5 Red Flags You Need To Ignore

10 0 0
                                    

Ang daming flag na natin sa mundo. Pero namamayagpag ang tinatawag na "red flags".

Let's ignore these red flags from someone whose giving us false hopes and undetermined intentions.

1. Simulan niya ng greeting niyang "Hi/Hello". Minsan wave pa nga. Sino bang di kikiligin dyan pagbigla-bigla nalang napunta sa inbox ng messenger mo ang kataga niyang yan. Dyan nagsisimula ang lahat. Pero kalaunan magtatapos lang din pala sa goodbye.


2. Ang di matapos tapos na tanong, "kumain ka na?". Kunwari may paki sa pag-kain mo sa tamang oras. Eh, pagiging tamang tao di nga magampanan. Tsk. Ekis yan sis. Kinain nalang sana niya ang mga pambobola niya.




3. And here goes  the phrase, "sa ganda mong yan wala ka pang jowa?" Pagkatapos nyang bitawan ang ganyang linyahan, sasabihin niya agad baka ako na ang hinihintay mo. Tapos, kikiligin ka na naman. Magaan sa loob na may nagcocompliment sa ganda mo but behind those words were lies na pag naging kayo na. At pag nakuha na niya ang gusto niya sayo, iiwan ka lang din niya sa mas maganda pa sayo. Awitt sis.




4. Syempre, di mawawala ang good morning text niya araw-araw para sayo. Masayang pambola sa umaga. Ikaw naman itong marupok, nag good morning din. Kahit tanghali na, gumugood morning pa rin. Kasi nga daw, napuyat sa late night talks niyo kagabi. Duh! Yung araw araw na good morniny niya unti unting mawawala. Yun pala may ka good morning na na iba.




5. Kunwari ikaw na yung kulang sa buhay niya. Kunwari na sayo na ang lahat at siya na daw ang kulang. Yun pala, kulang lang yung lande niya sa iba kaya sayo siya na trap. Ikaw lang yung nandyan kaya ikaw ang pinaglaruan. Ang tahimik na ng mundo mo tapos bigla nalang magpaparamdam na kesyo mahal ka na. Kulang siya pag wala ka, pero yun pala ginawa ka lang past time kasi may nilalande rin siyang iba.




Kaya sis and orbs, dahan dahan lang. Maging green flag sana ikaw sa dami ng red flag sa paligid. Wag tularan.

 Wag tularan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Her Heart and Her PoemsWhere stories live. Discover now