CHAPTER 16
Renz's POV:
NILIBOT KO ang aking paningin. Wala akong masyadong makita maliban sa kaunting liwanag na sumibol sa malayo. Tumayo ako para maglakad patungo roon.
"Zargus!"
Lumingon agad ako sa pinanggalingan ng boses, ngunit wala pa rin akong makita. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa may tumawag na naman sa akin.
"Zargus!"
Binalewala ko na lang ulit ito. Tumakbo ako nang mabilis palapit sa liwanag ngunit parang ang layo pa rin nito.
"Zargus!"
Bumilis ang tibok ng puso ko sa papalapit na boses na naririnig ko mismo sa akin.
"Zargus!"
Tumakbo lang ako, pero napako ako sa kinaroroonan nang mawala ang liwanag. Ano'ng mayroon? Ano'ng nangyayari?
"Renz!" rinig kong bulong sa aking isipan.
Ha? Kilala niya ako?
"Oo, kilala kita."
Paano?
"Alam kong kilala mo rin ako, Renz. Pero hindi ko pa puwedeng sabihin sa 'yo 'to."
Ha? Ikaw na boses babae?
"Magkita na lang tayo sa susunod, Zargus."
Nawala ang boses sa aking isipan. Bigla ay nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa direksyon na pinupuntahan ko kanina. Nang maging malinaw ang lahat ay napagtanto kong nasa mundo ulit ako ng online. Tinignan ko ang aking sarili, animated na naman ako.
Habang naglalakad ay napagpasiyahan kong huwag munang pumasok sa Heroes Saga Mobile, at sa halip ay pumasok muna ako sa loob ng Peysbook. Doon ay tumingin-tingin ako ng posts sa news feed ko.
Isang malaking kuwarto at kulay asul ang nakapaligid na hologram screens sa akin kung saan makikita ang news feed, account profile, friend request, at iba pang features ng Peysbook. Alam ko naman na si Kian lang ang Peysbook friend ko pero heto pa rin ako at tumitingin sa news feed ko.
Aalis na sana ako sa loob ng Peysbook nang marinig ko ang notification bell. Nang lingunin ko ito ay may nakita akong isang nag-friend request sa akin. Sino kaya 'to?
Lumapit ako sa screen ng friend request at tinignan kung sino ito. Bakit kaya niya ako in-add friend?
Nang marinig ko ang tunog ng message notification ay dagli ko itong ni-check. Nakita ko ang mensahe galing kay Pearl Salvacion.
From: Pearl Salvacion
"Hi!"
Ano kaya ang kailangan niya sa akin?
Hinanap ko naman ang keyboard button saka nag-type ng aking sasabihin. Sa laki ng keyboard sa screen ay kailangan ko pang gamitin ang dalawa kong kamay.
"Hello, bakit ka napa-chat?" tugon ko.
Nakita ko naman na gumagalaw ang tatlong nakahigang dots, ibig sabihin ay typing siya.
"Wala lang. Gusto lang kitang kamustahin."
"Ayos lang naman ako, ikaw?"
"Ayos lang din ako. Kayo ni Kian? Maayos lang ba kayo?"
Napahinto naman ako sa pagta-type at napaisip.
"Ayos lang kami ni Kian, pero tutol ako sa kanilang dalawa ni Kaizer," sagot ko.
"Dahil ba sa ano?"
"Oo. Bilang Kuya niya, gusto ko lang maging ligtas at maingat si Kian. Kaya hindi pa rin ako nagtitiwala kay Kaizer."
"Sabagay, tama ka naman."
Ni-like react ko na lang ito at hindi na sumagot. Wala na rin naman kasi akong sasabihin. Umalis na ako sa Peysbook at naglakad sa pagitan ng mga apps ng aking selpon.
Hayst! Saan naman kaya ako pupunta?
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa gallery. Pumasok ako sa kulay lila na cube, at nakita ko ang mga hologram screens na puro litrato at albums ang nakalagay.
Pumunta ako sa album kung saan nandoon ang litrato naming buong pamilya.
"Papa, nasaan ka na ba? Missed na po kita, Papa," bulong ko sa aking sarili.
Bata pa kami ni Kian sa litrato na aking tinitignan. Dose anyos pa lang ako, at si Kian naman ay onse anyos pa lamang.
"Kung alam mo lang, Papa, niloloko ka na ni Mama." Malungkot ako habang kinakausap ko ang larawan naming simbolo ng isang masayang pamilya. Nagbago lang naman iyon nang magtrabaho na si Papa sa ibang bansa.
Humiga ako sa sahig ng kuwartong ito at napabuntong-hininga. Hays! Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin? Bakit kailangang maging malungkot ang buhay ko?
Pumikit ako hanggang sa makatulog.
Mysterious Person's POV:
HATING-GABI na at pinapanood ko lang mula sa malaking monitor sa harap ko ang animated na binatang lalaki na nakahiga sa tapat ng larawan ng pamilya niya.
"Lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. Mabuti man ito o hindi, nagsisilbing aral ito sa atin," bulong ko. Tumayo na ako at pinatay muna ang ilaw bago lumabas ng kuwarto.
Habang naglalakad ako patungo sa aking silid ay biglang tumunog ang aking selpon. Kaagad ko naman itong sinagot.
"May nahanap ka ng impormasyon?"
"Wala po, tila tago at malihim ang katauhan niya."
"Sige, basta ipagpatuloy ni'yo lang ang paghahanap sa kaniya, maliwanag?"
"Opo, Ma'am." Binaba ko na ang aking selpon.
Pumasok na ako sa aking silid-tulugan. Demeretso ako sa may balkonahe para makaramdam ng malamig na hangin.
Kung nasaan ka man, mahahanap at mahahanap pa rin kita.
Tumingin lang ako sa kalangitan at matiim na pumikit.
Babalikan kita tandaan mo 'yan.
****
BINABASA MO ANG
Inside the Online World [COMPLETED]
Science FictionPaano kung lahat ng sinasabi ko ay magkatotoo? Paano kung mapunta ako sa isang bagong mundo na kinahihiligan ko? Makakalabas pa kaya ako dito, pabalik sa real world? Alamin ang mangyayari sa kaniya... At pasukin ang mundo ng online world. Date Start...