Chapter 1

2 0 0
                                    

"Uy bes, balita ko break na daw kayo ni Eros?" Tanong sakin ng chismosa kong best friend na si Mizaki.

She is my one and only best friend since grade seven hanggang ngayong senior high students na kami. She is a half japanese half alien este filipina girl.

"Oo, ano ngayon?"
Andito kami ngayon sa bahay nila gumagawa ng project.

Nakita ko naman siyang sumimangot. "Eh Bes, sayang naman yung tao."

Tao ba yun? Eh mukha nga yung libag si Eros. Ewan ko nga eh kung bat ko pinatulan. Joke.

"Ayan ka na naman Zaki."

"Gaga. Seryoso sayo yung tao tas binreak mo lang."

Tsk. Sa lahat nalang ng breakups ko yan ang palagi niyang sinasabi. Kesyo sayang daw yung tao kaso hiniwalayan ko kaagad. Sa panahon daw ngayon hirap ng makahanap ng taong seryoso. Eh ganyan talaga ako eh. Nawawalan agad ng gana sa isang relasyon pagkatapos ng isang buwan. Psh.

"Kaumay kana, Zaki. Alam mo yun? Tsk." Kinuha ko nalang yung bondpaper at nagsimula ng magdrawing.

Bata palang ako ay mahilig na talaga akong magdrawing. Sabi ni mama nakuha ko raw to sa yumao kong ama.  Dino-drawing ko ngayon ang Philippine escape noong unang panahon. Noong wala pang nananakop sa Pinas. Philippine history kasi ang napili namin ni Zaki na gawing topic para sa visual presentation namin sa History subject.

"Sige ka. Pag ikaw talaga nakarma at matamaan ka ng pag-ibig wag kang iiyak-iyak saken ha."

"Eh kasi naman bes hindi uso sakin karupukan no. Ayaw kong magmakaawa. Kaya ko nga binreak diba?"

Hindi na siya sumagot pa. Pinagpatuloy ko nalang yung pagdodrawing ko. Maya-maya lang ay nagpaalam si Zaki na mag-ccr muna.

"Sige. Tapusin ko lang to tas break muna tayo."

"Sige."
Umalis na si Zaki. Ako naman ay pinagpatuloy nayung pagdodrawing.

20 mins later....

Di paden bumabalik si Zaki. Hanggang sa natapos ko nayung dino-drawing ko ay di paden siya nakakabalik.
Ilang gallon ba inihi nun. Aish. Mapuntahan nanga lang. Baka nilamon nayun ng inidoro. Haha.

I was about to stand ng mapalingon ako sa kakatapos ko lang na drawing ko. Kumikinang ito. Nilagay ko siya sa ibabaw ng mini drawer ni Zaki para di madumihan kaya kita ko lang ang pagkinang nito. Nilapitan ko ito.

It's really glowing!

"Fuck. Nananaginip ba ako?" Sinampal ko pisngi ko ng malakas.

Ouch. Masaket. So, ibig sabihin di ako nanaginip. Ohmy. Pano nangyayari to?

Kinuha ko yung drawing ko. Nasilaw naman ako sa liwanag kaya napapikit ako. Nung feel kong wala ng liwanag ay dinilat ko na yung mga mata ko.

O_O

"Where the hell am I?" Di ko naiwasang masambit.

May mga taong nakasuot ng pansasaka, mahabang palda at may mga tao ding nakageneral attire. Maraming tao ang paroo't parito sa paligid ko. May ibang nakasakay ng kalesa. May iba ding nakasakay ng kabayo.

Oh my holy fuck! Nasa sinaunang panahon ako for Pete's sake.

Nilibot ko pa ang paningin ko. Panong napunta ako dito? The last thing I did is... Ohmy gosh. Kani-kanina lang hawak ko lang yung drawing ko na lumiliwanag. Tapos..tapos.. tapos..

I can't remember na dafuck.

Lutang akong naglakad. Sumasabay nalang ako sa dagat ng mga tao. Di ko alam saan ako pupunta.

I Love You, HaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon