You're My Victim
¤ ¤ ¤
Part 5 :
The Torture
× ×
Thamarra's PoV
Walang hangganan ang kasakiman nina Kish at Cass, yon ang alam ko. Kaibigan ko sila pero minsan nakakapagod ding mabuhay kung pano sila nabubuhay. But because they're my precious friends, I don't care if I turn out to be just like them.
"Blazer lang ba ang sayo Thamarra?" tanong ni Cass.
"Mukha lang naman sisirain ko." simpleng sagot ko. Kasama ako sa lahat ng gimik nila kaya alam ko ang mga tagong sikreto nilang dalawa. Paminsanminsan, gusto kong lumihis ng landas baka sakaling mabago pang takbo ng buhay ko kaso di ko kaya. I owe them my life and that is why even if gusto kong magbagong buhay kami, hindi ko pa rin maiwasan ang aming nakagisnan.
"Aissssst! Nakaka-excite!" biglang sabi ni Cass habang nanginginig ang kamay.
Si Cass yung babaeng uhaw sa dugo ng tao na akala mo bampira pero hindi, uhaw lang siyang makakita ng dugo. Si Kish naman siya ang loyal guardian ni Cass, wala siyang ibang alam kundi ang bantayan si Cass at hindi iyon alam ni Cass. Wala akong hangad maging demonyo pero sila lang ang unang taong tumanggap sakin at nagtanggol sakin.
-------Flashback:
"Bata, halika dito may kendi ako." sabi ng isang mama.
"Ayoko! I don't talk to strangers!" inis kong sigaw. Hindi ko alam kung nasaan ako kasi tumakas lang ako samin dahil sawa na ako sa pag-aaway ng daddy ko at step mom ko.
"Ayaw mo. Ako na lang lalapit" sabi ulit ng mama. Tumalikod ako para tumakbo kaso may tao rin pala sa likuran ko.
"Huli ka!" sabi ng mama habang hawak ang buhok ko.
"Bitawan niyo ko! Tulong! Tu---" di na natuloy ang sasabihin ko dahil dinagmakan na ako ng suntok sa tiyan.
Unti unting nawawalan na ako ng malay nang biglang may nakita akong dalawang batang paparating. The next thing I knew was napatumba nila yung mga mama kanina. And then doon lang ako nawalan ng malay.
Pagkagising ko, nasa isang bahay ako. Simple lang ang paligid ng bahay. At doon ko sila nakilala. Si Kish at Cass ang nagligtas sa akin sa mga strangers na iyon. Pinatuloy nila ako sa simpleng bahay nila at sinabing magsasama na kami hanggang paglaki namin. They accepted for who I am. And from then on, I vowed to myself that I will always stay with them no matter where they go.
-------End of Flashback----
"Okay, tara na." saad ni Kish at tumango naman kami at sumunod na sa kanya.
Our plan was to capture that Andrea and give her a beating along with her underlings.
At hindi na nga kami masyadong nahirapan dahil nakita agad namin si Andrea at ng dalawa niyang kasamahan na papalabas ng kanilang room.
Sinundan namin sila at agad silang dinakip at ipinunta sa tagong lugar dito sa university. Well, you can think of what we did to them. Dadalhin sana namin sila sa favorite spot namin kung saan namin dinadala mg victims namin kaso we can't. Hindi kase kami basta makakalabas dahil surrounded ang university na ito ng napakataas na pader. Mala-Attack on Titan ang itsura dahil hindi basta makakalabas ang mga students at sa loob lang ng university manahan.
"So anong plano mong gawin after what they did to us in the canteen?" tugon ni Cass sakin.
"P-parang a-awa niyo na! P-p-pakawalan niyo na k-kami!" sigaw ni Andrea.
"How about we tie them sa flag pole?" suhestiyon naman ni Kish.
Nakita ko naman ang tuwa sa mga mata ni Cass.
"We already did what we planned to." pasimpleng sambit ko.
"Hmm, okay pero one more thing." sabi ni Cass sabay tanggal sa mga piring nila Andrea at ng dalawa pa niyang kasamahan.
"Ito ang tatandaan niyo. Wag na wag kayong magkakamali na sabihin kanino man ang nangyari ngayon kundi malilintikan na talaga kayo. Naintindihan niyo?!" mapangahas na tugon ni Cass habang marahas na hinawakan niya sa may panga si Andrea. Tango naman ito ng tango dahil siguro sa takot.
Akala ko pakakawalan na ni Cass sila kaso dinambakan ulit niya ng suntok sa tiyan si Andrea at sinipa ang dalawa sa may braso. Susugod pa sana siya ng pigilan siya ni Kish.
"Tama na Cass. They've had enough" kalmadong sabi nito subalit hindi pa rin nawawala ang panlilisik sa mga mata ni Cass.
Nilapitan ko sila at hinawakan ang kamao ni Cass na nakakuyom at dahandahan itong tinanggal sa pagkakakuyom ng mga ito dahil dumadagan na ang mga kuko niya sa kamay niya.
"Okay, let it pass now Cass," marahan na sabi ni Kish.
Pinakawalan na namin sila Andrea at bumalik na rin kami sa aming room. Pagbalik namin sa room, sinuntok ni Cass ang pader dahilan para mapadugo ang kamao niya. Napabuntong-hininga na lang kami ni Kish.
Yes, I'm one of them, violent just like them, but only when needed. Naniniwala ako na they're being like this dahil ayaw nilang nakakakita ng taong masyadong bully dahil lang sa mas angat ang mga ito sa buhay. Cass and Kish would never act so violently without a cause.
"I'm sorry. Hindi ko napigilan sarili ko. Alam kong nangako tayo na maging good girls na tayo pero I just can't let them continue doing more sa pambubully nila at pananakit sa mga taong mahihina," paliwanag ni Cass.
We understand Cass at nginitian siya to tell her it's okay.
"Okay, bukas na bukas magiging good girls na talaga tayo" pangungumbinsi ni Cass sa sarili.
"Oh by the way, Thamarra, didn't you say you'll make them pay?" tanong ni Kish sabay tingin sa braso ni Cass na nakabandage.
Tumingin naman ako sa braso ni Cass, at kumirot ang dibdib ko.
"I did." sabi ko ng nakangisi. Honestly, mas malala pa ang ginawa ko sa sumugat kay Cass. Yes, I broke her arm.
"What's done is done. Matulog na tayo. Malalim na ang gabi" sabi ni Kish at nahiga na sa kama niya.
Nahiga naman na kami ni Cass sa aming mga kama at tuluyang umidlip.
YOU ARE READING
You're My Victim
Mystery / ThrillerThree ladies who lived in violence. They were considered as the Tatlong Dyosa. Nakick out sila sa dati nilang school kung kaya naman ay pumasok sila sa isang tagong paaralan na kung tawagin ay Wild Phantom University. At sa paglipat nila ay nangak...