i

10 0 0
                                    



Henry was so drunk last night and his head hurts as hell.

"Fuck." He hissed. He was massaging his head out of frustration; he immediately fixed the way he was seating on his bed. Nilingon niya ang orasan sa may dingding at napamura nanaman siya dahil isang oras nalang ay oras na ng meeting niya.

Mahalaga ito lalo na at related ito sa taong matagal na niyang hinahanap. His phone rang and it is Jae, his friend. "Ano na Henry? Papunta na ako diyan sa condo mo at kanina pa kita tinatawagan pero di mo naman sinasagot." Sabi nito sa kabilang linya.

"Huwag mong sabihing kagigising mo lang, kukutusan talaga kita pagdating ko." His friend said aloud na halos mabingi siya sa lakas. "Oh di hindi ko sasabihin, mamaya na nga, maliligo na ako." He ended the call and immediately started to clean himself.

As he was taking a bath, memories keeps on flashing on his head. It's been six years pero di pa rin mawala sa utak niya yung mga nangyari. It's been years pero siya pa rin. Si Jenny pa rin. 

Nagpalit siya agad, simple lang na shirt at pants ang suot nito tutal hindi naman masyadong formal ang meeting na pupuntahan niya. He also prepared sandwich for 4 people at sa sasakyan nalang niya ito kakainin at saktong tumawag na rin si Jae na nasa ibaba na ito.

Sasabay nalang ito sa kaibigan lalo na at tinatamad siyang magmaneho. "Oh ito na." sabi niya sa kaibigan bago pumasok sa elevator. "Masyado naming nagmamadali itong si Jae akala mo naman siya ang may lakad, tss."

"Sa wakas nakababa ka na, sakay dali." Sabi ng kaibigan niya na ibinaba lang ang bintana ng kanyang sasakyan.

Pagkapasok ni Henry ay agad siyang tinapik ni Gab at inasar na halatang kagigising lamang nito. Agad din naming pinaandar ni Jae ang sasakyan lalo na at malapit na ang oras ng meeting na dadaluhan ni Henry.

"Pahingi naman niyan." Sabi ng lalake na si Gab sa likod ng sasakyan habang nakaturo sa tupperware na may laman na sandwich. "Ang kapal mo naman, sasama sama ka tapos manghihingi ka ng pagkain."

"Ako nga rin Henry hehe." Sabi naman ni Jae na nasa  driver seat.

"Kung hindi niyo lang ako tinulungan sa mga gagawin ko ngayon hindi ko talaga kayo bibigyan eh. Oh eto na mga, Sēr." Sabay abot ni Henry sa mga kaibigan ng tupperware.

"Eh magdridrive ako pwede pabukas ng sandwich." Sabi ni Jae kaya inabot naman ni Gab ang nabuksan na niyang sandwich. "So ano na ang balak mo ngayon, tol." Pagtatanong ni Gab kay Henry.

"Wala naman masyado, basta makita ko lang talaga kung sino yung nakatanggap ng mga mata ni Jenny. Yun lang. Tapos syempre kumustahin syempre kahit papaano natanggap niya yung ibang organs ni Jenny." Pag-eexplain niya.

"Pero tol, sigurado ka bang yun lang balak mo? Hindi ba noong una ayaw na ayaw mong makita yung taong nakatanggap ng mga ano ni Jenny?" sabi ni Jae "Well yun na nga Jae, noong una lang yun iba na ngayon. It's been six years at curious lang talaga ako kung kamusta na yung nakatanggap ng ibang organs ni Jenny." Sabi niya sabay tinggin sa labas ng bintana.

Little did he know his friends are looking at each other sa rear mirror. They are nervous for the person who received Jenny's organs. They saw how broken Henry is when Jenny died and noong dinonate nito ang mga organs nito sa iba. It might be selfish for others, pero si Jenny yun eh. For him she was too precious and the idea na because of what happened, may natuwa sa pagkawala ng pinakamamahal niya. His friends are afraid na baka sisihin nito ang taong nakatanggap ng organs ni Jenny sa mga nangyari.

Naging mabilis din naman ang byahe at nakarating din naman sila agad sa destinasyon nila. Henry was scheduled to meet the Art Organization na balak niyang isponsoran. He is a fan of art and he heard that one of the artists of the organization was the one who received the organs of Jenny. So the only way for him to know that person is to be close with organization.

Mahirap kasi kumalap ng impormasyon sa hospital lalo na at may mga policies doon, he even tried to ask for an investigators help ngunit lagi niyang naiisip na magmumukha siya desperado kung ganun ang gagawin niya.

"Baba na Henry, anong oras na baka mamaya nandyan na kameeting mo." Sabi ni Gab. "Susunod na lang kami sa loob hahanap muna kami ng pagpaparkingan ni Gab." Sabi naman ni Jae.

"Sige dalian niyo ah, wag niyo lang akong iiwan may pupuntahan pa tayo mamaya." Pagpapaalala nito sa mga kaibigan, tinanguan nman siya nito at umalis na rin pagkatapos.

He entered the coffee shop and buti walang masyadong tao at hindi crowded ang shop. Maybe it's because 10 a.m. palang and it is Tuesday, 10:15 naman ang napag-usapan na time so he just went to find a table. Buti nalang at maaga siyang dumating lalo na siya ang nag-insist ng meeting. Even though siya ang sponsor, mas importante ang pakay niya sa organization compared sa makukuha ng organization sakanya. He decided to look for the menu kaya pumunta siya sa may counter.

He planned to just order caramel macchiato and cinnamon. He has a sweet tooth, di naman obvious diba. Then before ordering his phone rang, it's Jae.

"Ano?" bungad niya. "Tol, malalate kami konti, may dadaanan lang daw si Gab dito sa may motor parts, malapit lang naman ito diyan sa coffee shop." Sigurado si Henry na nagkakamot ng ulo si Jae ngayon kaya napabaling nalang ng ulo si Henry. "Sige basta wag masyadong late, subukan niyo lang akong iwan makikita niyo. Sige, sabihin mo kay Gab bilisan niya."

"Oo sige sige." At binaba na nito ang telepono. At pag lingon niya di niya napansin na may tao pala doon at may hawak na tray at dahil sa paglingon ni Henry nasagi niya ang tray na hawak ng babae.

"Ay!" gulat na sabi ng babae sabay ng pagbagsak ng order nitong 2 black coffee at carrot cake. "I'm so sorry Miss. Are you okay?" the man on her side asked. "Yes, I'm okay but.." she looked at her white sneakers and it was stained with the coffee and it was so hot "Fuck, it's hot." She hissed.

Agad naman napatingin si Henry sa paanan ng babae at tsaka niya narealize na nabuhusan nga ito ng kape at mainit pa ito. "Miss kailangan mong basain yang paa mo, there's a possibility that it was burnt." He said then the woman hurriedly went to the comfort room.

"Sir are you all right?" The staff from the coffee shop asked. "Yes I am, but her." He pointed the bathroom. "I don't think she is. Nabuhusan yung paa niya ng kape and mainit pa. I will just order her order again, ako na magbabayad then please give it to her."  Henry said and he received a text galing sa kameeting niya na nandoon na ito sa loob ng coffee shop at inilibot ito ang tingin at ito'y nasa may labas sa may garden area.

At nang dahil nag-umpisa na ang meeting niya, hindi na niya napansin na umalis na ang babaeng natapunan ng kape kanina at hindi na ito nakahingi ng pasensya dito ng maayos dahil umalis na rin ito.

10-20-21

PanandalianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon