Caliber 1

5 1 0
                                    


Comienzo


"Takbo!" Malakas na sigaw ni Papa, lumingon ako sa kaniya at nakitang naka upo na sya sa sahig habang hawak ang binti na may dugo. 



"Tumakbo ka na Samara!" Lito kung tatakbo o babalik ako upang daluhan ang aking ama na duguan. Tumutulo na ang aking mga luha at muling sumulyap sa kaniya sa huling pag kakataon habang unti unting tinalikuran ang ama. 


Nang makalabas ako sa aming bahay ay agad kong narinig ang isa pang putok ng baril. Napatakip ako ng tenga at mas lalong nanginig sa takot. 



Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin kaya naman tumakbo ako at dire diretso ang punta sa gitna ng kakahuyan na didiretso sa mas malayong parte ng gubat.



Trinaydor nanaman kami! Lahat ng naituro sakin ni Papa hindi ko nagawa! Ilang taon nya akong sinanay na napunta lang sa wala!


Tuloy tuloy ang luha at hikbi at medyo nakakalayo na sa aming mansyon ng bigla akong may narinig na tahol ng aso na natitiyak ko ay kasama ng mga bumaril kay papa.



"Anak ano ang ginagamit ng mga aso para mahanap ang isang bagay?" Pawis na pawis ako at kakatapos lang mag target shooting.


"Pang amoy po." Nakatalikod si papa habang inaayos ang mga baril at mga natirang bala na hindi nagamit dahil papadilim na ang kalangitan at mukhang uulan. 


"Tama, pano kung aso na ang humabol sayo? At lalo na kung trained pa ang hahanap at mag tre trace sayo? Ano ang gagawin mo anak?" 


"Ah, aakyat ako sa puno?"Tanong din ang sagot ko.


"Mali." Aniya pag katapos ipasok ang mga baril sa suit case ay humarap sya saakin at sumandal sa table sa kaniyang likuran.


"Anak ikaw na nga ang nag sabi na pang amoy ang kanilang ginagamit diba?" Tumango ako still attentive sa kaniyang sinasabi. "Humanap ka ng swamp o kahit putik at ibalot mo ang sarili mo doon. Parang lumpia." Tumawa kaming sabay ni papa ginulo  nya ang buhok ko. "And never underestimate their speed."


Bukod sa pagod ay nararamdaman ko na ding mayroon akong mga sugat dahil sa pag kakadapa. Galing sa memorya na tinuro ng aking ama ay agad agad akong nag hanap ng swamp o kahit ilog ngunit wala akong nakita at laking pasasalamat ko na maulan ngayon kaya naman putik na lang ang ginamit kong pang lito sa aso na humahabol. 



Habang papalayo ay mas lalong lumalamig. Sa gitna ng kakahuyan na ito ay ang shooting range namin ni papa na kami lamang ang nakakaalam, agad akong nag tungo duon dahil alam kong may tinagong baril doon si papa. 


Pumasok ako sa maliit na shed kung saan may mga nakatagong mga armas nakakandado ito at sa isang paso nakatago ang susi. Agad kong kinuha ang susi at nanginginig pa habang sinusubukang ipasok ang susi.


"Fuck!" Ng ilang beses kong hindi naipasok ang susi sa padlock. Muli akong sumulyap sa paligid upang tingnan kung nakasunod ba ang humahabol. Nang wala ay agad ko ng nabuksan ang pintuan at agad na kinuha sa isang locker ang baril.


Agad ko itong sinara at lumabas na ng shed ngunit pag katapak ko sa labas ay agad na lumitaw ang aso sa aking gilid at agad na nahablot ang aking damit. Winawagwag nito ang damit na tila ba ayaw akong pakawalan. Nasira ang aking damit at nakatakbo ng ilang hakbang nang bigla akong kagatin sa binti. 


Hawak ang baril ay itinutok ko ito sa aso. Pumikit ako at mas lalong naiyak hindi na ininda ang sakit na dulot ng kagat, umiiyak dahil alam kong kailangan kong barilin ang aso para makatakas o ako ang mababaril kung uunahin ko ang awa. 


Kaya naman itinutok ko ang baril sa aso at kinalabit ang gatilyo ng baril. Sa binti ng aso ko pinatama ang bala at agad na bumitaw ang aso at ininda ang sugat. Ako naman ngayon ang bumangon at sinubukang tumakbo kahit na mayroon ng iniinda.


Kita ko ang dugo ko sa mga dinaanan at natitiyak ko na kahit walang ilaw ay mapapansin ito kaya naman ng malapit nasa tapat na ako ng bangin kung saan ang babagsakan ay dagat agad agad kong hinubad ang pang itaas at itinali sa kagat ng aso. 


Huminga ako ng malalim at huling beses na sumulyap sa aking pinang galingan. 


Ramdam ko ang pag hampas ng katawan ko sa malamig na tubig. Ang malakas na alon ay tila kinakain ako pailalim. Isang malakas na hampas pa at unti unti na akong nawalan ng malay. 


Ito na siguro ang katapusan ko, dito na nga ba mag tatapos lahat?























Code CaliberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon