Part 3

3 2 0
                                    

You're My Victim


¤ ¤ ¤

Part 3 :

Classroom Clown

× ×

Cass POV

Maaga kaming pumasok dahil nga good girl na kami. Nakaka-imbyerna pero mas okey na yon kesa ma-kick out na naman kami.

" O(≧▽≦)O " ako. Nakakita kasi ako ng gwapog nag-tetext sa daraanan namin. Lalapit sana ako kaso hinawakan ni Thamarra ang kamay ko sabay iling.

"Malas," sambit ko kaso hindi namin napansin si Kish. Ayun ang Dyosa hawak ang phone ni boy at nag-pipindot.

"Call me," pa-cute niyang sabi bago binigay ang phone ni boy. Nagkukunot naman sa batok na tinanggap ni boy ang kanyang phone. Agad na naming hinila si Kish.

"Sana ako din," inggit kong sabi.

"Bagal mo, mas Dyosa kasi ako," nang-aasar niyang sabi kaya hinampas ko ang braso niya.

"Kaso bawal mangotong ang good girl," pang-iinis din ni Thamarra napatigil naman si Kish sa pagngiti.

"Grabe siya" malungkot niyang sagot. Humalakhak naman kaming dalawa ni Thamarra bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Ahhh, ahm. I'm Thamarra Corpuz,"  pakilala ni Thamarra sa sarili.

"Kish Poe," pakilala rin ni Kish sa sarili.

"Casseria Sanchez," pakilala ko rin bago nag-bow ng bahagya.

"Take your sit at the back," sabi naman ng teacher.

Maraming mata ang nakatingin samin kaso wala kaming paki. Pagkaupo namin sa tatlong bakanteng upuan ay siya namang dating ng tatlong lalaki. And they're super duper hot. Lalo na yung nasa gitna.

~Ikaw na ba si Mr. Right,
Ikaw na ba love of my life~

" (♥ω♥ ) ~♪ " ako. Para tuloy may musika akong naririnig habang nag-eye to eye kami nung nasa gitnang lalaki.

At inulit pa talaga ang musika.

~Ikaw na ba si Mr. Right,
Ikaw na ba love of my life~

Naramdaman ko naman na may sumiko sakin, si Thamarra.

"Cellphone mo kanina pa, kumakanta," sabi ni Kish.

Nainis akong kinuha ang phone ko't inoff.

"Ay putek! Kala ko pa naman ay theme song na namin nung lalaki eh! Manigas kang tumatawag!" inis na saad ko.

Nagtawanan naman ang mga tao sa loob ng klase. Mukhang nasabi ko yung iniisip ko, nakaka-asar!

Matapos ang insidenteng yon, nagpalamig na kami sa canteen.

"Malas naman oh! Gumastos pa ko sa food ko," inis na sabi ni Kish.

"Eto, yung mga to!" turo samin ng isang babae.

* * *

a/n:

I apologize to have failed to update with a longer chapter. Hindi sa tinatamad ako pero sadyang sinadya ko talaga na short update muna hahaha. Sorry pero I hope na mabasa niyo pa rin ang story na ito at subaybayan hanggang sa matapos. Thank you and lovelots  ♡♡

You're My VictimWhere stories live. Discover now