You're My Victim
¤ ¤ ¤
Part 1: Farewell
× ×
Cass POV
"And cut!" sigaw ni Joshua.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan naming tatlo.
"Yung bayad?" imik ni Kish.
"1,000 napag-usapan," sagot naman ni Joshua.
"Alangya! 1,000 lang? Sinabi kong playgirl ako! Alam mo ba kung paano nadungisan pagkababae ko dahil sa talksh*t na pinagsasabi ko mula sa linyang binigay mo?" inis kong sabi kay Joshua.
"Guys chillax," sagot naman ni Joshua na nakataas kamay na parang sumusuko samin.
Kwinelyuhan siya ni Kish, "walang chillax sa amin."
Bumuga naman ng hangin si Joshua. "Eto na nga o." bigay niya sa limang libo kay Kish.
"Kulang," hirit ko.
Tumango naman si Thamarra. Nakabully mode on na kami. Ang totoo niyan, pinakiusapan kami ni Joshua na mag-shooting daw pang-farewell namin, sumang-ayon kami dahil may bayad.
"Eto na nga oh" dagdag niyang bigay kay Kish. Tinulak na siya ni Kish at napasalampak naman siya sa sahig.
Kinuha ko naman ang video camera na ginamit namin sa shooting, hinulog ko ito sa sahig at tinapak tapakan. Nanlaki naman ang mga mata ni Joshua habang pinagmamasdan ang sira niyang gamit.
"That's how we say goodbye to our fans. Ano nga ulit, Joshay?" kunot noo kong tanong.
"Ahh Joshua, Joshua Ramos," takot niyang sagot. Ngumiti naman ako bago tumayo.
"Let's go girls mag-eempake pa tayo," sabi ko sa dalawa. Kaso nabawasan coolness ko kasi nauna na pala sila. Ito talagang si Kish, binigay lang yung pera wala na tong paki sa finishing move namin.
Tumalikod ako at tumingin kay Joshua.
"Wala bang goodbye at pasasalamat man lang?" seryoso kong tanong.
Tumayo naman ito at yumuko ng bahagya.
"Paalam po mahal na Dyosa at salamat sa pagsira ng video cam ko. Makakabili na rin ako ng bago," sagot niya habang nakayuko pa rin at sumisinghotsinghot pa. Umiiyak si Mokoy.
"Good," sagot ko naman bago tumalikod.
I'm a great bully and I love it.
Pagpasok ko sa boarding house, yung dalawa ay nasa kama at natutulog.
"Akala ko ba mag-eempake tayo. Ba't kayo natutulog?" kunot noo kong tanong kaso walang sumagot.
"Haaaaay," buntong hininga ko bago lumabas. Kukuha na lang ako ng gagawa non samin.
"Hoy, ikaw!" sita ko sa babaeng nakita ko. Agad naman itong lumapit.
"Bakit po?," kalma niyang tanong.
"Wala ka bang kasama?" tanong ko.
"Wala po, bakit po?" sagot naman niya.
"Humanap ka ng dalawang babae at pumunta kayo dito, in the count of ten. I'll do the counting," angas kong sabi bago pumasok sa loob ng kwarto namin. Mayamaya lang dumating na sila.
"Mag-empake na kayo ng mga gamit namin at siguraduhin niyong lahat maimpake ninyo," utos ko.
Agad naman silang nagsitinginan bago sumunod sa utos ko. Well, they know who we are at dapat lang.
"Bawal ang maingay, matutulog kami," sabi ko pa bago nahiga sa kama ko.
Makalipas ang ilang oras ay ginising na ako nina Kish at Thamarra.
"Okey na. Tara na," sabi ni Kish.
"Asan yung mga yun?" tanong ko ng makaupo na ako sa kama.
"Ewan,"sagot ni Kish.
"Buwisit yung mga yon, hindi man lang nagpaalam," inis kong sabi. Pinitik naman ni Thamarra ang noo ko.
"As if naman paalam ang iniisip mo, gusto mo lang ata paiyakin sila at kotongan eh," sarkastikong sagot ni Kish.
"Oo na" sabi ko naman bago tumayo at kinuha ang maleta ko.
"Let's go" sabi ni Kish.
"Girls? Wala ba tayong pa-farewell sa boarding house natin," malademonyo kong tanong.
" *o* "Kish at Thamarra.
Nag-umpisa na kaming sirain ang kwartong yon, nag-ingay sa pambabasag ng mga salamin ng bintana at sa iba pang mga gamit na nandoon sa loob.
"Ang saya!" nakangiti pang sabi ni Thamarra.
"Of course dear" sagot naman ni Kish.
"Eh paano yung dean na nag-kick out satin?" tanong ko bago winasak ang pang huling salamin ng bintana.
"Wag na, sa ibang pagkakataon na lang." sagot ni Kish bago kinuha ang maleta at naunang maglakad palabas ng kwarto namin. Sa labas pa lang, marami ng mga estudyante ang nakatingin samin. Kumukulo dugo ko, parang gusto ko silang paiyakin at saktan. Gusto kong maimarka sa puso nila na minsan may dumaan na mga Dyosa sa buhay nila. Hindi na sila umimik ng dumaan kami sa harapan nila.
"Saang school ba tayo pupulutin?" tanong ni Thamarra.
"Ewan," malimit na sagot namin ni Kish.
"Makakahanap din tayo ng bago nating korona." sagot ko bago tuluyang makalabas ng gate. Hindi na namin liningon pa ang school na pinanggalingan namin. That school will remain unforgivable in my eyes, in our eyes.
YOU ARE READING
You're My Victim
Mystery / ThrillerThree ladies who lived in violence. They were considered as the Tatlong Dyosa. Nakick out sila sa dati nilang school kung kaya naman ay pumasok sila sa isang tagong paaralan na kung tawagin ay Wild Phantom University. At sa paglipat nila ay nangak...