2

10 1 0
                                    

15 years ago...

Nagising ako sa sigaw ng mama ko. "Aries, bangon na d'yan! Ipagluto mo na kami ng mga kapatid mo! Kanina pa kami nagugutom!"

Dali-dali akong bumangon dahil sa takot na saktan nila ako.

Mabilis akong nagluto ng agahan nila at nag-handa na para pumasok

"Ahm- mama, puwede ho ba akong makahingi ng baon?" tanong ko kay mama.
"Hindi! Hindi mo inayos ang pagkakaluto ng agahan namin!" sabad ng kuya ko.

"Sige po, mama. Aalis na po ako." sambit ko habang pinipigilan tumulo ang luha ko.

Wala ako sa sarili buong araw dahil hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin ng mga kapatid ko sa 'kin.

Nakarating na ako sa bahay ng biglang sumulpot si ate, "Maglinis ka. Hindi kasi ako makapaglinis dahil kagagaling ko lang sa salon."

Sinunod ko ang utos n'ya. Biglang sinagi ni ate 'yong vase ni mama na mamahalin na malapit sa 'kin.

"Anong nangyari?!" sigaw ni mama, "Mama si Aries kasi sinagi 'yong vase na mamahalin!"

"Ano?!"

"Mama hindi po ako ang sumagi. Si ate po." naiiyak 'kong ani

Nagulat ako sa nangyari. Sinampal ako ni mama, "Sinungaling! Hindi ang ate mo ang nakabasag! Pa'no n'ya mababasag ni hindi n'ya nga mahawakan ang kanyang cellphone, ang vase pa kaya?!"

"Anong nagyayari dito?" tanong ni kuya.

Bigla nalang umiyak si ate. "Si Aries kasi..." humihikbing sabi n'ya, "sinigawan n'ya kami ni mama."

"Ano?!"

Biglang lumapit si kuya sa 'kin at tinulak ako sa sahig. "Kahit kailan talaga napaka-tanga mo! Wala kang kwenta! Umalis ka na dito! 'Wag ka ng babalik!"

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at nag-impake.

Nadaanan ko sila sa kusina na masayang kumakain na wala ako.

Naiyak ako na isiping masaya sila na wala ako. "Siguro hindi nila ako mahal..." bulong ko sa sarili.

Naglalakad ako sa kalye ng ng bigla akong nahilo.

Buong araw pala akong walang kain...

Napatawa nalang ako ng pagak at nagpatuloy sa paglalakad ng hindi na kinaya ng katawan ko ang hilo at gutom.

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. "Nasaan ako?" "Nandito ka sa bahay ko hija." pumasok ang matandanv babae na kaedad lang ni mama.

"Nakita kitang nawalan ng malay sa kalye, kaya dinala kita sa bahay ko." kwento n'ya. "Hija puwede ko 'bang matanong anong nangyari sa'yo?" pagtatanong ng matandang babae.

"Pinalayas ho kasi ako sa amin..." naiiyak na ani ko.

"Ayaw po kasi ng pamilya ko sa 'kin." tuluyang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

She cried her heart out. Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak, basta ang gusto lang niya mawala ang sakit na nararamdaman niya.

Bakit ba hinayaan ko lang sila na apihin ako? Anak 'din naman ako ni mama ah? Bakit hindi niya ako mahal kagaya ng pagmamahal niya kila ate at kuya?

"Hija, puwede mo akong maging mommy." ani niya na naluluha. "Hindi dahil sa naawa ako sayo, dahil gusto kitang maging anak."

"Wala ho ba kayong anak?" puno ng kuryosidad na tanong ko.

"Wala. Matagal ko na gusto magkaanak pero wala naman akong nobyo o asawa."

"Hija, don't worry. Mamahalin kita bilang totoo 'kong anak." marahan niyang sabi sa akin.

"Call me mommy from now on okay?"

Tumango akong may munting ngiti sa labi.

Sana maging masaya na ako. Sana totohanin mo ang sinabi mo sa 'kin.

RIVALSWhere stories live. Discover now