CHAPTER 29

893 23 0
                                    

"Manang si scyruff nasan po?". Tanong ko kay manang kahit alam kona yung sagot pero nagtanong pa ako kase nagbabasakali akong baka tuparin nya yung pangako nya kagabi na babawi sya.

"Lumabas na sya iha, hindi ba sya nakapag-paalam sayo?".

"Siguro tulog po ako nong umalis". Tugon ko dito.

"Ganon ba iha, sige kain kana iha". Nakangiting sabi saken ni manang kaya umopo na ako, pinaghanda nya ako bago sya umalis sa kusina.

Lalantakan kona sana yung adobo pero bigla akong nahilo at parang nasusuka kaya dali-dali akong pumunta ng banyo.

Suka ako ng suka nanghihina nadin ako at sobrang nahihilo talaga, ito yata yung sinasabi nilang morning sickness.

Ng papalabas na ako ng banyo napahinto ako ng may marinig akong nag-uusap.

"Hoy alam mo bang bumalik na yung ex ni sir scyruff". Sabi ng isang maid dito, nacurious ako sa pinag-uusapan nila kaya nakinig muna ako.

"Oo nga eh alam mo bang nakita kopa si sir scyruff nagmamadaling sumakay sa kotse nya at narinig kung kausap nya si maam stacey yung ex nya". Sabi naman ng isa pang maid, bigla na naman nagsipatakan yung luha ko sa mga narinig ko.

"Alam moba nong 1 anniversarry nila maam scyruff at maam shantell, nong papunta ako ng mall dahil inutusan ako ni manang na bumili ng mga groceries nakita ko si maam stacey at sir scyruff na naghahalikan". Parang biglang gumuho yung mundo ko mga nalaman ko, napasandal na lang ako dito sa banyo at napahikbi sa mga nalaman ko.

"Kawawa naman pala si maam shantell, ang bait bait nyang tao tapos lolokohin lang pala sya".

"Tara maglinis na tayo". Yan yung huling narinig bago sila nagsialisan nawalan na ako ng gana kumain kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagmukmuk don.

Owning By A Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon