CHAPTER 11: Necklace

23 4 0
                                    

CHAPTER 11

Kian's POV:

NAAWA AKO kay Kuya dahil wala naman talaga siyang kasalanan pero pinalayas pa rin siya ni Mama.

"Kian?" tawag ni Mama.

"Po?"

"Huwag mong kakausapin ang Kuya mo kapag nasa paaralan kayo."

"Po!" bulalas ko.

"Hayaan mo siya na kampihan ang tatay ni'yo," seryosong saad ni Mama.

Nanatili lang akong tahimik para hindi na magalit si Mama. Hindi ko na lamang din tinanong ang tungkol kay Papa dahil baka ako naman ang mapalayas. Hindi ko pa naman kayang mag-isa, at isa pa, wala akong matutuluyan na kamag-anak namin dito.

Okay lang kaya shiya? Nashan na kaya shi Kuya?

Renz's POV:

"TATLONG LIBO po ang rent dito?" tanong ko sa landlady ng apartment.

"Oo, mura na 'yon kumpara sa iba," ani matandang babae.

Tumango-tango ako saka inabot ang naipon kong nasa limang daan. "Huhulog-hulugan ko na lang po, Lola. Ayos lang po ba?"

"Okay lang, hijo. Mukhang pinalayas ka sa inyo."

Napakamot na ako sa aking batok. "Oo nga po, e. Hehe."

Binuhat ko na ang mga gamit ko sa loob ng apartment.

"Siya nga pala, hijo." Napalingon ako kay Lola. "May nakatira sa katabi ng apartment mo."

"Talaga po?"

"Oo. Napakabait niyang bata. Nag-aaral siya sa Dasma National Highschool," tugon ng matanda.

So ka-eskwela o ka-klase ko siya?

Tumango-tango ako saka inayos ang aking mga gamit dito sa loob ng apartment. Ilang oras din ang inabot ko sa pag-aayos. Tumayo na muna ako saglit para mag-stretching.

"Nagugutom na ako kaso wala naman akong makain ditto."

Kinuha ko ang pitaka ko upang tignan kung may laman pa ito, ngunit laking dismaya ko nang makitang kuwarenta pesos na lang ang natira sa akin.

"Saan naman kaya ako makakabili ng pagkain na ang halaga ay kuwarenta pesos?"

Lumabas muna ako ng apartment ko at naglakad-lakad sa kung saan. Hanggang sa napadpad ako sa isang karindirya.

Nang pumasok ako ay may nakita akong karatula na may nakalagay na 'Wanted Helper'. Lumapit ako sa tindera upang magtanong patungkol doon.

"Ate, puwede po bang mamasukan po as helper?" magalang na tanong ko.

"Sige, hijo."

Sinabihan ako ng tindera ng mga gagawin ko tulad ng paglilinis sa tindahan, taga-serve ng pagkain, at minsan tagaluto 'pag maraming order dahil isa lang ang kanilang tagaluto. Sinabi niya rin sa akin na bukas na ako magsisimula sa trabaho.

Umuwi na ako sa aking tinitirahan na apartment saka natulog. Bukas na lang ako kakain 'pag may pera na ako.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa gutom kaya bumili na lang ako ng tinapay sa katapat na bakery. Bumili rin ako ng milo sa sari-sari store saka umuwi at nag-almusal. Pagkatapos kong maghanda ay pumasok na ako sa paaralan.

Ilang oras ang lumipas at puro pambu-bully lang sa 'kin nila Zhat ang mga nangyari. Nang mag-lunch time na ay pumunta na ako sa canteen para maghanap ng puwesto kung saan puwede akong mag-isa.

Hindi ako bumili ng pagkain dahil wala naman akong pera. Ang inaalala ko ay kung kamusta na si Kian.

Habang kumakain ako ng natira kong pandesal kaninang umaga ay nakita ko si Kian sa malayo. Akmang tatayo na ako nang biglang dumating ang mga barkada ni Zhat.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jerry.

"Wala na kayo ro'n," tugon ko habang nasa kay Kian pa rin ang tingin.

"Balita ko pinalayas ka raw sa inyo?" mayabang na tanong ni Zhat habang naglalakad palapit kasama si Pharsa.

"Pake mo ba?"

"Lumalaban ka na ngayon, a! Paano kaya kung kukunin namin 'to?" Biglang hinablot ng mga kasama ni Zhat ang bag ko pati na ang pandesal ko at ikinalat sa sahig.

"Sumosobra na kayo, ha!"

Mabilis kong sinuntok si Zhat. Dumugo naman ang ilong niya kaya sinuntok niya rin ako pabalik. Natumba ako sa sahig, at doon na sinira-sira nila Jerry ang mga gamit ko. Pinilit ko silang pigilan, pero patuloy lang sila sa ginagawa kaya wala akong magawa kundi ang pagsusuntukin sila isa-isa.

"Matapang ka na niyan? Eto sa 'yo!" Sinipa ako ni Zhat sa tiyan. Sunod ko na lang naramdaman ang malagkit na likido na lumabas sa aking bibig. Napahiga ako, hinabol ang aking hininga habang namimilipit sa sakit.

"Hoy! Kayong apat, pumunta kayo sa guidance! Ngayon din!"

Iyon ang sigaw ni Miss Black na huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.

Kian's POV:

NAGULAT AKO nang biglang may humablot sa aking braso at hinila palabas ng canteen. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Kaizer.

"Kaizer?" takang tanong ko. "Bakit mo ako dinala rito?"

Napakamot siya sa batok niya. "Kasi may ibibigay ako sa 'yo."

Hinila na naman niya ako ulit.

"Shaan ba tayo pupunta?"

"Basta," aniya sa pagitan ng marahang pagtawa.

Nang makarating na kami sa classroom ay agad niyang isinara ang pinto habang walang tao.

"A-ano pala ibibigay mo?" naiilang kong tanong.

"Wait lang."

May nakita akong kinuha niya galing sa bulsa. Isa itong kuwintas. Pumunta siya sa likod ko at ikinabit sa leeg ko ang kuwintas na may pendant na kulay azure na crystal.

"Maganda ba?" tanong niya.

"Oo, ang ganda. Pero para shaan 'to?"

Nagtaas-baba ang kaniyang balikat. "Sa totoo lang, gusto talaga kita, Kian."

Lumapit siya sa akin hanggang sa isang pulgada na lang ang pagitan namin. Hinawakan ang pisngi ko, at napapikit ako nang maramdaman ang kanyang labi sa aking noo ko.

"I love you, Kian."

"I love you, too, Kaizer."

Mainit kong tinanggap ang kaniyang halik... ang aking pinakaunang halik.

****

Inside the Online World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon