diba? sa gagawin kong ito ganun na din ang gagawin ko? Hindi pa nga ba? NO! Si Richard hindi ako gaganti sa pang-iiwan nya sakin noon. Iba! Babawiin ko lang ang dapat ay sa akin!

"Wag kang mag-alala pagkatapos ng DATE na to tutulungan kita dahil ayokong maranasan mo dyan sa lalaking yan ang naranasan namin sa bawat lalaking iniwan lang kami! Bawiin mo sya dahil bukod sa bestfriend mo sya MAHAL mo sya at hindi lang ikaw ang kaibigan nya dito kami din kaya ilalayo namin sya sa sakit"

Pagkasabi nya noon ay agad din naman syang umalis at iniwan kaming tulala nang dahil sa haba ng mga sinabi nya.

Hindi pa nagtatagal ang lahat ay bigla namang dumating si Alice.

"Tabi!"

Magkaiba talaga sila ni Agot.

"Uy girl pinadalhan ka na naman pala ng boyfriend mo ng mga chocolates and flowers? O.M.G " - One of our employee

Omy! Gulo to! Sabi ko nga sa inyo magkaiba sila ni Agot. Kung si Agot humahanap ng iba't ibang lalaki para mapagtakpan ang sakit ng nakaraan, si Alice naman mula nang maiwan ay hindi na naniniwala na totoong nag-eexist ang NAGMAMAHAL at ang mga taong MINAMAHAL kaya naman nang marinig nya ang sinabi nung isang empleyado ay agad syang nagtrigger.

"Alam mo ikaw?! Niloloko ka lang ng lintek na lalaking yan! Ikaw naman padala ka agad! Tandaan mo ang PAG-IBIG PARANG GINTO. SABI NG IBA TOTOO PERO HINDI! NILOLOKO KA LANG NILA. Ang PAGMAMAHAL AY ISANG KAHIBANGAN! Kaya tumigil ka na habang hindi ka pa nasasaktan kasi ako sobra na ang sakit na nararamdaman ko! Ang sakit-sakit! Akala nila ang pagmamahal ang pinakamasarap at pinakamasayang pakiramdam na maaari mong maramdaman pero hindi! Dahil ang lahat ay may kapalit dahil kung gaano kataas ang lipad mo nung nagmamahal ka ganoon ding kasakit kapag bumagsak ka dahil iniwan ka nya"

Bago pa nya maituloy ang kung anumang sasabihin niya agad akong umalis dun. Ayokong makagaya ng kahit sinuman sa kanila. Ayokong maramdaman ang ganyang sakin kaya naman bago ko pa maramdaman yan sa araw ng kasal nya ay gagawan ko na ng paraan!

"Ma'am nandyan na po ang client natin si Mr. and soon to be Mrs. Gomez"

Dahil sa sinabi nyang iyon ay agad ko syang binigyan ng isang napakatalim na tingin.Yung tipong kung makakapatay lamang talaga ang tingin ay kanina pa pinaglalamayan si Melody. Hindi pa nagtatagal ay agad namang may pumasok na isang babaeng may katangkaran, maputi, masasabi kong maganda pero syempre MAS MAGANDA AKO!

"Hi Ms. Salman" ngiting-ngiti nyang bati sakin. "Ikaw pala ang sinasabi ni Richard na bestfriend nyang wedding planner. WOW! This shop is awesome! and nice ambiance huh" Wala akong pakialam sa kung anuman ang sinasabi nila dahil ngayon pa lamang ay pinagsasawa ko na ang aking mga mata sa lalaking nasa likuran nya.

"Hi Best antagal nating hindi nagkita. Namiss tuloy kita" sabi ko habang inilalagay ang aking braso papulupot sa braso nya. Clingy akong tao kaya walang pakialam ang kung sinumang kasama nya ngayon dahil darating ang araw AKO NA ANG KASAMA NYA AT IPAKIKILALA SA LAHAT NA MAPAPANGASAWA NYA!

"Ahm Rachel" agad nyang tinanggal ang kamay ko sa braso nya "andito kasi yung fiance ko at nagpunta kami dito para sana sabihin sayong ikaw ang napili namin para mag asikaso ng kasal namin " Ni minsan hindi ako papayag na iwan mo lang Rich dahil bata pa lang tayo karugtong na nang pangalang RICHARD GOMEZ ang RACHEL SALMAN!

"Sorry huh namiss lang talaga kita" I show them my very sad emoticon xD "Okay. about dun yes my secretary--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla na lamang nagsalita ang aking pinapangarap na si Richard

"Hon, diba aasikasuhin mo pa yung about dun sa mga visitors at invited para sa wedding natin? Pwede bang unahin mo na lang muna yun mag-uusap lang kami ni Rachel magkita na lang tayo sa bahay"

"Oh that? Okay! mukhang namiss ka na talaga ng bestfriend mo eh! so kamustahan na lang muna kayo dyan aalis lang ako huh! Hon be good okay?" then before she went out she gave him a peck on his lips na sya namang nagdulot sakin na kulang na lang masuka ko. AT ANG WALANGHIYA GINAWA NILA SA HARAP KO PA?! Oh well hindi bale balang araw gagawin din namin yan sa harap nya kahit HUBARAN pa para masaya!

Pagkalabas na pagkalabas nya ng opisina ko ay agad kong inilock ang pinto at hinila si Richard sa isa pang pintong nakapaloob doon. A bedroom. Bedroom na naging saksi sa napakarami naming ala-ala at ngayon sa kwarto ding ito sisimulan ko ang aming BEDROOM NEGOTIATION.

Itinulak ko si Richard paupo sa kamang iyon at sa isang iglap ay nagawa ko agad siyang halikan. Idiniin ko ang ulo ko upang mas lalong lumalim ang halik subalit ayaw parin nyang buksan ang kanyang mga labi para tuluyan ko na syang matikman.

"Hmm" sa wakas narinig ko na din ang ungol at ang sabi sakin ni Agot noon .. "Oras na umungol na sya ibig sabihin tagumpay ka! Bongga ka day!"

Itinigil namin ang mga halik na iyon ng sandaling maubusan na din kami ng hininga. Tumayo ako at agad-agad na tinanggal ang suot-suot kong mga damit at pumatong ako sa kanya

"Hmm.. Rachel what are you doing?"

Parang may umuntog sa ulo ko. "Shit! ganto na ba ako kadesperada?!"

Bedroom NegotiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon