Caliber 3

1 0 0
                                    


Mahabang katahimikan ang nag hari habang kaming dalawa ay nakatayo at nakatanaw sa dagat ng Busuanga. Malalim pareho ang iniisip. Ramdam ko ang ilang beses nyang pag tingin sa banda ko na tila ba pinapakiramdaman kung gusto ko ba makipag usap o hindi.


Sa ilang oras ko na gising ay puno ng katanungan ang aking nasa isip, una kung talaga bang wala na si papa, pangalawa bakit ako napunta sa Busuanga gayong nasa El Nido ang aming mansyon, pangatlo sino ang lalaking katabi ko ngayon?


Kung hindi lang masakit ang aking katawan at ang mga sugat baka nakagawa na ako ng paraan upang makatakas dito, sayang ang ilang taong pag tuturo sakin ni Papa ng martial arts at pag gamit ng baril kung hindi ko din naman pala magagamit. 


Kung kailan kailangan ako ni Papa hindi ko sya natulungan, naunahan ako ng takot, naunahan ako ng kaduwagan. 



"Why are we moving so suddenly in El Nido, Pa?" Nasa kwarto ko ako ngayon habang nag eempake sa aking penthouse, Papa is on the other line at tanging video lang ang nasa harap ko. Ang sabi nya ay kailangan naming lumipad ngayon patungong El Nido ngunit hindi nya sinabi kung bakit.


Naka sandal sya sa kaniyang swivel chair, naka suot ng kaniyang salamin at may binabasa sa kaniyang office. Sa likod ni Papa ay ang mga naka display nya na mga baril ranging from colts to rifles to snipers. 


"For your safety." Itinabi nya ang hawak na mga papel. Nilagay ko ang hawak na mga damit sa aking maleta. "Don't bring a phone, dismantle your phone now."


"Why?" Nag tataka kong tanong. Sinunod ko kaagad si Papa, kinuha ko ang aking phone at inalis ang mga sim cards at pinatay iyon. 


"Samara, your life's in danger. I can't lose you as well." Napahawak sa sentido ang aking ama. Dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata. Natitiyak kong naalala nya ang aking ina. 


"Pa, it's not your fault." Pag papaalala ko sa kaniya. Tumango siya at nag paalam na.


Pag katapos kong mag empake ay agad akong lumabas at dumiretso sa elevator, pinindot ko ang 50th floor kung saan mag tutungo sa helipad ng Tower kung nasaan ang aking penthouse. Nasa itaas na palapag na ang mga tauhan namin, All in their black suit and tie. The all black chopper's engine is already starting, kinuha ng isang tauhan ang aking maleta at dumiretso na ako sa chopper. 



Ako ang dalawang body guard at piloto ang nakasakay sa chopper ang ibang mga tauhan siguro ay susunod na lamang sa El Nido. All my body guards are armed with weapons. All in defensive stance in case may hindi magandang manyari. 


Almost two hours ay natanaw ko na ang helipad ng aming mansyon sa El Nido. Nasa gitna ito ng kagubatan hindi kalayuan ay ang bangin na nag tutungo sa dagat ng El Nido. 


Pag kababa ko sa chopper ay agad na sinalubong ako ni Papa, mukhang ilang minuto lang mula ng kakarating nya dito. He is wearing his usual all black Suit and tie. Sya lang ang tumanggap saakin duon, Siguro'y ang mga naiwan na tauhan ay mamaya pa makakarating. Hinalikan ng aking ama ang aking pisngi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Code CaliberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon