Chapter 3

0 0 0
                                    

Pangatlong araw ko nadin dito sa panahon nato. Hapon na at andito kami ngayon ni Lejan sa may bakuran niya. Nagbabalat ng mga manggang kinuha niya kanina sa may punomg mangga dito sa bakuran.

"Binibini, san kanga pala nanggaling parang kakaiba kasi ang postura mo nung una kitang nakita."

Alam niyo nahanap ko na kapatid ni Zaki. Si Lejan pala. Ang chismoso din kasi eh. -,- Daming tanong. Simula pa yan kaninang umaga tanong ng tanong.

"Maniniwala kaba kung sasabihin kong galing akong hinaharap?"

I am really hoping he would understand me. Baka kasi tawagin niya din akong baliw katulad nung mga babae sa palengke nung araw na dumating ako rito.

"Hinaharap? Pano ka naman napunta roon?" Takang taka na tanong ni Lejan.

Hindi ako kaagad nakasagot. Even I can't understand how did this happened. Nagliwanag lang naman yung drawing kong Philippine escape tapos charan andito na ako sa past. Tss.

"Ewan ko din eh." Sagot ko nalang.

"May alam akong makakatulong sayo.  Ang aking ninong Siko." Tumayo siya at binawi ang manggang binabalatan ko. Pinasok niya lahat ng mangga sa loob ng bahay. Pagkabalik niya ay hinila niya naman ako.

"Pupuntahan natin si ninong. Baka may alam siya sa ganyan."

Di nalang ako sumagot. Nagpahila nalang ako sakanya. Grabe ang impulsive niya talaga. Kung anong naiisipan niyang gawin ay ginagawa niya kaagad.

Nakarating naman kami sa bahay ng tinatawag niyang ninong ng ligtas.

"Ninong Siko, ito nga pala si Light. Pwede niyo ho ba siyang---------

"Isa kang tao mula sa hinaharap, tama ba?"

Hindi na natuloy pa ni Lejan ang sasabihin dahil pinutol na kaagad siya ng matandang lalaki.

"At nandito ka para baguhin at paibigin ang heneral Ryuke."
Titig na titig siya sa akin. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Lejan pagkadating palang namin.

Hindi ako kaagad nakasagot. Wala akong alam sa pinagsasabi niya.

"Ang baguhin at paibigin ang heneral ng mga hapon. Iyan lang ang natatanging paraan upang ika'y makabalik sa kasalukuyan. Ang iyong panahon."

"P-paibigin? Baguhin? Di ko po kayo gets este di ko po kayo maintindihan."

Pati si Lejan ay naguguluhan din. Hinawakan ng matanda ang palapulsuhan ko. Parang bang binabasa kung anong meron sa buhay ko.

"Nararamdaman kong gustong gusto mo ng makauwi, tama ba?"

"Opo." I quickly answered.

God knows how I badly want to get out of this place.

"Baguhin mo sa pagiging malamig at mapanakit ang heneral ng mga hapon. Paibigin mo!"

Hindi ko alam kung totoo ba ang pinagsasabi niya. Well, baka kasi sinasabi niya lang niya yan para makaligtas na sila sa pananakit ng mga hapon. So ano ako ngayon? Pain nila? -,- lol di naman ako papayag no.

"Lolo hindi ko ho iyan magagawa."

Binitawan na niya ang kamay ko. "Nasa saiyo narin iyan iha. Pero totoo itong sinasabi ko. Hinding hindi ka makakaalis sa panahon na ito kung hindi mo mapapaibig at mapababago ang heneral."

Takte naman. Ang hirap naman nun. Sa lahat ng pwedeng maging paraan bat iyon pa? That general just hurt me. I hate him to the moon and back. Naitalaga ko nayan sa diamond. So no I'm not gonna doing this shit.

Pero pano na ako? Pano ako makakaalis sa panahon nato? Gustong gusto ko ng umuwi. Sobrang namiss ko na si mama.

"Binibining Light, halika na uuwi na tayo."

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa paghawak ni Lejan sa balikat ko. Iginiya na niya ako palabas ng bahay ng matanda. Pero sa paglabas namin ay laking gulat ko nalang sa nakita namin sa labas ng bahay.

"Z-zaki?"

There my best friend standing in front of me. Her arm was snaked around with the general's arm. Heck. Ano tong nakikita ko?

"Zaki! Napunta ka din pala sa mundong ito."
Buong saya ko siyang sinugod ng yakap. Hindi ko na alintana na ang hapong heneral na dumakip sakin ang kasama niya.

"God. How I miss you so much."

Pero di niya ako niyakap pabalik. Kumalas na ako sa yakap.
"S-sino ka? Hindi kita kilala."

"Gaga. Wag mo nga akong pinagloloko. Tama nga ako ikaw yung nakita ko sa palengke."

"Hindi nga kita kilala!"

I was shocked when she shouted at me. Bakit? Anong nangyari sa bespren ko?

Rinig ko namang may tumikhim. "Tama nga rin ako tumakas ka, hangal."

O_O oo nga pala andito nga pala si Ryuke.

"At sino naman ang deputang nagpatakas sayo?"
Grabe sobrang cold ng boses niya. Huhu. Patay talaga ako nito ngayon. Lord ipalamon niyo na ako sa lupa please.

"Ako." Rinig kong sagot ni Lejan mula sa likod ko.
Sumunod na pala siya sakin.

"Minagate."
(Traydor.)

Yun lang ang sinabi ni Ryuke habang nakatingin ng malalim kay Lejan bago hinila si Zaki papasok ng bahay ni matandang Siko.

Inaya narin ako ni Lejan umuwi.

"L-lejan... Ang bespren----kaibigan ko yung babae. Bakit niya kasama ang heneral?" Nagtatakang tanong ko.

"Kaibigan mo iyon si Binibining Zaki?"
Tumango ako.

"K-kilala mo siya?"

"Oo. Siya kasi ang nakatakdang pakasalan ni Kuya Ryuke."

"WHAT?"

He sighed. "Pano ka na niyan binibining Light? Yun sana ang gusto kong sabihin sayo kaninang sinabi ni ninong ang paraan kung paano ka makakabalik sa panahon mo. Nung mismong araw kasi na dumating ka sa panahon nato ay iyon din ang araw na ipinakilala na ni Kuya Ryuke sa madla ang mapapangasawa niya."

"A-anong buong pangalan ng mapapangasawa niya?"

"Maria Mizaki Ichikawa."

Oh God. Ang bespren ko nga iyon.  Dapat makuha ko siya sa mapanakit na Ryuke nayun!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You, HaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon