Caliber 2

3 1 0
                                    


"Come on, breathe!" Malabo ngunit rinig ko ang isang tinig ng lalake. "Breathe" Ramdam ko din ang kaniyang palad sa aking dibdib. He's desperately trying to save me. When he's almost on the count of 28 I coughed out the water. 


I heard a sigh of relief. Naaninaw ko ang lalake na napaupo at nag punas ng pawis sa kaniyang noo. Madilim at natitiyak ko na ilang minuto o baka oras pa lamang ang nakalipas simula ang nanyari kanina. 


Ramdam ko ang pang hihina ng aking katawan kaya naman ang pilit na pag tayo ay napalitan ng pag bagsak ng aking mata at pag kawalan ng malay. 


Nagising ako sa Tilaok ng manok at amoy ng pagkain. Bumangon ako at naramdaman ang sakit sa aking binti at naalalang duon ako kinagat ng aso. Tumingin ako sa hindi pamilyar na paligid. 


"Where am I?" Tanong ko sa aking sarili. Nakasuot ako ngayon ng puting over sized na t-shirt at tanging underwear lang ang pang ibaba. Humawak ako sa gilid ng hinigaan kong kama na gawa sa kahoy at dahan-dahang tumayo upang makalabas ng kwarto na ito. Iika ika at iniinda ang sakit ng sugat. Napansin ko din ang tape saaking kamay na tila ba nilagyan ako ng swero doon. 



Pag kalabas ko ng pintuan ay agad na bumungad saakin ang likod ng isang lalake. Moreno ito at matangkad. Medyo may kahabaan na din ang buhok nito ngunit hindi ito tumatama sa kaniyang balikat. 


"Nasaan ako?" Iyon ang unang lumabas sa aking bibig. Tumaas ang balikat ng lalake at agad na lumingon at sumulyap sakin. 


"You're awake." Sa isang matigas na ingles napataas ako ng kilay.  


Hindi ko kilala ang lalakeng nasa harap ko ngayon at natitiyak ko na ito ang unang beses na nakita ko sya. Napansin nya ang reaksyon at pag tataka ko. "Ah, ang ibig kong sabihin ay buti naman at nagising ka na."


Ibinaba nya sa lamesa ang bagong lutong mga pagkain. 


"Nasaan ako?" Ulit ko nakatayo pa din sa may pintuan.


"We're here in Busuanga. The doctor has seen you. Ilang araw ka ng walang malay." Aniya habang hinahanda ang lamesa. Inikot ko ang aking mga mata upang kabisaduhin ang lugar at bawat kanto ng bahay na ito. 


"Paano mo ako natagpuan?" Hindi sya makatingin saakin ng diretso at tila ba naiilang.


"I ah saw you running on the woods." Kumunot ang noo ko.


"Saw me?" Tumango sya.


"Kumain ka muna. Umupo ka dito, at kumain ka na." Nakaiwas pa din ang tingin nya saakin.  Duon ko lang natanto kung bakit hindi sya makatingin ng diretso saakin. 


Ramdam ko ang pamumula ko at agad na tinakpan ang dibdib gamit ang aking braso. Kung naiilang sya saakin sino ang nag bihis saakin? I cannot fully trust this man. Maaring kasama sya sa humahabol sa amin at sa pumatay kay Papa kaya I need to plot a plan para makaalis dito.

Code CaliberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon