iv

2 0 0
                                    



Kanina pa nakatunganga si Trisha sa harap ng canvas niya. Doing art for Trisha is one of her pass times lalo na kapag katapos ng trabaho niya tuwing umaga. Ngunit ngayon mukhang tuliro ito at hindi niya matuloy tuloy ang kanyang ginagawa.


Hindi naman ito pagod na pagod ngunit nakatanggap kasi ito ng text message galing kay Ginger na sa Friday ng hapon ang meeting nila kasama ang kanilang main sponsor at ngayon ay Wednesday na. Ibig sabihin dalawang araw nalang yun. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan, ngunit baka nararamdaman niya ito kasi mamemeet niya yung isa sa mga nakakaintindi at nakakaappreciate ng artworks niya.


"Oo baka yun nga, jusko self. Why do you need to feel so nervous, you should be confident and happy kasi the groups' dream will soon happen." pangungumbinsi niya sa sarili.


She still spent almost half an hour doing her art work hanggang sa napagdesisyunan niyang ituloy nalang ito sa susunod. Ganito ang naging routine niya magmula ng magtrabaho siya sa kanilang shop. Sa umaga ito ay nakafocus sa business nila at kung minsan bumibisita rin siya sa Art Group na kinabibilangan niya. At minsan inaabot na siya rito ng gabi. At kapag hindi naman siya nagawi roon, sa bahay na lamang siya gumagawa ng art works na nagsisilbing libangan niya.


After taking a bath she decided to sleep lalo na at marami pa siyang gagawin bukas at mag-preprepare pa siya ng damit na gagamitin niya sa Friday. She needs to be there kasi magagalit nanaman si Ginger sakanya kung hindi siya pupunta.


"Anak gising na." sabay tapik na sabi ng Tatay niya. "Kanina pa tumutunog 'yang cellphone mo hindi ka pa rin pala nagising." Sabay tawang sabi ng Ama niya.


"Good morning pala, dali na 'nak malalate ka nanaman sa shop. Itong batang ito talaga tulog mantika pa rin hanggang ngayon."


"Oh sorry, Pa. Medyo late na po kasi ako nakatulog. Good morning." She said. "Sus, magpapalusot ka pa, eh kahit maaga ka naman natutulog mahirap ka pa ring gisingin." Sabi ng Ama niya bago lumabas ng kwarto.


"Geez, bakit ba kasi di ako nagigising. I think I should change my alarm, yung tipong nakakagulat na. Buti nalang nandito si Papa kung hindi late na ako." Pagmamadali niya habang patungo sa banyo.


She hurriedly fixed her things and self bago magtungo sa kusina upang kumain. Buti nalang malapit lang yung shop nila at hindi siya masyadong nag-aalalang malate ng todo.


"So, what's your sched today anak." Her Dad asked pagkaupo niya. "Sa shop lang po ako pupunta and siguro lalabas kami ni Layla after that." Ganito sila araw-araw dahil gustong malaman ng Ama niya kung ano-ano ang pupuntahan ng anak at para na rin kapag may mangayari alam nila kung nasaan ang isa't-isa.


"Paano kayo Pa, saan kayo ngayon?" may pupuntahan lang kami ng Uncle Jim mo para tignan yung ibang mga supplies para sa shop and may meeting lang konti then uwi na rin after kung wala na kaming pupuntahan ni Uncle mo." Sabay abot ng kanin sa anak.


"Hala Pa baka mas mauna pa kayong makauwi sa akin niyan. Go out din minsan."


"Kaya nga, lalabas ako ngayon diba kasasabi ko lang." pilosopong sabi ng Ama niya. "Pa, iba yun, I mean labas as in go out and enjoy with your friends. Hindi ba kayo nauumay dito sa bahay?"


"Ah ganun ba, sabi mo kasi labas eh. Tapos di naman ako nauumay dito ang dami ko kayang inaasikaso sa shop tapos may Netflix naman tayo. May bago pang season yung pinapanood ko next week." Pagkwento ng Ama niya habang kumakain.


Hindi na lamang siya umimik dahil alam na niyang hindi naman makikinig ang Tatay niya sakanya. Magdadahilan lang ito ng magdadahilan upang hindi makalabas. Kung tutuusin nga kung hindi lang kailangan para sa negosyo nila hindi ito lalabas. Tinalo pa siya ng kanyang Ama sa kaadikan manood at magbabad sa Netflix. Sabagay namana niya ito sakanya, yung hindi pagiging palalabas at ang mas gustong magstay sa bahay.


PanandalianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon