3

724 10 2
                                    

Umalis ako sa tabi nya kasi masakit pala. Masakit palang ikaw na lang ang natitirang humahawak sa binitawang pangako nyong dalawa.

Masama ba akong kaibigan? Kasi hinangad kong mapasaakin sya kahit na alam kong hindi na sya masaya.

Unti-unti'y tumulo na naman ang nga butil ng luha sa aking mga mata. Ilan beses na ba akong umiyak ng dahil sa kanya? bakit ba hanggang ngayon hindi ko makatanggap na isa na lang akong KAIBIGAN. Sabihan ng problema nila. Pero paano ng ba kung mangyari yun? kung mangyaring ako yung pagsabihan nila ng problema nila? anong maipapayo ko? Sasabihin ko bang 'TIGILAN MO NA YAN! MAGHIHIWALAY DIN KAYO!' o 'LUMABAN KA! MAHAL NYO ANG ISA'T ISA KAYA KAKAYANIN NYO'

Agad kong kinuha ang isang pink na notebook sa drawer ko. Bata pa lang ako meron na ako nun pero iba na yung ngayon kung noon isinusulat ko sa notebook na yun ang mga toys na gusto ngayon.. Iba na. Hindi na toys ang gusto ko.. Sya na.

To My Dream Bedroom Negotiator,

Bakit ba ganito?
Bakit hinayaan mo akong masaktan?
Akala ko ba sabi mo noon sakin ako ang Prinsesa mo, sabi mo pa nga sakin umiikot ang mundo mo. Kung totoo ang lahat ng yun hindi mo ako hahayaang ganito. Ako na yung nangungulila sayong gago ka! Hindi na sila. Hindi na yung mga babaeng pinangarap ka nung tayo pa. Sabagay lagi mo nga palang pinaparamdam sakin na akoy.. kaibigan mo lang,

Girl Dreaming you,
Rachel

Kahit na masakit pipilitin ko parin. Mahirap pero kailangan tanggapin. Tama sila! Ang pag-ibig ay agawan kung hindi ako mang-aagaw ako ang maaagawan.

Agad akong tumayo. Pupuntahan ko sya. Hindi ko kakayanin ang mawala sya. Aagawin ko sya! Aagawin ko sya sa abot ng aking makakaya!

I handed the telephone beside me and call my secretary. Makailang ring pa lamang ng telepono nya ay agad din naman nya iyong sinagot

"Hello, Ma'am?"

"Nandyan pa ba sh' Mr. Gomez?"

Ilang segundo syang nawala marahil ay tiningnan nya kung andun ba ang hinahanap ko o wala.

"Yes Ma'am he's here with soon to be future Mrs. Gomez"

Paktay! Mukhang talo na ata ako sa labang ito pero hindi ako papayag! Akin sya! Akin lang!

Agad akong lumabas ng kwartong iyon at dumeretso sa kung saan sila nanduon. Isang matalim na patalim na naman ang tumarak sa aking puso ng makita ko syang nakangiti sa piling ng iba.

"Dawn..."

Napatayo sila ng makita ako. Marahil ay paalis na din sila subalit dumating ako kaya bigla din silang napaupo.

"The planning is not yet done. Aalis na ba kayo?"

Tumingin lang si Lucy sa katabi nya saka sya naman tumingin sa akin.

"Hmm... Ano kasi Rachel, Im still not done in my appointments so if it is okay with you kayo na lang muna ni Rich. Time nyo na din to para makapagreconcile"

Isang napakatis na ngiti lang ang ibinigay niya sa alin na sinuklian ko naman ng isa pang mas matamis na ngiti.

Ikaw din pala ang magbibigay ng paraan para mapasakin sya ulit. Fool!

"It's okay Lucy. Honestly we can finished this negotiation without you"

Binigyan nya ako ng isang makahulugang tingin. Too Innocent. Ganyang-ganyan din ako ng ipagpalit ako ni Rich sa kanya! Napukaw ako ng may bahagyang sumiko sa braso ko. It's Julia.

"Hmm.. I mean, basta may isang present sa inyo okay na. It seems naman na napag-usapan nyo na ang lahat. Alam ko din naman na busy ka sa trabaho. Okay lang do your job first"

Ang pag-ibig ay isang sugal kailangan mong isakripisyo ang iba para sa gusto mo at kapag nakuha mo na ang gusto mo huwag mo ng pakakawalan pa dahil oras na maagaw mo na wala ng makakukuha pa!

"Ahh. Hmm, thank you Rachel huh. You're really good friend inaalala mo din pala ako"

"Oo naman hindi matutulad ang plano oras na nandito ka"

"huh? anong plano?"

Nagising ang diwa ko dun! Shems! bakit ko ba nasabi yun?

"Ahh wala yun.. Haha! nevermind!"

"Ahh"

Makailang minuto pa ng diskusyon ay naisipan na din nyang umalis.

"ahm Hon, I need to go na pala. I think my client is already waiting for me na"

Mula sa pagkakaupo ay agad syang tumayo at binigyan ng mabilis na halik si Rich sa labi.

"Hmm.. Rachel hatid ko lang sya"

Matapos syang lumabas ay nilapitan naman ako ni Julia na sa hula ko'y kanina pang nakikinig sa pag-uusap namin.

"Sigurado ka na ba dyan? Ate Rach, I can feel na hindi sya yung prince para sayo."

Ito yung mahirap eh yung hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko pero nagagawa nilang sabihin kung ano ang nararapat kong gawin. Hindi nila alam kung ganong kasakit ang bawat hiwa ng kutsilyo sa puso ko kapag nakikita ko silang magkasama at masaya sa piling ng isa't isa pero para sa kanila walang mangyayari dahil hindi naman kami para sa isa't-isa.

"at pano mo naman nasabing hindi sya?"

halata na ang galit sa boses ko. Sino ba namang hindi magagalit kung sabihan kang ang lalaking kay tagal mong pinangarap ay hindi ang tamang lalaki para sayo?

"Ate Rach makinig ka, ang lahat ng bagay na dinaan sa maling paraan ay mali at wala ng makapagtatama nun tsaka hahayaan mo bang magaya si Lucy sayo? mabait sya, ni hindi nya inisip na nagpaplano ka ng masama laban sa kanila"

Sa sinabi nya mas naliwanagan akong mali talaga ang ginawa ko pero mali sya may paraan pa para maipakita ko sa kanila na magiging tama ang lahat dahil oras na sumaya marahil ay tama na ang ginawa ko.

"Rachel?"

Napatigil ang usapan namin ng dumating si Rich baom na naman nya ang matatamis na ngiti na minsan ng bumihag sa aking puso.

Ngayon sigurado na ako.
Itutuloy ko ang planong BEDROOM NEGOTIATION.

Sorry po ngayon lang nakapag-update ✌✌
By: InnocentBitch08

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bedroom NegotiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon